TRAFFIC ENFORCERS WALANG PANGIL SA E-TRIKE SA MAYNILA

TINAGURIANG “hari ng lansangan” ang pumapasadang mga electric trike sa kahabaan ng Taft Avenue vice versa sa Divisoria sa Manila.

Ito ay dahil walang kakaba-kaba ang mga driver nito dahil hindi umano sila pinapansin ng mga traffic enforcer kahit lumabag ang mga ito sa batas trapiko.

Isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang nakapanayam ng pahayagang ito at sinabing hindi nila saklaw ang e-trikes at wala silang kapangyarihan na sitahin ang mga driver nito.

Isang pumapasada ang namataan na lumabag sa batas trapiko nang mag-step in on the line sa pedestrian crossing sa panulukan ng Taft Avenue at United Nation southbound sa Ermita ngunit walang nagnais na humuli dito.

Sinabi ng mga traffic enforcer na karamihan sa mga tsuper nito ay walang lisensiya.

Anila, dapat ituwid sa maayos ang batas trapiko na kahit kulay puting e- trike na programa ng lokal na pamahalaan, ay dapat sumunod sa batas at magkaroon ng pangil ang mga enforcer sa pagpapatupad nito.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang reaksyon si Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), sa naturang problema sa mga e-trike sa pagiging abusado ng mga driver nito sa lansangan. (RENE CRISOSTOMO)

205

Related posts

Leave a Comment