MISTULANG umiwas sa mas mabigat na parusa si Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga kaya sumunod ito sa direktiba ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na burahin ang kanyang mga social media post na naging dahilan ng kanyang suspensyon. Mula noong Martes ng gabi ay hindi na makita sa kanyang social media accounts ang 24 posts nito na pinagbasehan ng House Committee on Ethics and Privileges para patawan ito ng 60 araw na suspensyon na walang sahod at iba pang benepisyo. Noong Lunes ng hapon ay inayunan ng 249 congressmen…
Read MoreCategory: BALITA
Para iwas korupsyon SISTEMA NG PAGPOPONDO DAPAT REPORMAHIN β SOLON
IGINIIT ng tinaguriang billionaire congressman na kailangan nang repormahin ang sistema ng pagpopondo upang maiwasan ang matinding korupsyon sa bansa. Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste, maraming congressman na ang tutol sa ganitong korupsyon dahil sa maling sistema. Ang pahayag ni Leviste ay may kaugnayan pa rin sa isyu ng maanomalyang flood control projects ng gobyerno kung saan may mga mambabatas umanong sangkot sa korupsyon. Binanggit ni Leviste ang kapwa mambabatas na nag-alok sa kanya ng listahan ng mga bagong proyekto para…
Read MoreHIGIT 700K NAGPAREHISTRO NA PARA SA BSKE – COMELEC
MAHIGIT 700,000 aplikante na ang nagparehistro para bumoto sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE), halos kalahati ng target na 1.4 milyong bagong botante ng Commission on Elections (Comelec). Batay sa datos ng Comelec, may kabuuang 768,263 indibidwal ang nagparehistro para bumoto sa 2026 BSKE noong Nobyembre 30, 2025. Sa bilang, 600,275 ang kabuuang bilang ng mga regular na botante at 167,988 ang para sa Sangguniang Kabataan. Ayon sa Comelec, umabot sa 164,233 ang mga bagong SK voters. May kabuuang 845 ang inilipat sa ibang mga lungsod o munisipalidad…
Read More17 LGUs TUMANGGAP NG PATIENTS TRANSPORT VEHICLE MULA SA PCSO
TUMANGGAP ng patient transport vehicles mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang lahat ng Metro Manila mayors kasabay ng isinagawang huling Metro Manila Council Meeting ngayong taon sa lungsod ng Maynila. Pinangunahan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang pagpupulong sa Diamond Hotel noong Martes ng hapon. Nagpasalamat naman si Artes sa mga mayor na dumalo at sa kanilang suporta sa buong taong 2025 at aasahan aniya na mas marami pang suporta ang matatanggap sa 2026. Ayon kay Artes, kasama sa kanilang pinag-usapan sa pulong ang programa ng DOH…
Read MorePolitiko babawalang sumawsaw sa ayuda ANTI-EPAL PROVISION PINASASAMA SA 2026 NATIONAL BUDGET
IGINIIT ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson ang pangangailangang maisama ang anti-epal provision sa panukalang pambansang budget para sa 2026 upang tuldukan ang tinawag niyang politisasyon sa pamamahagi ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa period of amendments para sa 2026 national budget, inirekomenda ni Lacson ang pagdaragdag ng isang special provision na mahigpit na magbabawal sa lahat ng incumbent public officials, mga kandidato sa eleksyon, mga politiko, at kanilang mga kinatawan na dumalo, lumahok, mang-impluwensya, o makialam sa distribusyon ng anomang cash assistance o…
Read MoreUmaming may anomalya sa flood control? TINIO NAGPATUTSADA KAY POLONG
“SO inaamin niya na kabilang ang distrito niya sa mga may bilyon-bilyong flood control anomalies. ‘Bakit ako lang’ daw. Thank you for your candor.” Sagot ito ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio sa tila pagrereklamo ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte na tanging ang Davao City ang pinupuntirya ng militanteng mambabatas sa imbestigasyon sa flood-control projects. “Kung totoong objective si Tinio, bakit hindi niya sabay-sabay hinahabla ang mga distrito na may bilyon-bilyong flood control anomalies sa buong Pilipinas? Bakit ako lang? Bakit Davao lang?,” ayon sa statement ni Duterte.…
Read More2 DPWH OFFICIALS NA INIUGNAY SA ‘GARDIOLA NETWORK’ SINIBAK
SINIBAK na sa puwesto ni DPWH Secretary Vince Dizon ang dalawang opisyal ng ahensya na umano’y nagsilbing supplier at sub-contractor sa loob mismo ng DPWH, ayon kay Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda-Leviste. Ibinunyag ng kongresista ang impormasyon sa harap ng media sa Lingguhang Kapihan sa Maynila. Ayon sa kanya, ang mga natanggal na opisyalβisang assistant secretary at isang directorβay nirekomenda sa DPWH ni dating Undersecretary Arrey Perez, na nagbitiw noong Oktubre 17, 2025. May koneksyon umano ang dalawang opisyal kay CWSPL Rep. Edwin Gardiola. “Companies connected with Gardiola have…
Read MoreTop choice ng independent voters GRACE POE, ISKO UMALAGWA SA 2028 VP RACE SURVEY
MAYNILA β Lumalakas ang posisyon ni dating Senador Grace Poe sa laban para sa pagka-bise presidente sa 2028, batay sa pinakabagong survey ng WR Numero Research na inilabas kahapon ng umaga. Sa kabila ng dikit na labanan sa pangkalahatang ranggo, si Poe ang nangunguna sa hanay ng independent voters, na nakapagtala ng 10%, kapantay ni Manila Mayor Isko Moreno, at mas mataas kumpara kina Sen. Bam Aquino at Sen. Bong Go na may tig-8%. Sa overall tally: β’ Bong Go β 19.1% (+3 mula Agosto 2025) β’ Robin Padilla β…
Read MoreP7,000 ALLOWANCE ITINUTULAK PARA SA MGA EMPLEYADO NG GOBYERNO
ISINUSULONG ngayon sa Mababang Kapulungan ang malaking dagdag sa Personnel Economic Relief Allowance (PERA) upang makahabol ang mga empleyado at opisyal ng gobyerno sa patuloy na pagtaas ng bilihin. Mula sa kasalukuyang P2,000, nais ni Deputy Speaker at TUCP party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza na gawing P7,000 kada buwan ang PERA sa ilalim ng House Bill 6537 o “Dagdag PERA Act.” Paliwanag ni Mendoza, hindi na umano sapat ang P2,000, lalo na sa panahong ang inflation ay sumasakit parang singil sa kuryente tuwing tag-init. “There is an urgent need to…
Read More