IMEE, GUANZON NAKATIKIM KAY PING

KAPWA pinasaringan ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sina Senador Imee Marcos at Atty. Rowena Guanzon bilang tugon sa patutsada ng mga ito kamakailan. Minaliit ni Lacson ang mga inilalabas at ilalabas pang impormasyon ni Marcos matapos sabihin ng huli na mayroon siyang ‘pasabog’ sa kanyang privilege speech ngayong Lunes, May 25. “Karamihan naman ng pasabog nya kwitis lang,” pasaring ni Lacson. Samantala, kinatigan ni Senador Vicente ‘Tito’ Sotto III ang naunang pahayag ni Lacson na kasinungalingan ang sinasabi ni Marcos na nais isulong ng minority bloc ang Charter change upang…

Read More

IMPORTANSYA NG SC RULING SA KASO NI SEN. BATO HINIMAY NI ATTY. INTON

IPINALIWANAG ni Atty. Ariel Inton ang kahalagahan ng magiging desisyon ng Korte Suprema sa kaso ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng usapin sa International Criminal Court (ICC). Ayon kay Inton, na siya ring presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), ang mga desisyon ng Korte Suprema ay nagiging bahagi ng batas at kasaysayan ng bansa. Sinabi ni Inton na bagama’t ibinasura ng Korte Suprema ang hiling ni Sen. dela Rosa para sa temporary restraining order (TRO), hindi pa umano tapos ang kaso. Aniya, nilinaw mismo ng…

Read More

SISTEMA SA AYUDA DISTRIBUTION DAPAT I-OVERHAUL – ORDANES

NANAWAGAN si Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na i-overhaul ang kanilang sistema sa pamamahagi ng tulong sa gitna ng mga ulat ng pagkamatay ng ilang benepisyaryo habang nakapila. Tinukoy ni Ordanes ang isang 73-anyos na senior citizen na namatay makaraang mabundol ng isang pickup truck habang nakapila para sa P20-per-kilo rice program at cash assistance distribution. Isa pang 55-anyos na ginang ang nag-collapse at namatay habang naghihintay ng ayuda sa assistance distribution ng DSWD sa Quezon City Hall. Sinabi ng…

Read More

TIMESTAMPED PHOTOS, VIDEOS AT MESSAGES PATUNAY NA WALANG ‘SCRIPT’ SA PUTUKAN SA SENADO

IGINIIT ng ilang insider sa Senado na ang mga timestamped photos, videos at group conversations ang nagsisilbing ebidensya na walang kaalaman ang bagong mayorya sa naganap na putukan sa Senado at wala umanong “scripted” na pangyayari. Ayon sa kanila, batay sa mga lumabas na larawan, makikitang masayang naghahapunan at nagkakasiyahan pa ang mga senador bago ang insidente, taliwas umano sa mga ulat na kuha ang mga ito matapos ang putukan. Sinabi rin na matapos makarinig ng putok ng baril ay nag-alala, kinabahan at natakot umano ang mga senador dahil malapit…

Read More

‘EXTRAORDINARY UNITY AND SOLUTIONS’ PANAWAGAN NI CAYETANO SA GITNA NG TENSYON SA PULITIKA

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano nitong Sabado para sa “extraordinary unity and solutions” sa gitna ng umiiral na tensyon sa pulitika at kawalan ng katiyakan sa ekonomiya. Sa isang Facebook Live broadcast, sinabi ni Cayetano na kinakailangan ng bansa ang mas matinding pagtutulungan upang matugunan ang malalaking problema na kinahaharap ng mamamayan. “‘Pag extraordinary y’ung problema, kailangan extraordinary din y’ung solusyon natin. We have to have extraordinary unity,” ani Cayetano. Tinukoy rin niya ang tensyon sa pulitika kaugnay ng mga kamakailang pangyayari sa Senado kabilang ang insidente noong…

Read More

RADIO COMMENTATOR, IMAM PATAY SA PAMAMARIL SA BARMM

KAPWA nasawi ang isang FM radio commentator at isang Islamic imam sa magkahiwalay na pamamaril sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong Huwebes, Mayo 21. Kinilala ang radio commentator na si Nestor Micator, 45, alyas “Teteng,” na pinaslang sa harap ng Barangay Hall ng Barangay Fort Pikit sa bayan ng Malidegao, bahagi ng BARMM Special Geographic Area, dakong alas-7 ng gabi. Ayon kay Police Capt. Vilma Dimaraw, hepe ng Malidegao Municipal Police Station, si Micator ay news anchor at commentator ng D’Empire Radio na nakabase sa Poblacion, Pikit,…

Read More

PBBM IDINEKLARANG HOLIDAY ANG MAYO 27 PARA SA EID’L ADHA

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Mayo 27, 2026, araw ng Miyerkoles, bilang regular holiday sa buong bansa bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice. Ang deklarasyon ay nakapaloob sa Proclamation No. 1264 na nilagdaan ng Pangulo upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng isa sa pinakamahalagang okasyong panrelihiyon sa Islam. Ayon sa proklamasyon, ang Eid’l Adha ay nakatakdang ipagdiwang sa Mayo 27 batay sa advisory ng Bangsamoro Darul-Ifta. Isinagawa ang deklarasyon kasunod ng rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos matapos ang pagsisimula ng 1447 Hijrah Islamic Lunar…

Read More

APLASCA BINARA NG PNP SA ‘SPLICED’ CCTV FOOTAGE

MARIING pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) ang pahayag ni suspended Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca na “spliced” o pinagtagni-tagning CCTV footage ang ginamit sa imbestigasyon sa naganap na gun firing incident sa Senado noong Mayo 13, 2026. Ayon kay PNP Public Information Office chief PBGen. Randulf Tuaño, nakabatay umano sa “facts, evidence, and due process” ang findings ng PNP sa insidente at hindi sa inedit o pinutol na video footage. Umalma ang PNP sa akusasyon ni Aplasca na minanipula umano ang mga video na ipinakita ng mga awtoridad upang suportahan…

Read More

PNP PUMALAG SA CHINA; ITINANGGI DISKRIMINASYON SA 69 CHINESE NATIONALS

KINONTRA ng Philippine National Police (PNP) ang akusasyon ng Chinese Embassy na nagkaroon umano ng diskriminasyon sa isinagawang operasyon sa isang steel plant sa Misamis Oriental kung saan 69 Chinese nationals ang inaresto. Ang pahayag ng PNP ay kasunod ng ipinahayag na concern ng Chinese Embassy hinggil sa umano’y diskriminasyon laban sa mga Chinese nationals sa isinagawang operasyon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), National Bureau of Investigation (NBI), Department of National Defense (DND), Office of Civil Defense (OCD), at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Ayon kay PNP Chief…

Read More