PATAY ang apat na indibidwal makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan habang nagdiriwang ng pista sa San Rafael Abajo, Sto. Tomas, Isabela. Ayon sa ulat na nakarating sa Kampo Crame, kabilang sa mga napatay sina Brgy. Captain Jimmy Paeste at PCorporal Frederick Bautista na nakatalaga sa Sto. Tomas MPS, at dalawang iba pa. Lumitaw sa isinagawang imbestigasyon, habang nakaupo ang mga biktima dakong alas-7:50 ng gabi, bigla na lamang silang pinaulanan ng bala ng hindi pa kilalang mga armadong kalalakihan. Ang mga biktima ay pawang may mga tama ng bala…
Read MoreCategory: BALITA
EX-SEN. TOLENTINO BAGONG DOLE SECRETARY
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Senador Francis Tolentino bilang acting secretary ng Department of Labor and Employment. Bumaba sa puwesto si DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, 75-anyos, dahil sa kanyang kondisyon sa kalusugan. “Dahil po sa kanyang health condition. Kaya po kailangan po na magkaroon at magtalaga ng acting labor secretary,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malacañang. Nang tanungin naman kung bibigyan pa ng ibang posisyon si Laguesma, sinabi ni Castro na hindi niya maaaring pangunahan ang…
Read MoreP1,500 MONTHLY SUBSIDY SA MINIMUM WAGE EARNERS, MULING IGINIIT
MULING iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian ang kanyang panawagan para sa P1,500 buwanang subsidiya para sa humigit-kumulang 5 milyong minimum wage earners kasunod ng mabilis na pagtaas ng inflation noong nakaraang buwan, mas mabagal na paglago ng ekonomiya sa unang quarter ng taon, at ang inaasahang patuloy na pagtaas ng inflation. “Baka makalimutan natin, nasa krisis pa rin ang bansa sa gitna ng lahat ng ingay sa pulitika. Ang ating mamamayan, partikular ang mga bulnerableng sektor, ay nagdurusa sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at nangangailangan ng kaunting…
Read MoreDEFENSE, MARITIME ISSUES AT EKONOMIYA PANGUNAHING AGENDA SA PBBM, JAPANESE PM MEET — DFA
DEPENSA at seguridad, usaping pandagat, enerhiya at ekonomiya ang ilan sa mga pangunahing agenda sa nakatakdang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Sanae Takaichi sa Japan ngayong linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs. Aalis si Pangulong Marcos Jr. kasama si First Lady Louise Araneta-Marcos patungong Japan sa Martes para sa state visit mula Mayo 26 hanggang 29 sa paanyaya ng pamahalaan ng Japan. Ayon kay DFA Spokesperson Analyn Ratonel, mahalaga ang biyahe dahil pagkakataon ito upang mapalalim pa ang kooperasyon ng Pilipinas at Japan sa…
Read MoreUNIVERSAL SOCIAL PENSION, HINDI LANG AYUDA KUNDI PAGKILALA SA DIGNIDAD NG SENIORS — DY
TODO-SUPORTA si House Speaker Faustino Dy sa lumalakas na panawagan para maisabatas ang Universal Social Pension para sa mga senior citizen kung saan iginiit nito na may moral na obligasyon ang bansa na kalingain ang mga nakatatandang Pilipino na nag-alay ng kanilang buhay at sakripisyo para sa pamilya at lipunan. Ito ang ipinahayag ni Dy sa opisyal na turnover ng mga pirma para sa “Labing-Dalawang Milyong Lagda para sa Matatanda”. Ayon kay Dy, malinaw ang sigaw ng milyun-milyong Pilipino na palakasin ang tulong ng gobyerno sa mga nakatatanda, lalo na…
Read MoreRESO SA PAGBASURA SA HIRIT NA TRO NI SEN. BATO, INILABAS NG SC EN BANC
INILABAS ng Supreme Court En Banc ang opisyal na kopya ng resolusyon kaugnay sa petisyon nina dating pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald dela Rosa laban sa ilang matataas na opisyal ng pamahalaan kaugnay ng umano’y pagpapatupad ng warrant mula sa International Criminal Court. Sa G.R. No. 278747 na may petsang Mayo 20, 2026, ibinasura ng Korte Suprema ang kahilingan ni Sen. dela Rosa para sa Temporary Restraining Order (TRO) at Status Quo Ante Order (SQAO). Ayon sa SC, nabigo si dela Rosa na patunayan na mayroon siyang malinaw at…
Read More‘INDEPENDENT SENATE’ ISINUSULONG NI SP CAYETANO
Iginiit ni Senate President Alan Peter Cayetano ang kahalagahan ng isang “independent Senate” na nakatuon sa mga pangunahing problema ng bansa gaya ng inflation, edukasyon at agrikultura sa gitna ng umiinit na tensyon sa loob ng Senado. Sa kanyang manifestation nitong Mayo 25, nanawagan si Cayetano sa mga senador na ibalik ang pagtuon ng diskusyon sa mga usaping direktang nararamdaman ng mamamayan at huwag hayaang matabunan ito ng mga usapin sa liderato at political alignments sa Senado. Tinalakay rin ng Senate President ang umano’y mga hakbang para mapalitan ang majority…
Read MoreTAGA-ALBAY PUMALDO SA LOTTO; P25-M JACKPOT NASOLO
NASOLO ng isang bettor mula sa Lalawigan ng Albay ang jackpot prize ng Philippine Charity Sweepstakes Office SuperLotto 6/49 matapos nitong makuha ang winning combination sa pinakahuling draw. Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles, nakuha ng lone winner ang kombinasyong 33-24-12-13-04-09 na may katumbas na jackpot prize na P25 milyon. Nabili umano ang masuwerteng tiket sa isang outlet sa Legazpi City. Samantala, nasa 15 bettors naman ang makakatanggap ng tig-P86,666.66 matapos makahula ng limang tamang numero. Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.…
Read MoreICC WARRANTS VALID KAHIT WALANG APPROVAL NG LOCAL COURT — PALASYO
NANINDIGAN ang Malakanyang na maaaring agad ipatupad sa Pilipinas ang arrest warrants na inilabas ng International Criminal Court kahit wala nang pag-apruba mula sa lokal na korte. Binigyang-diin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nananatili itong ginagabayan ng batas at due process. Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na malinaw na ang posisyon ng gobyerno hinggil sa ICC warrants batay sa naging pahayag ng Department of Justice (DOJ). “Nagsalita ang DOJ na ngayon, pinapa-effect ang warrant of arrest mula…
Read More