(NI BERNARD TAGUINOD)
BUBUSIGIN ng benepisyo ang pamilya ng mga judge na pinapatay dahil sa kanilang trabaho tulad ng kaso ni Tagudin, Ilocos Sur Regional Trial Court Branch 25 Judge Anacleto Bañez kamakailan kapag naipasa ang isang panuakala ukol dito sa Mabababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Deputy Speaker Raneo Abu ng Batangas, panahon na para suportahan ng todo ang pamilya ng mga judges na pinapatay dahil sa pagganap ng kanilang trabaho.
“The risk alongside the job of these judiciary officials should be counterbalanced by providing them with a grant that will encourage them to fully perform their duties and responsibilities. Hence, this bill seeks to support the judiciary by granting benefits to their surviving heirs in case they are killed while dispensing justice,” ani Abu sa kanyang House Bill (HB) 2088.
Sa ilalim ng panukala ni Abu, lahat ng mga napapatay na judge na may kinalaman sa kanilang trabaho ay ‘makakatanggap ang kanilang amulya ng benepisyo na makakatanggap ng lumpsum na tulad na ibibingay sa mga Associate Justice ng Korte Suprema at gratuity na katumbas ng 10 taon kay hindi pa umaabot sa 10 taon ang kanilang serbisyo bilang Huwes.
Pag-aaralin din ng gobyerno ang mga anak ng mga ito hanggang matapos sila sa pag-aaral at magkakaroon ng monthy pension ang kanytang pamilya at transportasyon at iba pang benepisyo.
Ginawa ng kongresista nag nasabing panuakala dahil aniya sa Amnesty International, mula 1999 hanggang 2012 pa lamang ay 22 judges na ang pinaslang o 2 kada taon ang nilikida kada taon.
Dahil dito, umapela si Abu kay House Speaker Alan Peter Cayetano na iprayoridad ang nasabing panukala upang matulungan ang mga naiwang pamilya ng lahat ng Judges na intensyunal na pinapatay dahil sa paghanap ng kanilang trabaho na magbigay ng hustisya.
