MAGPAPATUPAD ng dagdag-bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis simula Martes, Oktubre 22. Ayon sa abiso ng Shell, SeaOil, PetroGazz, at Cleanfuel, tataas ng ₱0.10 kada litro ang presyo ng gasolina, habang may bawas na ₱0.70 kada litro sa diesel at ₱0.60 naman sa kerosene. Karamihan sa mga kumpanya ng langis ay magpapatupad ng price adjustment alas-6:00 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na karaniwang sumusunod bandang alas-12:01 ng hatinggabi. Noong nakaraang linggo, nagpatupad ang mga oil companies ng mixed fuel price adjustment kung saan gasolina lamang…
Read MoreCategory: BALITA
2 SUSPEK SA SMS PHISHING SCAM, TIMBOG SA ACG
KALABOSO ang dalawang suspek na sangkot sa SMS phishing scam matapos ang magkahiwalay na operasyon ng Cyber Financial Crime Unit at Cyber Security Unit ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG). Ayon kay PNP-ACG Chief PBGen Bernard Yang, inaresto ang mga suspek sa magkahiwalay na lugar sa Mandaluyong City at Makati City sa bisa ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD). Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang ACG hinggil sa paggamit ng mga suspek ng International Mobile Subscriber Identity (IMSI) Catcher, isang device na ginagamit para magpadala ng…
Read More‘LANDMARK PROJECTS’ KASADO SA MAYNILA — PBBM
INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mas marami pang proyekto ang ilulunsad ng pamahalaan upang maibalik ang ganda at buhay ng mga ‘landmarks’ ng Maynila, kasabay ng pagpapatuloy ng rehabilitasyon ng Pasig River. Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa paglulunsad ng “Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM)” Pasig River Urban Development Project Phase 4 sa Metropolitan Theater, kung saan kanyang ibinahagi ang mga planong magpapabago sa mukha ng kabisera. Ayon kay Marcos, nagkaroon siya ng produktibong pag-uusap kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso hinggil sa mga key projects…
Read MoreBUCOR BALAK MAGTAYO NG BILANGGUAN SA ANCESTRAL LAND NG NCIP
PINAG-AARALAN ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor) ang posibilidad ng pagtatayo ng mga regional prison facilities sa mga lupaing ninuno na nasa hurisdiksyon ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP). Sa ilalim ng memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan nitong Lunes nina BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. at NCIP Chairperson Dr. Margie Grace Pascua, iminungkahi ng BuCor ang paggamit at pagpapaunlad ng humigit-kumulang 1,000 ektarya ng ancestral land sa bawat rehiyon para sa pagtatayo ng mga bilangguan at penal farms. Ayon kay Catapang, layon ng proyekto na mapalapit…
Read MorePANTALAN BANTAY-SARADO NG PCG NGAYONG UNDAS 2025
INALERTO na ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang lahat ng yunit ng Coast Guard sa buong bansa para sa inaasahang dagsa ng mga biyahero sa mga pantalan ngayong Undas 2025. Simula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 4, naka-heightened alert na ang lahat ng PCG districts, stations, at substation upang paigtingin ang monitoring, assistance at security operations sa mga ports at waterways sa bansa. Ayon kay Gavan, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyaking ligtas, maayos at komportable ang biyahe ng mga…
Read More4 SENATORIABLES NOONG MAY 2025 POLLS TUMANGGAP NG DONASYON SA CONTRACTORS
HINDI bababa sa pitong kandidato noong May elections ang tumanggap ng donasyon mula sa mga contractor, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, apat sa kanila ay tumakbo sa pagka-senador habang ang dalawa ay mula sa hanay ng party-list. Base aniya ito sa nakuha nilang datos mula sa 21 contractors na kanilang nakitang tumulong sa kandidatura ng mga tumakbo noong midterm elections at sa mga isinumiteng SOCE o statement of contributions and expenditures ng mga tumakbo noong halalan Sa ngayon ay hinihintay pa ng Comelec…
Read MoreLCSP SA MGA SABIT SA ANOMALYA: DELICADEZA, ‘WAG KAPIT-TUKO
TILA pinatutsadahan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang ilang opisyal ng gobyerno na nasasangkot sa mga anomalya pero ayaw kumalas sa kanilang pwesto. Ito’y matapos magbitiw sa tungkulin si Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Arrey Perez, dahil sa akusasyon na may kaugnayan siya sa ilang contractors. Matatandaang inanunsyo ni DPWH Secretary Vince Dizon ang pagbibitiw ni Perez kasunod ng pagbanggit ni Batangas Rep. Leandro Leviste sa pangalan nito bilang isa sa mga opisyal na konektado umano sa mga kontratista. Si Perez ay isa sa…
Read MoreERWIN TULFO PINANGUNAHAN ANG DELEGASYON NG PILIPINAS SA 151st IPU; NANAWAGAN NG PANANAGUTAN LABAN SA FAKE NEWS
IPINANAWAGAN ni Senador Erwin Tulfo ang pagpapatatag ng mga mekanismo ng pananagutan laban sa mga nagpapakalat ng fake news, bilang bahagi ng pagpapalakas ng demokrasya, sa kanyang talumpati sa 151st Inter-Parliamentary Union (IPU) Assembly sa Geneva, Switzerland. Bilang pinuno ng delegasyon ng Pilipinas, binigyang-diin ni Tulfo kung paanong ang maling impormasyon ay nakasisira sa tiwala ng publiko sa gobyerno at nakaaapekto sa demokratikong proseso ng bansa. “We, in the Philippines, have seen how fake news and malicious online campaigns can erode public trust, distort democratic discourse, and even incite anger…
Read MoreNAGPAKALAT NG FAKE NEWS NA IKINAGALIT NI POLONG “HINA-HUNTING” NA
HINAHANAP na ng team ni House Deputy Speaker Paolo Ortega V ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng umano’y fake news na labis na ikinagalit ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte nitong weekend. “My team is taking steps to trace the sources of these malicious claims and hold them accountable,” ani Ortega, kaugnay ng kumalat online na pahayag na umano’y sinabi niya: “The former President was never fighting a war on drugs. He was running a drug empire.” Mariing itinanggi ni Ortega ang pahayag, habang naglabas naman ng matinding…
Read More