POSIBLENG pasimulan na anomang oras, ang law enforcement operation laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at ilan pang sangkot sa missing sabungeros. Ito ay sa oras na ilabas ang warrant of arrest laban kay Ang na umano’y utak sa likod ng misteryosong pagkawala ng mga sabungero. Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla nitong Lunes, Disyembre 22, maaring anomang oras ay maglabas na ng mandamiento de arresto laban kay Ang. Matatandaan, nauna nang kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nakakita ito ng…
Read MoreCategory: BALITA
BANGKAY NATAGPUAN SA LIKOD NG JEEPNEY
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite police hinggil sa natagpuang bagkay ng isang lalaki sa likod ng isang jeepney sa Bacoor City noong Linggo ng umaga. Kinilala ang biktimang si alyas “Mcdo”, ng Brgy. 3, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, isang concerned citizen ang nadaanan ang bangkay ng lalaki sa likod ng isang nakaparadang jeepney sa tabi ng kalsada sa Buhanginan, Greenvalley, Brgy. Molino 3, Bacoor City Cavite, bandang alas-5:00 ng umaga. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na may dugo sa ulo ang biktima. Inaalam pa ang sanhi…
Read MoreSYMS CONST OWNER NAGSOLI NG P15-M SA DOJ KAUGNAY SA FLOOD CONTROL ANOMALY
KINUMPIRMA ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Atty. Polo Martinez na nagsoli ng higit-kumulang P15 milyon ang owner ng SYMS Construction, si Sally Santos, sa DOJ bilang bahagi ng kanyang restitution money kaugnay ng anomalya sa flood control projects. Ayon sa DOJ, umaabot na sa P236 milyon ang kabuuang halaga ng pera na naibalik sa kaban ng bayan mula sa mga nakulimbat na pondo. Kabilang dito ang: P181 milyon mula kay Bulacan District Engineer Henry Alcantara P40 milyon mula kay Gerard Opulencia, dating DPWH-NCR P15 milyon mula kay Sally Santos…
Read MoreCONG. LEVISTE INAMIN NA MAY P1-B INSERTION ANG INANG SI SEN. LOREN
INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang kanyang ina na si Senador Loren Legarda, batay sa listahang sinabi niyang nakuha niya mula sa yumaong Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary na si Catalina Cabral. “I can say, nandiyan. Tinanong ko siya at sinabi niya, hindi naman niya alam iyong mga nakalista diyan at sa mga senator actually pinakamaliit ang sa kanya,” ani Leviste sa isang panayam sa radyo. “Pero tinanong ko siya talaga at sabi niya, hindi niya alam ang…
Read MoreBagong radio system at rescue boats, ipinamahagi SAN JUAN CITY, NAG-UPGRADE NG EMERGENCY RESPONSE
PINANGUNAHAN ni Mayor Francis Zamora ang opisyal na turnover ng mga bagong radio communication equipment sa mahahalagang departamento at frontline units ng lungsod nitong umaga sa San Juan City Hall, bilang bahagi ng pagpapalakas ng peace and order at emergency response capabilities ng lungsod. Ayon kay Mayor Zamora, layunin ng bagong sistema na magkaroon ng mas mabilis, malinaw, at maaasahang koordinasyon sa pagitan ng City Government’s Response Cluster. Dagdag pa niya, mas pinapadali nito ang komunikasyon sa mga opisina na responsable sa public safety, emergency response, disaster risk reduction, at…
Read MoreNI-RENOVATE NA OSPITAL NG SAMPALOC PINASINAYAAN SA MAYNILA
PINASINAYAAN ni Mayor Isko Moreno-Domagoso nitong Lunes, Disyembre 22, 2025, ang pagbubukas ng bagong renovate na emergency room ng Ospital ng Sampaloc. Natapos at nakumpleto ang pasilidad sa loob lamang ng 90 araw, alinsunod sa ipinangako ng alkalde. Sumasalamin ang proyekto sa “Bilis Kilos” na pamamahala ng administrasyon ni Domagoso, na nagbibigay-diin sa mabilis na aksyon at napapanahong solusyon upang mapabuti ang serbisyong medical emergency para sa mga Manileño. “Sabi ko sa inyo, 90 araw. Ipinangako ko ito sa mga tao ng Sampaloc. Basta bigyan n’yo lang ako ng 90…
Read MorePALPAK NA SERBISYO NG AIRLINES COMPANIES PINAIIMBESTIGAHAN SA KAMARA
NAGHAIN ng resolusyon ang tatlong kongresista upang imbestigahan ang umano’y pagdurusa ng mga pasahero dulot ng palpak na serbisyo ng ilang airline companies, kabilang ang madalas na flight delays at kanselasyon ng biyahe, gayundin ang pagtaas ng pamasahe. Sa House Resolution No. 3303 na inakda nina 1Tahanan party-list Rep. Nathan Oducado, Kamanggagawa party-list Rep. Eli San Fernando, at Northern Samar Rep. Nikko Daza, layon ding alamin kung maayos na naipatutupad ang mga umiiral na batas na nag-aatas sa mga airline na magbigay ng tulong at kompensasyon sa mga pasaherong apektado…
Read MoreMARIKINA RTC JUDGE SINERMUNAN NG SC SA HINDI MAGANDANG ASAL
SINERMUNAN ng Korte Suprema ang isang Regional Trial Court (RTC) judge sa Marikina City matapos umanong magpakita ng kagaspangan ng ugali sa isang insidente ng maling pagparada na kinasangkutan ng abogado ng Public Attorney’s Office (PAO). Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Jhosep Lopez, sinabi ng Court en banc na umakto nang hindi nararapat si RTC Judge Rey Inciong nang sawayin nito sa publiko ang PAO lawyer na si Ivan Hack Gatdula at igiit ang isang public apology, sa kabila ng agarang paghingi na ng paumanhin ng abogado. Nag-ugat ang…
Read MoreVILLARS, NAGHATID NG KASİYAHAN SA MGA BATA NG BASECO SA TAUNANG HOLIDAY OUTREACH
BACOOR, Cavite — Nakatanggap ng isang araw na puno ng saya, pagkain, at kasiyahan ang mga bata mula sa Baseco Compound sa Tondo nang pangunahan ng pamilyang Villar ang kanilang taunang holiday outreach activity noong Sabado, Disyembre 20, sa Villar Children’s Farm. Mahigit 50 bata, kasama ang kanilang mga magulang at tagapag-alaga, ang lumahok sa pagdiriwang na tampok ang pamamahagi ng mga regalo na pinangunahan nina dating Senadora Cynthia Villar, Senadora Camille Villar, at ng anak nitong si Tristan. Ang taunang handog-Pasko na ito ay bahagi ng patuloy na inisyatiba…
Read More