WANTED PERSON NABINGWIT SA CAVITE

NABINGWIT ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang most wanted person habang nagtatago sa Cavite City.

Kinilala ang suspek na si Rodolfo Onaro Jr., wanted sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act)

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rexson Layug, commander ng MPD-Meisic Police Station 11, bandang alas-2:50 ng hapon nang mamataan ang suspek sa Summerfield Subdivision, Trece Martires City, Cavite.

Sa bisa ng warrant of arrest, binitbit ng mga tauhan ni Layug, kasama si Patrolman Dela Cruz ng Regional Mobile Force Battalion, ang nasabing suspek.

Hindi naman umano nanlaban pa ang suspek na kusang loob na sumama sa mga awtoridad.

Nabatid sa imbestigasyon na ang suspek ay top 10 most wanted person, district level. (RENE CRISOSTOMO)

99

Related posts

Leave a Comment