BINATA PATAY SA TARAK NG SENIOR CITIZEN

CAVITE – Patay ang isang 25-anyos na binata makaraang saksakin ng kaalitang isang 63-anyos na senior citizen sa Bacoor City noong Linggo ng hapon.

Kusang loob na sumuko ang suspek na si alyas “Danilo”, residente ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, na responsable sa pagpatay sa biktimang si alyas “Josh”, ng nasabi ring lugar.

Ayon sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Brgy. San Nicolas 3 Extension, Bacoor City kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo, biglang pinagsasaksak ng suspek ang biktima.

Isinugod ang biktima sa Las Piñas Medical Center subalit idineklarang dead on arrival habang ang suspek ay sumuko sa mga awtoridad. (SIGFRED ADSUARA)

59

Related posts

Leave a Comment