SWS SURVEY: PAGIGING KABILANG SA TOP 5 NAPANATILI NG FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTY-LIST

PATULOY na nakabilang ang FPJ Panday Bayanihan Party-list sa nangungunang lima sa mga party-list ngayong midterm election batay sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) Survey na isinagawa noong Marso at kinomisyon ng Stratbase Group. Ipinakita ng inilabas na resulta ng survey ang patuloy na malakas na suporta para sa partido, na kilala sa adbokasiya nito para sa kapakanan ng mga Pilipino. Ang patuloy na mataas na ranggo ng partido ay sumasalamin sa tiwala at kumpiyansa ng mamamayan sa kanilang misyon at bisyon. Ang FPJ Panday Bayanihan party-list, na ipinangalan sa…

Read More

CAVSU CAMPUSES MULING NAKATANGGAP NG PAGBABANTA

MULING nakatanggap ng banta ang Cavite State University (CAVSU) main campus, na umano’y papasukin at aatakehin ng dalawa katao ang mga campus nito. Sa natanggap na e-mail bandang alas-6:00 ng umaga mula sa “anonyyymoussszzz2gmail.com” ng Central Student Government (CSG) ng CAVSU, nagsasaad ang bantang pag-atake sa kanilang main campus sa Indang, Cavite at sa kanilang satellite campuses. Nakasaad din sa email na dalawang ‘di kilalang kalalakihan na nakasuot ng itim na caps at naka-corporate attire ang papasok umano sa nasabing campuses gamit ang CAVSU identification cards at magsasagawa ng pag-atake.…

Read More

PULIS SA AWAY-TRAPIKO, SINAMPAHAN NG KASO

MARIING tiniyak ni QCPD Acting Director, PCol. Melecio Buslig, Jr., na sinampahan ng patong-patong na kaso ang pulis na sangkot sa insidente ng road rage na nauwi sa pamamaril at pagkamatay ng isang motorista bandang alas-6:30 ng gabi noong Marso 20, 2025, sa Tandang Sora Avenue, Brgy. Old Balara, Quezon City. Nabatid mula kay PMaj. Don Don M. Llapitan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), kinilala ang suspek na si PEMS Randy Enano Tuzon, 48, residente ng Brgy. Kaligayahan, Quezon City. Ayon sa imbestigasyon ng CIDU, minamaneho ng…

Read More

CALL CENTER AGENT ‘SINUWAG’ NG KOTSE, PATAY

BINAWIAN ng buhay ang isang call center agent makaraang salpukin ng rumaragasang sasakyan sa may Quirino Hiway sa Novaliches, Quezon City nitong madaling araw ng Martes (Marso 25, 2025). Nakilala ang biktima na si Den Adrian John Viaje, 29 anyos, may-asawa at residente ng No. B-1 L-5, GoodWill Townhomes I, Barangay Bagbag, Novaliches. Nabatid na si Viaje ay nasawi habang ginagamot sa Quezon City General Hospital makaraang isugod sa naturang ospital. Sinabi sa investigation report ni PSMS Romeo Manzon Jr., imbestigador ng Quezon City Police District Traffic Sector 2, naganap…

Read More

PAG-ARESTO KAY FPRRD PINAGPLANUHAN NG ‘CORE GROUP’

‘SMOKING gun’ na maituturing ang pagsisiwalat ni DILG Sec. Jonvic Remulla hinggil na may “core group” na nagplano ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Senator Imee Marcos, ipinakikita nito na “planado at labag sa Konstitusyon” ang hakbang ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan. “Ang pahayag ni Kalihim Jonvic Remulla ng Department of the Interior and Local Government na ang umano’y planong pag-aresto ay base lang sa tsismis, ay hindi kapani-paniwala,” sabi ni Marcos sa isang press briefing nitong Huwebes. Dagdag pa niya, ang hindi kapani-paniwalang pahayag…

Read More

ENRILE UTAK MARTIAL LAW PA RIN – OFWs

INUPAKAN ng isang grupo ng overseas Filipinos si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na tila nagbabalik umano sa dating estilo ng panggigipit. Ito’y kasunod ng pagbabanta ng ilang OFW groups na nagsusulong ng Zero Remittance Week bilang protesta sa pagkakaaresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay AKO-OFW nominee Joseph Rivera, walang rason para bawiin ang tax privileges ng mga OFW kabilang na ang income tax exemption, travel tax exemption, at marami pang iba. Dahil dito, bumuhos ang suporta ng overseas Filipino workers (OFW) sa AKO-OFW Party-list dahil…

Read More

ZERO REMITTANCE WEEK KALMADONG PROTESTA

ISANG mahinahon at kalmadong pagpapakita ng pagsalungat sa ginawa ng administrasyon, ang plano ng overseas Filipino workers (OFWs) na zero remittance week simula ngayon, Marso 28, kaysa mag-alsa, ayon kay dating Chief Presidential Counsel Atty. Salvador Panelo sa “Meet the Manila Press” forum nitong Huwebes. Sinabi ni Panelo, isang linggo lang naman ang gagawing sakripisyo ng mga OFW sa kanilang pamilya na hindi makapagpadala ng pera. Aniya, hindi naman ito makaaapekto sa kanilang pang-araw-araw at hindi rin makakaapekto sa ekonomiya. Sinabi rin ni Panelo, kusang gagawin ito ng mga OFW…

Read More

NSC, PNP at AFP nagmamatyag BIRTHDAY NI DIGONG WALANG VALIDATED THREAT

WALANG nasasagap na anomang banta sa seguridad ng bansa ang tanggapan ng National Security Council, maging ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine, kaugnay sa pagdiriwang ng ika-80 kaarawan ng nakakulong na si dating Presidente Rodrigo Roa Duterte sa The Hague, Netherland. Ayon sa National Security Council (NSC), tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang pagmamatyag sa mga kaganapan at mga aktibidad na may kaugnayan sa pag-aresto sa dating Pangulong Duterte. Nabatid na maging ang pagdiriwang ng ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Duterte ngayong Biyernes, Marso 28,2025, ay mino-monitor ng…

Read More

AFP TINIYAK MANANATILING TAPAT SA KONSTITUSYON

“THE Armed Forces of the Philippines (AFP) remains …steadfast in its sworn duty to protect the Filipino people, defend the Constitution, and uphold democracy.” Ito ang ginawang pagtiyak kahapon ng pamunuan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas kaugnay sa mga isyu at katanungan hinggil sa papel na ginagampanan at responsibilidad ng AFP. Ayon kay AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Jimmy Larida, patuloy na pinaalalahanan ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner ang mga sundalo na manatiling tapat sa watawat ng Pilipinas at gawin ang trabaho nang naaayon sa…

Read More