RECTO, DOF SUMUNOD SA BATAS SA USAPIN NG PHILHEALTH FUNDS

SUMUNOD sa itinatakda ng 2024 General Appropriations Act (GAA) ang Department of Finance (DOF) nang gamitin nito ang idle funds mula sa mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) para sa pagpopondo ng Health Emergency Allowance (HEA) ng mga frontliner, ayon sa dokumento ng pamahalaan. Ipinatupad ang patakaran sa ilalim ng pamumuno ni dating Finance Secretary at ngayo’y Executive Secretary Ralph Recto, na kilala sa mahabang track record sa fiscal policy at transparency sa pananalapi ng gobyerno. Ayon sa GAA, awtorisado ang paggamit ng hindi nagagalaw na pondo ng GOCCs upang…

Read More

NO BAIL SA P96.5-M INFRA ANOMALY VS DPWH OFFICIALS – OMBUDSMAN

PATUNG-PATONG na kaso ang isinampa ng Office of the Ombudsman laban sa ilang mataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng P96.5-million infrastructure project sa Davao Occidental. Walang inirekomendang piyansa sa criminal charges laban kina DPWH District Engineer Rodrigo C. Larete, Assistant District Engineer Michael Awa, ilang Section Chiefs, Project Engineers, at Inspectors ng DPWH Davao Occidental District Engineering Office (DEO), ayon sa Ombudsman. Lumabas ang probable cause matapos ang masusing imbestigasyon, na nag-ugnay din sa pribadong indibidwal na sina Ma. Roma Angeline Rimando at…

Read More

PAGCOR pinarangalan ng GCG sa performance, sustainability

Tinanggap ng mga opisyal ng PAGCOR na pinangungunahan ni President and COO Wilma Eisma (ikalima mula sa kaliwa) ang plaque of recognition mula sa Governance Commission for GOCCs (GCG) bilang isa sa top-performing GOCCs batay sa 2024 Performance Evaluation Scorecard. Kasama rin sa larawan sina GCG Chairperson Atty. Marius P. Corpus (ika-anim mula sa kaliwa), dating Senador Franklin Drilon, at iba pang opisyal ng GCG. Nakatanggap ng dalawang parangal ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) mula sa Governance Commission for GOCCs (GCG) sa GCG Awards Ceremony na ginanap noong…

Read More

POLONG UMATRAS SA ICI

TALIWAS sa una niyang “walang tinatago” na pahayag, umatras si Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa umano’y kwestiyunableng flood control projects sa kanyang distrito. Kabilang si Duterte sa ipinatawag ng ICI, pero sa dalawang pahinang sulat nito kay ICI Chairman Andres Reyes Jr., iginiit niyang wala umanong hurisdiksyon ang komisyon sa kanya. “The ICI appears without power nor jurisdiction over me,” ayon kay Duterte, na kinuwestyon ang kapangyarihan ng ICI dahil ito’y nilikha lamang sa ilalim ng Executive Order 94…

Read More

MARCOS NAG-SORRY SA MALA-CANCER NA KATIWALIAN SA GOBYERNO

AMINADO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dumadaan ang bansa sa “pinakamahirap na panahon” dahil sa malawakang operasyon kontra korupsyon na binuksan niya sa SONA, partikular sa flood control anomaly na tinawag niyang “kanser ng lipunan.” Sabi ni Marcos, malaking operasyon ang kailangan para walisin ang kabulukan, pero gaya ng operasyon, tiyak na masakit muna bago gumaling. “May hirap ngayon, at humihingi ako ng paumanhin sa taumbayan. Pero kailangan natin itong pagdaanan para tayo’y makaahon at makabangon,” pahayag ng Pangulo, na sinabing matatag ang Pilipino at mabilis babawi. ’24/7 kontra…

Read More

DUDA NA GINAGAMIT LANG ICI SA DAMAGE CONTROL LUMAKAS

HINDI na nagulat si Caloocan City Rep. Edgar Erice sa biglaang pagbibitiw ni dating DPWH Secretary Rogelio “Babes” Singson mula sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil sa mga pagdududa na gagamitin ito para sa ‘cover-up’. “I was not surprised, we exchanged text messages. He feels that, why would he allow himself and his family the risk and sacrifice their privacy to solve the problem of MalacaΓ±ang, family feud and trying to find who stole from government,” ani Erice. Sa kanilang palitan aniya ng text messages, sinabi umano ni Singson…

Read More

Endgame NG PCO sinopla ng solons ISYU SA ‘KULIMBAT’ PARA KINA PBBM, ROMUALDEZ IMBESTIGAHAN MUNA

SINUPALPAL ng ilang kongresista ang MalacaΓ±ang matapos ihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na nalalapit na ang “endgame” sa imbestigasyon sa flood control corruption scandal kahit napakarami pang bigatin ang hindi man lang naimbestigahan. “Hindi ito ang hustisyang inaasahan ng taumbayan,” ani Kabataan party-list Rep. Renee Co, sabay banat na maraming alegasyon ang hindi pa rin binubusisi kabilang ang sinasabing P2 bilyong monthly kickback na umabot umano sa P56 bilyon para kina dating House Speaker Martin Romualdez at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa dating kongresistang si…

Read More

TARGET NG BI: UBUSIN NATITIRANG POGO OPS SA BANSA

TINIYAK ng Bureau of Immigration (BI) na hindi na muling makapagtatatag ng illegal online gaming activities ang dalawang Chinese nationals na naaresto ng Fugitive Search Unit sa ParaΓ±aque. Kinilala ang mga ito bilang sina Wu Huifu at Li Yong. Ayon sa BI, may mga warrant of arrest ang dalawa mula sa Chinese authorities dahil sa pagpapatakbo ng ilegal na online gambling platforms. Sangkot si Wu sa operasyon ng maraming overseas gambling websites na umabot sa kalahating milyong biktima at nakalikom ng higit 8.6 milyong Chinese yuan mula sa manipulasyon ng…

Read More

MARCOS JR. SA MEDIA: TUMULONG PALAGANAPIN ANG LABAN SA FAKE NEWS

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa media na tulungan ang publiko na maunawaan ang mga reporma ng gobyerno, na aniya’y mahirap ipaliwanag sa karaniwang mamamayan na hindi nakatuon sa mga istruktural na usapin. Nagpasalamat ang Pangulo sa mga mamamahayag, lalo na sa MalacaΓ±ang Press Corps (MPC), sa kanilang papel sa pagpapaliwanag ng mga komplikadong polisiya sa nakalipas na tatlo’t kalahating taon. Binigyang-diin niya na mahalaga ang media bilang katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay-kaalaman sa publiko. “So I thank all the members of the MalacaΓ±ang Press Corps, because you…

Read More