SCHOLARSHIP PANGAKO NI CONG. NOGRALES Sa mga anak ng 50 pares na ikinasal sa Montalban

(JOEL O. AMONGO)

LEGAL na ang pagsasama ng 50 pares na lumahok sa kasalang bayan sa Montalban, Rizal sa mismong Valentine’s Day kahapon.

Naging panauhing pandangal sa nasabing aktibidad si Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles.

Sa kanyang pananalita, nagpasalamat ang mambabatas sa pagiging bahagi niya upang maging legal ang pagsasama ng mga ikinasal na nagmula sa iba’t ibang barangay ng Montalban.
Aniya, laging bukas ang kanyang pintuan sa mga ito para makatulong partikular sa scholarship ng kanilang mga anak.

Ang kasalan na ginanap sa gymnasium sa tapat ng municipal hall ay pinangunahan ni Mayor Ronnie Evangelista.

Karamihan sa 50 pares na lumahok ay matagal nang nagsasama ngunit hindi naiksal dahil sa kakulangan sa budget at mga hindi inaasahang kadahilanan.

Naging sentro ng mensahe ng limang pastor, lider ng simbahan at politikong dumalo sa Kasalang Bayan ang respeto sa isa’t isa ng mga bagong kasal at pagpapanatiling nasa gitna ng kanilang pagsasama ang gabay at paniniwalan sa Panginoong Maykapal.

Tumayong mga ninong at ninang sina Cong. Nograles, Mayor Evangelista, Rizal Governor Nina Ynares at iba pa.

Bawal mag-asawa ay tumanggap ng regalo mula sa mga panauhin.

154

Related posts

Leave a Comment