DRUG DEN SINALAKAY NG PDEA, 3 HULI

BATAAN – Arestado ang tatlo katao sa sinalakay na hinihinalang drug den at nakumpiska ang tinatayang P68,000 halaga ng umano’y shabu sa Barangay Pantalan Luma, sa bayan ng Orani.

Ang operasyon ay isinagawa noong Miyerkoles ng gabi ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office.

Kinilala ng hepe ng PDEA Bataan ang mga suspek na sina alyas “Dungo”, 47; sinasabing operator ng drug den; “Hary”, 45; at

“Rence”, 48-anyos.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ng anim na plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 10 gramo ng hinihinalang shabu na P68,000.00 ang halaga, at drug paraphernalia.

Ayon sa PDEA, ang operasyon ay inilunsad matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa makeshift drug den.

Ang magkasanib na operasyon ay isinagawa ng mga operatiba mula sa PDEA Bataan Provincial Office, PDEA Bataan Seaport Interdiction Unit (SIU), Orani Police Station, at Bataan Provincial Police Drug Enforcement Unit.

Sasampahan ang nahuling mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(JESSE RUIZ)

146

Related posts

Leave a Comment