RIDER PATAY SA NAKA-PARK NA TRUCK

CAVITE – Patay ang isang motorcycle rider nang bumangga sa isang nakaparadang trailer truck sa gilid ng kalsada sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Lunes ng madaling araw. 

Isinugod sa Poblete Memorial Hospital ang biktimang si Jason Perin y Almonte ng Brgy. Rizal, Makati City ngunit idineklarang dead on arrival.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng driver na nagparada sa trailer truck sa tabi ng kalsada sa Tagaytay-Nasugbu Highway sa Brgy. Amuyong, Alfonso, Cavite.

Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at binabagtas ang Tagaytay-Nasugbu Highway ngunit pagsapit sa Brgy. Amuyong, Alfonso, Cavite nang bumangga ito sa likurang bahagi ng isang trailer truck na nakaparada sa nabanggit na lugar. (SIGFRED ADSUARA)

 

131

Related posts

Leave a Comment