Para agad ma-locate – Remulla PICTURE NI ZALDY CO IPOST SA SOCIAL MEDIA

NANAWAGAN si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa mga Pilipino sa loob at labas ng bansa na agad na ipagbigay-alam sa pamahalaan kung makita nila si Zaldy Co. “Hiling ko sa lahat ng Pilipino sa buong mundo: kung makita ninyo si Zaldy Co, piktyuran ninyo, ipadala agad, i-post agad sa internet para may ideya ang gobyerno kung nasaan siya,” saad ni Remulla sa press briefing sa Malacañang. Ayon sa kalihim, pinaniniwalaang nasa Portugal ang dating Ako Bicol representative at posibleng may hawak na Portuguese…

Read More

Inton: anti-corruption o pulitika sa 2028? RESIGN SARA MUNA NG AKBAYAN KADUDA-DUDA

NAGPAHAYAG ng pagdududa ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa pahayag kamakailan ng isa sa mga lumahok sa Nov. 30 anti-corruption rally na pumapabor pagbitiwin muna sa pwesto si Vice President Sara Duterte bago hingin ang pagbaba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Binanggit ni Atty. Ariel Inton, presidente ng LCSP, na sa isang panayam ng True FM kay AKBAYAN President Rafaela David ay kinumpirma nitong tatanggapin nila ang mga nagnanais makiisa sa kilos protesta kahit “VP SARA RESIGN” ang panawagan ng mga ito at nirerespeto rin nila ang…

Read More

KOORDINASYON, KAHANDAAN NG PNP NASUBUKAN SA TRILLION PESO MARCH

IPINAKITA ng Philippine National Police ang maayos na koordinasyon at mataas na antas ng kahandaan sa pagdaraos ng Trillion Peso March. Mula Command Center hanggang kalsada, kumilos ang PNP bilang isang organisadong puwersang may malinaw na direktiba at mabilis na tugon. Sa Command Center, tutok ang mga opisyal sa real-time updates mula sa CCTV feeds at ground units na nakapwesto sa pangunahing lugar ng pagkilos. Tahimik ngunit masinsinan ang operasyon, na sinabayan ng mabilis na pag-aayos ng deployment at pagpapalitan ng impormasyon. Pinangunahan ni Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio…

Read More

BARZAGA SINUSPINDE NG 60 ARAW SA ‘DISORDERLY BEHAVIOR’

PINATAWAN ng 60 araw o dalawang buwang suspensyon na walang sahod at anomang benepisyo si Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga matapos mapatunayang guilty sa Ethics complaint na inihain ng kanyang mga dating kapartido sa National Unity Party (NUP) kaugnay ng mga umano’y hindi angkop na social media post. Sa ulat ni House committee on ethics and privileges vice chair Rep. JC Abalos sa plenaryo kahapon, sinabi nitong napatunayang lumabag si Barzaga sa Section 1(a), Rule 20 ng House Rules; Section 4(c) ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and…

Read More

P155.2-M JACKPOT SA ULTRALOTTO 6/58, NASUNGKIT NG CAVITEÑO

INSTANT milyonaryo ang isang maswerteng Caviteño matapos masolo ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 sa draw nitong Linggo ng gabi. Nakuha ng mananaya ang winning combination na 26-08-20-03-58-27, na may katumbas na ₱155,223,593.80. Ayon kay PCSO Vice Chairman at General Manager Melquiades “Mel” A. Robles, nabili ang tiket sa Sunny Brooke 1, Brgy. San Francisco, General Trias, Cavite. Samantala, 24 na indibidwal ang nakatsamba ng five-number match at makakakuha ng tig-₱120,000 bawat isa. Ginaganap ang UltraLotto 6/58 draw tuwing Martes, Biyernes at Linggo. (TOTO NABAJA) 121

Read More

P1.1-M SHABU NAKUMPISKA SA BUY-BUST, 2 TIMBOG

NASAMSAM ng mga tauhan ng Taguig City Police ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.1 milyon at naaresto ang dalawang lalaki sa isang buy-bust operation nitong Lunes. Isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit ng Taguig Police ang operasyon sa South Union Drive, Arca South, Barangay Western Bicutan. Arestado ang dalawang mataas na value target na kinilalang sina alyas Christian, 23, at alyas Alex, 26, parehong residente ng Barangay South Signal Village. Nasabat sa operasyon ang 164.3 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.1 milyon, isang P500 bill na ginamit…

Read More

5/6 at loan sharks maghahari na naman! Bagong interest loan cap ng SEC hinimok na pag-isipan

May niluluto na naman ang gobyerno — at ayon sa mga consumer advocate, mukhang hindi ito ulam para sa masa kundi lason sa bulsa. Sa binubuong bagong panukala ng Securities and Exchange Commission (SEC) kasi, papatawan raw ng mas mababang interest cap ang maliliit na utang. Parang maganda, diba? Pero ayon sa grupo ng CitizenWatch Philippines, imbes na proteksyon, peligro raw ito sa mga karaniwang Pilipino. Ikinabahala ng grupo na magpapasko na, pero imbes na mas lumuwag ang access sa maliit na pautang — lalo pa itong maaaring humigpit. Sa…

Read More

AGFO naglabas ng manifesto MILITARY HINDI PAPAYAG SA UNCONSTITUTIONAL ACTS

KASABAY ng paggunita ng bansa sa kaarawan ni Andres Bonifacio, naglabas ng manifesto of unwavering support ang mga dati at aktibong opisyal mula sa AFP, PNP, PCG, BJMP at BFP para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang kanilang Commander-in-Chief. Sa pahayag ng Association of General and Flag Officers (AGFO) sa kanilang ika-60 anibersaryo sa Camp Aguinaldo, mariin nilang kinondena ang anomang panawagan para sa military adventurism o unconstitutional acts laban sa administrasyon. “We strongly condemn and reject any call for the AFP to engage in unconstitutional acts or military adventurism,”…

Read More

PUBLIKO HINIKAYAT NI PBBM PANGALAGAAN YAMANG-TUBIG

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na pahalagahan at responsableng gamitin ang likas na yaman ng bansa, lalo na ang tubig, kasabay ng paglulunsad ng isang malaking proyekto sa Bulacan. “Ladies and gentlemen, let this milestone encourage us to value the resources that we are blessed with, use them responsibly, and take part in building a more inclusive, sustainable future for everyone,” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati nitong Biyernes, Nob. 28. Ipinahayag ito ni Marcos habang pinangungunahan ang inagurasyon ng Tunnel No. 5 ng Angat Water…

Read More