SENIOR CITIZEN PATAY SA BUGBOG

ITINANGHAL na bangkay ang isang senior citizen makaraang romansahin sa gulpi ng kalugar makaraang magtalo sa Navotas City.

Kinilala ang biktimang si Valentin Lamigas, 62, ng Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), Dagat-Dagatan, habang tinutugis ng mga pulis ang suspek na si Verel Del Rosario, nasa hustong gulang, ng nasabi ring lugar.

Ayon sa ulat, bandang 12:30 ng madaling araw noong Miyerkoles nang magtalo ang dalawa sa bahay ng biktima hanggang sa kulatain ni Del Rosario si Lamigas.

Natuklasan naman ng kanyang anak na si Ronaldo Lamigas, 32, ang ama na duguang nakabulagta kaya itinakbo ito sa Navotas City Hospital ngunit pinayuhan na tumuloy sa Jose Reyes Memorial Medical Center gayunman pinili umano ng biktima na umuwi na lamang.

Dakong alas-1:10 ng hapon nang mapansin ng anak ng biktima na tila walang malay ang ama at nang suriin ay hindi na humihinga. (ALAIN AJERO)

42

Related posts

Leave a Comment