QUEZON – Patay ang isang teller ng bangko nang masagasaan ng isang closed van truck sa Barangay San Vicente sa bayan ng Gumaca sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Francis Segarra Sunga, 26, residente ng Barangay Binambang.
Ayon sa report ng pulisya, ang biktima ay nasagasaan ng Isuzu closed van nang ito ay biglang tumawid sa highway dakong alas-6:00 ng gabi.
Hindi na ito naiwasan ng truck na noon ay patungo sa direksyon ng Maynila.
Isinugod ang biktima sa Saint Jude Hospital sa nasabing bayan ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa grabeng pinsala sa katawan
Ikinustodiya naman ng Gumaca police ang 39-anyos na driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
(NILOU DEL CARMEN)
181