SENEGALESE NATIONAL PINIGIL NG BI SA FRAUDULENT PASSPORT

SUMASAILALIM sa masusing imbestigasyon ang isang Senegalese national makaraang magpresenta ng fraudulent passport at border arrival stamp sa Bureau of Immigration (BI).

Ayon sa nakalap ng report, nag-file ang 37-anyos na Senegalese national ng tourist extension visa sa immigration, ngunit napansin ni Raymond Remegio, hepe ng Tourist visa section, na mayroong discrepancies ang documents.

Bunsod nito, ipinadaan ang dayuhan sa secondary inspection upang sumailalim sa forensic documents laboratory at dito nakumpirmang peke ang lahat ng isinumiteng dokumento ng dayuhan.

Inihahanda na ang kaso laban sa dayuhan bunsod ng paglabag sa immigration laws.

Kaugnay nito, kahaharapin ng dayuhan ang immediate deportation at mapapabilang din siya sa listahan ng mga blacklisted na dayuhan.

“He will be bar from re-entering the country,” ayon sa opisyal ng BI. (FROILAN MORALLOS)

110

Related posts

Leave a Comment