“A good leader sustains momentum, a great leader increases it.” Ang katagang ito ay tugma kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo makaraang muling magpakita ng kanyang kakayahan sa mabilis na pagdedesisyon.
Ang Estomo-lead PNP-PRO5 ay muling nakaiskor dahil sa pagkakaaresto kay Jhon Christopher Abu y Perez, ng Brgy. Balagtasin 1st, San Jose, Batangas dahil sa kasong carnapping.
Noong Lunes, Hunyo 7, dakong alas-2:00 ng hapon, ang PNP-PRO5 team ng Camarines Norte ay nakatanggap ng flash alarm hinggil sa carnapping incident sa Lucena City kaugnay sa puting L300 FB van na may plakang WZO-168.
Ayon sa ulat, inagaw ng suspek ang nasabing sasakyan mula sa driver at mga pasahero nito.
Makaraan ang ilang oras, inalerto ng concerned citizen ang Camarines Norte PPO hinggil sa nasabing sasakyan na nakita sa erya ng Poblacion, Vinzons, Camarines Norte.
Bunsod nito, walang inaksayang panahon, agad inatasan ng Provincial director ng Camarines Norte ang Vinzons MPS na tuntunin ang kinaroroonan ng sasakyan na natagpuan sa Sta. Cruz St., Brgy. 1 Poblacion sa bayan ng Vinzons na nagresulta sa pagkakadakip sa karnaper.
Ang nasabing van ay nakarehistro sa isang nagngangalang Ross Alvin B. Ole ng Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon Province.
Pahayag ni Estomo, “I would like to extend my heartfelt appreciation to the citizens of PRO 5 for travelling an extra mile in working together with the police force to resolve crimes. Though we are vested by our duties, we still cannot maximize our resources without the cooperation of the community”.
Ang arestadong suspek ay nasa pansamantalang kustodiya ng Vinzons MPS at nakatakdang sampahan ng kasong carnapping.
