SERBISYO NG PHILHEALTH ‘DI DAPAT MAAPEKTUHAN NG PREMIUM HIKE SUSPENSION

WALANG nakikitang dahilan si Senador Christopher Bong Go para maapektuhan ang serbisyo ng PhilHealth sa suspensyon ng pagtataas ng premium nito.

Ipinaliwanag ni Go na isinulong nila ang P79 bilyong alokasyon sa PhilHealth sa ilalim ng 2023 national budget bukod pa sa P21.17 billion para sa benefit package para sa dialysis coverage, mental health outpatient coverage, improvement ng Z-Benefit packages,  acute malnutrition, all case rate, rationalization ng ilang medical at surgical procedures, at implementasyon ng  comprehensive outpatient benefit package, kabilang na ang free consultation fees, laboratory tests, iba pang diagnostic services, outpatient drug benefit at emergency medical services.

Pinatitiyak ni Go sa PhilHealth na maibibigay ang serbisyong dapat makuha ng taumbayan.

Samantala, bilang principal sponsor ng Universal Health Care Law, iginiit ni Senador JV Ejercito na kailangan maging sensitibo ang gobyerno sa pangangailangan ng taumbayan lalo’t bumabangon pa lamang sa krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Ipinaalala ni Ejercito na ang layunin ng Universal Healthcare Law ay iangat ang kalidad ng buhay ng taumbayan at mabigyan sila ng access sa good quality healthcare at hindi madagdagan ang pasanin. (DANG SAMSON-GARCIA)

18

Related posts

Leave a Comment