KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkakaroon ng maayos at malinis na pambansang pondo para sa susunod na taon.
“I think it will be. We will be able to show that it is in fact possible to write a good, clean budget,” pahayag ng Pangulo sa mga mamamahayag sa isang press briefing matapos ang 32nd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa Gyeongju, South Korea.
Ang pahayag ay bilang tugon sa tanong kung maaasahan ba ng publiko ang mas pinaigting na anti-corruption efforts mula sa administrasyon.
Sinabi ni Marcos na bahagi ito ng hangarin ng pamahalaan na gawing mas transparent ang proseso ng badyet, lalo na sa gitna ng deliberasyon ng bicameral conference committee para sa panukalang P6.793-trillion national budget para sa 2026.
Nauna nang inanunsyo ng Pangulo na ila-livestream ang bicameral deliberations “to further encourage transparency.”
Ang mga pagdinig ng bicam ay magbibigay-daan sa Senado at sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na pag-isahin at ayusin ang mga pagkakaiba sa kani-kanilang bersyon ng General Appropriations Bill (GAB) bago ito tuluyang lagdaan ng Pangulo bilang General Appropriations Act (GAA).
Ang hakbang na ito ay itinuturing na tugon sa panawagan ng ilang mambabatas para sa mas bukas na proseso ng pagbalangkas ng pambansang badyet. (CHRISTIAN DALE)KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkakaroon ng maayos at malinis na pambansang pondo para sa susunod na taon.
“I think it will be. We will be able to show that it is in fact possible to write a good, clean budget,” pahayag ng Pangulo sa mga mamamahayag sa isang press briefing matapos ang 32nd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa Gyeongju, South Korea.
Ang pahayag ay bilang tugon sa tanong kung maaasahan ba ng publiko ang mas pinaigting na anti-corruption efforts mula sa administrasyon.
Sinabi ni Marcos na bahagi ito ng hangarin ng pamahalaan na gawing mas transparent ang proseso ng badyet, lalo na sa gitna ng deliberasyon ng bicameral conference committee para sa panukalang P6.793-trillion national budget para sa 2026.
Nauna nang inanunsyo ng Pangulo na ila-livestream ang bicameral deliberations “to further encourage transparency.”
Ang mga pagdinig ng bicam ay magbibigay-daan sa Senado at sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na pag-isahin at ayusin ang mga pagkakaiba sa kani-kanilang bersyon ng General Appropriations Bill (GAB) bago ito tuluyang lagdaan ng Pangulo bilang General Appropriations Act (GAA).
Ang hakbang na ito ay itinuturing na tugon sa panawagan ng ilang mambabatas para sa mas bukas na proseso ng pagbalangkas ng pambansang badyet.
(CHRISTIAN DALE)
54
