Bawal pa ring lumabas sa GCQ PULIS IKAKALAT LABAN SA PASAWAY

DARAGDAGAN ng Philippine National Police (PNP) ang pwersa ng kanilang mga tauhang ikakalat sa mga lansangan simula sa Lunes kasabay ng pag-iral ng general community quarantine sa malaking bahagi ng bansa.

Ito ay upang tiyakin na hindi masasayang ang 72 days lockdown na sinakripisyo ng lahat para mapigilan ang paglaganap ng coronavirus disease ngayong inilagay na ang Metro Manila sa GCQ.

Kasabay nito ay nilinaw ni Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, na tanging ang mga APOR or Authorized Person Outside Residence ang maaaring lumabas sa ilalim ng paiiraling general community quarantine.

Dahil dito, umapela si Ltgen. Eleazar sa publiko na huwag abusuhin ang pagluwag ng sitwasyon sa malaking bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila.

Simula sa Lunes (June 1) ay GCQ na ang iiral sa Metro Manila, Region 2, Region 3 at Region 4-A, gayunman, pinayuhan ng PNP ang publiko na huwag lumabas ng bahay kunghindi kinakailangan.

Ayon kay Eleazar, masasayang ang mahigit 70 araw na sakripisyo ng lahat kung aabusuhin ng publiko ang pag-iral ng GCQ at MGCQ.

Kabilang sa APOR ang mga may trabaho at ang mga kailangan ng access sa essentials gaya ng pagkain at gamot.

Ikakalat din ang mga pulis sa mga establisimyento tulad ng mall upang tiyakin na masusunod ang health protocols para maiwasan ang posibleng second wave ng COVID infection. JESSE KABEL

147

Related posts

Leave a Comment