6 resolusyon inaprubahan sa pagbubukas ng Regular Session KAMARA ALL-SET NA SA SONA 2023

Manila, Philippines – Sa pagbubukas ng 2nd Regular Session ng Malaking Kapulungan ng Kongreso ay agad na nag-apruba ang mga mambabatas ng anim na resolusyon kung saan karamihan ay ukol sa ikalawang State of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Unang pinasinayaan ang LED wall sa lobby ng session hall o ang digital photo gallery sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez bago pa man sinimulan ang sesyon.

May 311 ang rumesponde sa roll call at kapansin-pansin na nananatiling nasa roaster ang pangalan ng suspendidong solon na si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves.

Kabilang sa mga na-adopt na resolusyon ang pagpaparating sa Senado ng pormal na pagbubukas ng sesyon sa Kamara, ang bilang ng mga solons na sasalubong sa pagdating ni Pangulong Marcos, at ang House Resolution 1126 na nagpapahayag ng matibay na suporta ng Pilipinas sa Republic of Korea.

Itinalaga naman sina House Senior Deputy Speaker Aurelio D. Gonzales Jr., House Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos, Reps.
Salvador Pleyto, Jaime D. Cojuangco, Marlyn L. Primicias-Agabas, at Paul Ruiz Daza sa joint committee na mangunguna sa pagpapa-abot ng mensahe sa pangulo para sa joint session.

Agad ding nag-adjourn upang paghandaan naman ang pagdating ng pangulo sa Batasan Complex para sa kaniyang ikalawang SONA mamayang alas 4:00 ng hapon.

111

Related posts

Leave a Comment