TULAK, 2 PA TIKLO SA P2-M SHABU

MAHIGIT P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang 23-anyos na binata, at dalawang kasabwat nito sa ikinasang buy-bust operation noong Linggo ng gabi sa panulukan ng Claro M. Recto at Delpan streets, Tondo, Manila.

Kinilala ang target ng operasyon na si John Derick Jasmin, alyas “Boss”, jobless, ng Blk. 5, Barangay 649, Zone 68, Baseco Compound, Port Area, Manila.

Samantala, dalawa sa kasabwat nito ang binitbit din ng mga operatiba na kinilalang sina “Benjie”, 30, ng nasabing lugar, at Jan Oliver, 22, binata, tambay, ng Asuncion Street, Tondo.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Harry Ruiz Lorenzo III, commander ng Manila Police District – Moriones Police Station 2, bandang alas-10:45 ng gabi noong linggo nang ikasa ang buy-bust operation sa Barangay 2 sa nasabing lugar kaugnay sa ipinatutupad ni

MPD Director, P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon na Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO).

Makaraan ang ilang araw na surveillance operation ng mga tauhan ni Police Major Edwin Malabanan, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), ikinasa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska mula kay alyas “Boss” ang 4 na bulto ng hinihinalang shabu na tinatayang 300 gramo ang timbang at may street value na halagang P2,040,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(RENE CRISOSTOMO)

23

Related posts

Leave a Comment