TOP BOMB EXPERT NG DAWLAH ISLAMIYAH PATAY SA ARMY RAID

NAPATAY ng Philippine Army ang itinuturing na pinakamataas na bomb expert at lider ng Dawlah Islamiyah–Hassan Group (DI-HG) sa operasyon sa Brgy. Satan, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur. Kinilala ng militar ang napatay na si Ustadz Muhammad Usman Solaiman, alias Amir ng DI-HG, kapatid ng teroristang si Ustadz Kamaru Usman at pamangkin ng kilalang bomber na si Basit Usman. Si Solaiman ay sangkot sa serye ng pambobomba sa mga bus sa Mindanao mula 2022 hanggang 2023, kabilang ang Rural Bus at Yellow Bus Line attacks, pati sa pagpaslang sa tatlong…

Read More

BAGONG MINIMUM WAGE SA E. VISAYAS EPEKTIBO NA

INANUNSYO ng Department of Labor and Employment (DOLE) na epektibo simula nitong Lunes, Disyembre 8, ang taas-sahod ng mga minimum wage earner sa Eastern Visayas. Ayon sa DOLE, maglalaro na sa P422 hanggang P452 ang bagong minimum na arawang sahod sa rehiyon. Susundan ito ng ikalawang bugso ng umento sa unang araw ng Hunyo 2026. Aabot na sa P440 hanggang P470 ang magiging bagong minimum wage sa Region 8. Samantala, aprubado na rin ang dagdag sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa rehiyon na naglalaro naman sa P5,800 hanggang P6,400.…

Read More

‘KUDETA’ SA KAMARA HINDI MAMATAY

BAGAMA’T lumamig ang isyu ng pagpapalit ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, tuloy pa rin ang regional bloc congressmen sa paglalabas ng manifesto ng pagsuporta kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III. Kahapon ay huling naglabas ng manifesto ang 39 Visayan bloc congressmen sa liderato ni Dy na naluklok sa pwesto noong September 17, 2025 bilang Speaker matapos mag-resign si dating Speaker Martin Romualdez sa gitna ng anomalya sa flood control projects kung saan nakaladkad ang kanyang pangalan. “With full responsibility to our constituents and fidelity to our oath,…

Read More

CONGRESS: SC DECISION MAHALAGA SA NEXT MOVE SA VP IMPEACHMENT

KINALAMPAG ng isang House leader ang Korte Suprema upang agad resolbahin ang motion for reconsideration (MR) na inihain ng Kamara kaugnay ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte na una nang idineklarang unconstitutional. Ayon kay Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon, mahalagang maglabas na ng pinal na desisyon ang Korte Suprema upang maliwanagan ang Kongreso at publiko sa susunod na mga hakbang kaugnay ng impeachment proceedings. “We urge the Supreme Court to decide on the matter with finality, in order for constitutional bodies such as the House and…

Read More

Tuwing ikatlong Miyerkoles ng Hunyo NATIONAL PULMONARY REHABILITATION DAY

ITINAKDA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ikatlong Miyerkoles ng Hunyo ng bawat taon bilang “National Pulmonary Rehabilitation Day” upang mapalawak ang kamalayan ng publiko hinggil sa pulmonary rehabilitation bilang paggamot para sa mga pasyenteng may chronic respiratory diseases (CRDs). Batay sa Proclamation No. 1104 na nilagdaan noong December 4, binigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangang palakasin ang mga programa at impormasyon hinggil sa nasabing therapeutic intervention, partikular para sa mga sakit na kaugnay ng paninigarilyo at vaping. Ayon sa Department of Health (DOH), mahalagang “itaas ang public knowledge and appreciation…

Read More

MARCOS JR. ‘DOUBLE STANDARD’ SA SAHOD

DAPAT bigyan ng parehong pagpapahalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga manggagawa sa pribadong sektor, tulad ng pagbibigay nito ng umento sa military and uniformed personnel (MUP), ayon kay Deputy Speaker at TUCP party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza. Reaksyon ito ng labor solon matapos ipalabas ang Executive Order 107, na magtataas ng base pay at subsistence allowance ng mga sundalo, pulis, bumbero, jail guards, coast guards at mga kawani ng NAMRIA simula Enero 1, 2026. “Mr. President, wala dapat double standard. Kung kaya natin taasan ang sweldo ng…

Read More

RADIO BROADCASTER PATAY SA SAKSAK

PATAY ang radio anchor na isa ring municipal councilor ng Marihatag, Surigao del Sur matapos pagsasaksakin sa mismong gasolinahan sa Barangay Poblacion, Sabado ng umaga. Dead on arrival sa Marihatag District Hospital ang biktimang si Councilor Gerry Sales Campos, na tinadtad ng saksak sa sikmura. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Sandy Constantin Rivas, na agad na sumibat matapos ang krimen pero nahuli rin sa hot pursuit operation. Nakatakda na itong sampahan ng kasong pagpatay. Sa inisyal na imbestigasyon, kabababa lang umano ni Campos mula sa sasakyan sa isang…

Read More

P107-B NG PDIC DAPAT IBALIK DIN NG BBM ADMIN

IGINIIT ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na dapat ibalik ng gobyerno hindi lang ang P60 bilyong pondo ng PhilHealth, kundi pati ang P107 bilyong kinuha sa Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) matapos ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang paglipat ng PhilHealth funds sa National Treasury (NTr). Ayon kay Rodriguez, proteksyon ng bank depositors ang nakumpiskang pondo at hindi dapat ginamit ng gobyerno sa ibang layunin. “The P107 billion is intended for bank deposit insurance coverage. Its transfer to the national government prejudiced millions of bank depositors,” mariing pahayag…

Read More

PALASYO SA LILIKHAING IPC: BAKA KOPYA LANG NG OMBUDSMAN, DOJ

POSIBLENG magdulot ng “redundancy” o pag-uulit ng tungkulin ang panukalang Independent People’s Commission (IPC) kung itutulak ito ng Kongreso, ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro. Sabi ni Castro, papasok sa gawain ng Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ) ang IPC dahil hindi lamang flood control projects ang saklaw nito kundi pati iba pang infrastructure projects. “Kung gagawa sila ng batas para mag-create ng Independent People’s Commission, sana ‘yung constitutionality nito ay hindi makuwestiyon dahil baka magkaroon ng redundancy,” pahayag ni Castro sa isang panayam. Aniya,…

Read More