RESIBO WALA NANG VALIDITY PERIOD

EPEKTIBO sa Hulyo 16, 2022 ang official receipts at invoices ay mawawalan na ng validity period kung kaya’t tuloy-tuloy na itong magagamit hanggang sa maubos.

Sa pamamagitan ng inisyung Revenue Regulations (RR) No. 6-2022 kamakailan, ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay gumawa ng hakbang para ipawalang bisa ang ‘five-year validity period’ sa lahat ng printed at system-generated receipts/invoices.

Ito ay nakalinya sa Republic Act (RA) No. 11032 o mas kilala bilang “Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018” at bilang bahagi na rin ng ‘Bureau’s continuous efforts in revisiting its policies and business processes to improve, streamline and reduce financial burden on the part of taxpayers’.

Base sa regulasyon, ang dating required phrases “This invoice/receipt shall be valid for five (5) years from the date of the Permit to Use” at “Valid Until” sa ilalim na bahagi ng system-generated receipts/invoices, ay inaalis na.

Ang Authority to Print (ATP) principal and supplementary receipts/invoices kasama ng kanilang serial numbers at paggamit nito ay wala na ring pagpaso, na parehong binanggit sa phrases na nakalagay sa validity date sa manual receipts/invoices, na kailangan na ring alisin.

Tinukoy sa transitory provisions ng nasabing regulasyon, ang validity date at nabanggit sa phrase printed sa hindi nagamit na manual principal at supplementary receipts/invoices ay balewala na at maaaring iisyu hanggang tuluyan na itong maubos.

Kapareho nito, lahat ng system-generated receipts/invoices na may parehong phrases base sa dating inaprubahang Cash Register Machines (CRM) and Point-of-Sale (POS) machines and system/software na may katumbas na PTU/AC, ay hindi na dapat pansinin.

Subalit ang nasabing CRM/POS machines at system/software generating tulad ng receipts/invoices ay dapat muling ma-configure para maalis ang nasabing ang nasabing phrases. (JOEL O. AMONGO)

359

Related posts

Leave a Comment