BUNTIS, ESTUDYANTE PATAY SA LANDSLIDE

DALAWA ang iniulat na nasawi kabilang ang isang 18-anyos na buntis, sa magkahiwalay na landslide sa Benguet at bayan ng Tabuk sa hilagang Luzon.

Ayon sa ulat na ipinarating sa local Office of Civil Defense, kabilang ang disi-otso anyos na buntis sa namatay nang matabunan ng gumuhong lupa at malalaking bato ang isang bahay sa bayan ng Mankayan sa Benguet noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Ivy Khate Ogues Dizon, naninirahan sa Sitio Lower Lip-atan sa Barangay Guinaoang, walong buwang buntis, natabunan ng gumuhong riprap wall sa likod ng kanilang bahay dahil sa malakas na buhos ng ulan, ayon sa pulisya.

Nagawa pang maitakbo ng mga sumaklolo sa Lutheran Hospital sa Buguias si Dizon subalit idineklarang dead on arrival.

Patay rin ang 17-taong gulang na estudyante nang tamaang ng rumaragasang guho ang kanilang bahay sa Tabuk City nito ring Miyerkoles.

Dala rin ng sunod-sunod na malalakas na pag-ulan na tumama sa Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley ang naging sanhi ng landslide, ayon kay Police Capt. Ruffy Manganip, spokesperson ng Kalinga PNP.

Bandang alas-8:00 na ng gabi nang makuha ng mga tauhan ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company ang biktima na itinakbo rin sa pagamutan subalit idineklarang DOA ng attending physician.

(JESSE RUIZ)

 

160

Related posts

Leave a Comment