VLOGGER ARESTADO SA RAPE

CAVITE – Hawak na ng pulisya ang isang blogger at itinuturing na most wanted person (MWP) regional level dahil sa kasong rape sa Gen. Trias City makaraang madakip noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Daniel Butas y Tambulogan, 25, ng Brgy. San Francisco, Gen. Trias City. Si Butas ay kilala bilang Khifer Brosse sa kanyang “Khifer Official Vlog”.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon nang inaresto ang suspek sa kanyang bahay sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Giann Enrico Cammayo Navarro, ng Regional Trial Court Branch 133, Tagaytay City, dahil sa kasong Rape

Ayon kay P/Lt. Col. Jose Naparato Jr., Acting Chief of Police ng Gen. Trias City Police, inaresto ang suspek dahil sa panggagahasa sa isang 20-anyos na dalaga ng Bautista, Dasmariñas City, Cavite  noong Hulyo ng nakaraang taon.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Gen. Trias City Custodial Center. (SIGFRED ADSUARA)

20

Related posts

Leave a Comment