SENIOR CITIZEN ARESTADO SA DRUG BUY-BUST

CAVITE – Arestado ang isang babaeng senior citizen na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at itinuturing na high value individual (HVI), makaraang makumpiskahan ng tinatayang 25 gramo ng hinihinalang shabu sa Dasmariñas City noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang suspek na Olimpia Benito, 66, may asawa, residente ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa ulat ni Police Corporal Mamol Cunanan ng Dasmariñas City Police, dakong alas-4:50 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO) at Dasmariñas City Police sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nasamsam mula sa suspek angtinatayang 25 gramo ng hinihinalng shabu na may street value na P172,500, at buy-bust money.

Kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang kinahaharap ng suspek na kasalukuyang nakadetine sa Bacoor City Custodial Center.

(SIGFRED ADSUARA)

76

Related posts

Leave a Comment