MAHIGIT 36K PULIS IDE-DEPLOY SA SUMVAC 2026

MAGPAPAKALAT ng 36,163 pulis ang Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang bahagi ng bansa na magsisimula sa Marso 29, hanggang Mayo 31 para sa SumVac 2026. Ayon kay PNP Public Safety Division chief, Col. Liza Macapinlac, ang nasabing bilang ay ide-deploy para sa seguridad ng mga bakasyonista at turista. Bukod sa 36,163 na bilang na mga pulis na ide-deploy, may karagdagang 4,738 augmentation units at mahigit 14,000 mula sa advocacy groups. Kabilang sa kanilang tututukan ang major transportation terminals, areas of convergence at maging ang mga simbahan. Kasama rin…

Read More

PAG-AMYENDA SA BIOFUELS ACT, SINERTIPIKAHANG URGENT NG PANGULO

SINERTIPIKAHANG urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala na naglalayong amyendahan ang Biofuels Act of 2006, bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Alinsunod sa panukala, bibigyang pahintulot ang Pangulo na maglabas ng executive order upang payagan ang pag-aangkat ng mga biofuel components tulad ng bioethanol at biodiesel kung sumirit ang presyo ng petrolyo sa bansa. Maaari itong ipatupad ng Pangulo batay sa rekomendasyon ng National Biofuels Board at ng Department of Energy. Ang ilalabas na executive order ay may bisa ng hindi hihigit…

Read More

SPECIAL POWER KAY PBBM PARA SUSPENDIHIN FUEL TAX, LUSOT SA KAMARA

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang panukalang magbibigay ng special power kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang pansamantalang suspindihin ang fuel excise tax sa gitna ng tumataas na presyo ng langis. Sa botong 247 pabor at 3 kontra, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 8418 na inakda nina House Majority Leader Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at House Speaker Faustino Dy III. Aamyendahan ng panukala ang Section 148 ng National Internal Revenue Code of 1997 upang payagan ang pamahalaan na pansamantalang alisin ang fuel…

Read More

4 PRIORITY BILLS TARGET IPASA NG KAMARA BAGO MAG-RECESS

APAT na priority measures sa ilalim ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) Common Legislative Agenda ang target ipasa ng Kamara bago ang recess sa Marso 18. Ayon kay House Majority Leader Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, kapag naaprubahan ang apat na panukala ay aabot na sa 17 LEDAC measures ang maipapasa mula sa kabuuang 52 priority bills ng administrasyon. “We are right on track to approving LEDAC measures on time. The public does not live on promises alone, they need results,” ani Marcos. Dagdag pa niya, nagsusumikap ang House of…

Read More

MGA DOKUMENTO NG ICI SA FLOOD ANOMALY SISIYASATIN NG DOJ

PAG-AARALAN ng Department of Justice (DOJ) ang mga dokumentong isinumite ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay sa umano’y anomalya sa flood control projects. Kinumpirma ni Justice Secretary Eric Vida na natanggap na ng DOJ ang kopya ng mga dokumento at iba pang ebidensiya mula sa komisyon. Ayon sa kalihim, susunod na hakbang ng ahensya ang masusing pagsusuri sa report upang matukoy kung may sapat na basehan para sa posibleng pagsasampa ng kaso. Makikipagtulungan din ang DOJ sa Office of the Ombudsman, kung saan nauna nang nagsumite ang ICI ng…

Read More

SEN. MARK VILLAR, NATUWA SA BAGONG AUTHENTICATION RULE NG BSP LABAN SA ONLINE SCAMS

IKINATUWA ni Senador Mark Villar ang direktiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magpatupad ng mas makabagong authentication methods sa mga bank transaction simula Hunyo 30 ngayong taon. Ang hakbang ay kaugnay ng implementasyon ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) na layong palakasin ang proteksyon laban sa online fraud. Bilang principal sponsor at author ng batas, sinabi ni Senador Villar na mahalaga ang bagong polisiya upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa iba’t ibang uri ng online scams at phishing. Nangako rin ang senador na magsusulong pa siya ng…

Read More

KASO NG SEC LABAN SA PAMILYA VILLAR, UMARANGKADA NA SA DOJ

UMARANGKADA na sa Department of Justice (DOJ) ang pagdinig sa mga reklamong isinampa ng Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa pamilya Villar at iba pang respondents. Sa inilabas na subpoena ng DOJ, kabilang sa mga ipinatawag sina dating Senador Manny Villar, dating Senadora Cynthia Villar, at magkapatid na Senador Mark Villar at Las Piñas Rep. Camille Villar, kasama ang iba pang sangkot sa kaso. Gayunman, walang miyembro ng pamilya Villar ang personal na dumalo sa unang araw ng preliminary investigation na pinangunahan ni Senior Deputy State Prosecutor Peter Ong…

Read More

Para buhayin ekonomiya ng Maynila P1.76-B AYUDA INILABAS NI ISKO

INANUNSYO ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso nitong Lunes ng umaga, Marso 16, ang pagpapalabas ng P1.76 bilyon na tulong pinansyal, insentibo at bahagi ng kita upang pasiglahin ang lokal na ekonomiya habang tumataas ang presyo ng langis sa buong mundo dahil sa nagpapatuloy na armadong sigalot sa Middle East. Ayon kay Domagoso, ang pondong nagmula sa General Fund at Trust Fund ng lungsod ay inilalabas upang agad na umikot ang pera sa ekonomiya sa pamamagitan ng mas mabilis na pamamahagi ng ayuda sa mga residente, estudyante, empleyado ng…

Read More

TIGIL-PASADA NG PISTON KASADO SA HUWEBES

NAGBABALA ng malawakang transport strike ang grupong PISTON sa darating na Huwebes, Marso 19 bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Pangungunahan ng mga driver, operator at mga tagasuporta ang tigil-pasada na inaasahang gaganapin hindi lamang sa National Capital Region (NCR) kundi pati sa iba pang bahagi ng bansa. Ayon kay PISTON National President Mody Floranda, hindi sapat ang P5,000 fuel subsidy na ibinibigay ng pamahalaan sa mga tsuper upang maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Dagdag pa niya, hindi umano…

Read More