MULING iginiit ni Navotas City Rep. Toby Tiangco ang pagpasa ng kanyang panukalang batas na layong bigyan ng dagdag na pangil ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) para maimbestigahan at mapakulong ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects. Ayon kay Tiangco, makatutulong ang kanyang House Bill No. 5699 para gawing mas mabilis at epektibo ang mga imbestigasyon ng ICI at pagsampa ng mga kaukulang kaso. Batay sa panukala, ang ICI ay gagawing Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC) at bibigyan ng kapangyarihang magsampa ng kaso, mag-isyu ng subpoenas, hold…
Read MoreCategory: BALITA
Sa gitna ng corruption issue PONDO ‘WAG IPAGKATIWALA SA PANGULO – SOLONS
ISINALANG na sa committee level ng Kamara ang mga panukalang batas na magbibigay ng emergency power kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang mapabilis ang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa bansa. Gayunpaman, agad na tinutulan ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio ang tatlong panukalang nakahain sa House Committee on Basic Education. Ayon kay Tinio, hindi napapanahon ang pagbibigay ng special authority sa Pangulo lalo na’t kasalukuyang iniimbestigahan ang umano’y malawakang katiwalian sa flood control projects. Kabilang sa mga panukalang tinalakay ang House Bill (HB) 4904 na inakda ng chairman…
Read MorePBBM KINALAMPAG SA PAGDEDMA SA P200 WAGE HIKE
KINALAMPAG ng oposisyon sa Mababang Kapulungan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa patuloy umanong pagbabalewala nito sa panawagan para sa umento ng mga manggagawa sa buong bansa. Kasabay nito, hiniling ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña sa liderato ng Kamara na pabilisin ang deliberasyon sa mga panukalang naglalayong magpatupad ng P200 across-the-board legislative wage increase, sa kabila ng pagtanggi ng pangulo na sertipikahan ang mga ito bilang urgent. “Two hundred peso minimum wage increase ang tunay na pamasko para sa mga manggagawa, hindi yung kathang-isip na 500 noche…
Read MoreTrillion Peso March Third Edition ikinakasa FLOOD SCAM PROBE UMIIWAS SA ‘BIG FISH’?
NAGBABALA ang mga organizer ng Trillion Peso March na handa silang maglunsad ng panibagong malawakang kilos protesta kung hindi agad mapapanagot ang malalaking personalidad na itinuturong utak sa multi-billion flood control scandal. Ayon kay Kiko Aquino Dee, malaki ang inaasahan ng publiko na bago ang December 15 deadline ng Office of the Ombudsman, ay mas maraming kaso ang maisasampa laban sa mga nasa likod ng anomalyang pinag-uusapan sa buong bansa. Giit ni Dee, nakaaalarma ang takbo ng imbestigasyon na tila nakatutok lang umano sa “relatively minor government officials and contractors”…
Read MoreLAS PIÑAS NAGNINGNING
NAGLIWANAG na muli ang Las Piñas matapos ilunsad ang ikalawang taon ng Christmas Lighting Ceremony — isang makulay na selebrasyon ng tradisyon, komunidad, at ang kilalang sining ng paggawa ng parol na tatak-Las Piñas. Ginawa ang programa sa People’s Park, sa tapat ng iconic Bamboo Organ Church sa Brgy. Daniel Fajardo. Tampok ang Giant Christmas Tree na gawa sa lokal na materyales—sumisimbolo ng pagiging malikhain, mainit na pakikisalamuha, at kulturang ipinagmamalaki ng lungsod. Panauhing pandangal si dating senadora Cynthia Villar, na nagpahayag ng mensahe ng inspirasyon sa mga Las Piñeros:…
Read MoreIniwan ng mga raliyista BANDALISMO SA MAYNILA
SA kabila ng paulit-paulit na panawagan ng pamahalaang lungsod ng Maynila, muling nag-iwan ng bandalismo ang mga ralyista sa iba’t ibang parte ng lugar sa ikinasang kilos-protesta nitong Nobyembre 30. Ang pangyayaring ito ay hindi ikinatuwa ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, na binigyang-diin na kung sino pa ang mga lumalaban para sa tamang paggamit ng pondo ay sila pa ang umano’y dahilan para ito’y aksayahin. Giit ni Domagoso, dahil sa ginawang bandalismo sa ikinasang malaking rally ay muli nila itong gagastusan para lamang maipalinis. Kapansin-pansin ang mga bandalismo sa…
Read More6 PANG PULIS NA SANGKOT SA RAPE, ROBBERY SUMUKO
INIHAYAG ni Acting PNP chief, PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., hawak na ng pulisya ang natitira pang mga sangkot sa rape at robbery na mga tauhan ng PNP-DEU unit ng Calabarzon. Matatandaan na pinasok ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Unit ng Calabarzon, ang bahay ng Grade 9 student sa Cavite upang hanapin ang nobyo nito na umano’y sangkot sa ilegal na droga. Dahil wala ang target doon sa bahay ay ang biktima ang binalingan at hinalay ng kanilang team leader na may ranggong Lieutenant Colonel noong Nobyembre…
Read More3 BARKO NG CHINA NAMATAAN MALAPIT SA ZAMBALES
TATLONG barko ng Chinese Coast Guard (CCG) ang nakita sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas malapit sa Zambales, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) noong Linggo. Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG for the West Philippine Sea (WPS), ang PCG vessel BRP Cabra (MRRV-4409) ay “patuloy na aktibong hinahamon at hinaharangan ang pag-abante ng CCG vessel CCG-21562.” Binanggit din niya na sinusubaybayan ng PCG ang dalawang iba pang CCG barko, ang CCG-3305 at CCG-4305, sa pamamagitan ng radar sa mga katubigan malapit sa Zambales. Giit ni Tarriela,…
Read MoreDISTRICTING LAW BIGONG IPASA NG BTA
NABIGO ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) na maipasa ang districting law noong Nobyembre 30 na deadline nito ngunit nangako nitong Lunes na kukumpletuhin ang batas na mahalaga sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), bago matapos ang taon. Sa isang pahayag, sinabi ni BTA Parliament Floor Leader at tagapagsalita na si Atty. Jet Lim, ang katayuan ng batas sa pagdidistrito ng BARMM, na nagsasabing ang parliament ay “nagtatrabaho nang may kasipagan, transparency, at malawak na partisipasyon ng publiko upang maisabatas ang batas sa pagdidistrito.” Napansin…
Read More