(BERNARD TAGUINOD)
TIBA-TIBA ang bilyonaryong si Ricky Razon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil ang malalaking kontrata sa enerhiya ay nakukuha nito.
Hindi tuloy mapigilan si ACT party-list Rep. France Castro na magtanong kung naipangako na ba ang sektor ng enerhiya sa nasabing negosyante dahil nakokopo na niya ito.
“First was the Malampaya gas field that was supposedly already spent but whose contract was renewed for the Razons,” ayon sa mambabatas at ngayon ay usap-usapan na umano na papasukin na rin ng negosyante ang transmission sa nasabing sektor.
Bukod aniya sa MORE electric and Power Corporation sa Iloilo City ay nagtatangka rin si Razon na itake-over ang Central Negros Electric Cooperative, Inc. sa pamamagitan ng joint venture deal na tinututulan ng mga taga-Negros.
“They seem they be wasting no time to expand their dominance on the energy sector because they have a very powerful backer.
Napakagarapal naman ng ganitong mga galaw,” ayon kay Castro.
Sinabi ni Castro na sa ngayon ay nakabinbin ang kanilang House Resolution (HR) 955 para imbestigahan ang joint venture agreement ng Central Negros Electric Cooperative at Ignite Power and Energy Holdings, Inc. na pag-aari ni Razon.
Ayon sa mambabatas, hindi solusyon ang pagsasapribado sa isang electric companies para gumanda at maging mura ang serbisyo sa kuryente.
“Tignan na lang natin ang nangyari sa electric power industry sa bansa nang isabatas ang Electric Power Industry Reform Act o EPIRA, tumaas nang todo ang singil sa kuryente at ‘di rin nawawala ang mga brownouts at kinakapos pa din ang supply ng kuryente,” pahayag pa ng mambabatas.
182