ISINUSULONG ngayon sa Mababang Kapulungan ang malaking dagdag sa Personnel Economic Relief Allowance (PERA) upang makahabol ang mga empleyado at opisyal ng gobyerno sa patuloy na pagtaas ng bilihin.
Mula sa kasalukuyang P2,000, nais ni Deputy Speaker at TUCP party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza na gawing P7,000 kada buwan ang PERA sa ilalim ng House Bill 6537 o “Dagdag PERA Act.”
Paliwanag ni Mendoza, hindi na umano sapat ang P2,000, lalo na sa panahong ang inflation ay sumasakit parang singil sa kuryente tuwing tag-init.
“There is an urgent need to establish a robust policy that has the agility to respond to inflation… whether caused by natural rise in prices or abrupt spikes due to calamities or man-made disasters,” aniya.
Ang PERA ay unang ipinatupad noong 1991 sa ilalim ng Budget Circular No. 4 ng Department of Budget and Management (DBM), kung saan P500 pa lang ang allowance, kasama pati contractual workers. Itinaas ito sa P2,000 noong 2009 at mula noon, hindi na gumalaw.
Pero giit ni Mendoza, halos nabura na ang halaga ng P2,000 sa loob ng 14 taon dahil sa pandemya, pagmahal ng enerhiya, at supply disruptions dulot ng mga sigalot sa ibang bansa.
“The purchasing power of 2000 pesos has diminished in the past fourteen years,” aniya.
Kapag naisabatas, ilalagay na ang pondo para sa PERA sa General Appropriations Act (GAA) at maaari pa itong mag-adjust depende sa inflation rate — para hindi na maiwan sa ere ang halaga nito.
Kapag naging batas ang nasabing panukala, isasama na sa General Appropriations Act (GAA) ang pondo sa PERA at maaaring pa itong tumaas depende sa kalagayan ng inflation rate na siyang sumusukat sa presyo ng mga bilihin at iba pang serbisyo publiko.
“Furthermore, it provides that PERA shall be exempt from all deduction,” paliwanag pa ni Mendoza sa kanyang panukala.
(BERNARD TAGUINOD)
223
