SAMPU katao ang inisyal na bilang na iniwang patay ng Tropical Storm Ramil (International name: Fengshen) bago tuluyang lumabas sa area of responsibility ng Pilipinas, matapos na manalasa sa northern at central Philippines nitong nakalipas na linggo. Bukod sa naitalang pagkamatay ng isang social media vlogger, may apat pang nadagdag sanhi ng flashflood sa lalawigan ng Capiz. kaya umabot na sa 10 ang bilang ng mga nasawi dahil sa malakas na pag-ulan na dulot ng Tropical Storm Ramil na nagpabaha sa maraming lugar sa Western Visayas, Eastern Visayas at bahagi…
Read MoreCategory: BALITA
Higit 4,000 pasahero stranded; 58 PANTALAN NAGKANSELA NG OPERASYON SA PAGTAMA NG BAGYONG RAMIL
KANSELADO ang operasyon ng hindi bababa sa 58 pantalan sa buong bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong Ramil sa bahagi ng Luzon at Visayas. Batay sa situational report ng Philippine Ports Authority (PPA) at Philippine Coast Guard (PCG) na isinumite sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamaraming kanselasyon ng biyahe ang naitala sa Bicol Region na may 26 cancelled trips. Sinundan ito ng Calabarzon na may 18 kanseladong biyahe, habang 11 trips naman ang kanselado sa MIMAROPA Region. Samantala, dalawang pantalan sa Eastern Visayas ang muling naging…
Read MorePara sa apat na palapag – LGU PONDO PARA SA SUPER HEALTH CENTER SA MARIKINA HINDI SAPAT
UMAASA ang Department of Health (DOH) na mapakikinabangan sa lalong madaling panahon ang Super Health Center ng Marikina City na matagal na natengga. Ang naturang proyekto ay nasilip ng DOH noong Oktubre 15, at lumabas sa dokumento na P21.5 milyon ang kinakailangang pondo ng LGU para maisakatuparan ang orihinal na dalawang palapag na Super Health Center para sa mga residente ng Concepcion Dos ng nasabing lungsod. Gayunman, nang matapos ang inspeksyon, napag-alaman ng LGU ng Marikina na hindi sapat o kulang ang pondo kung gagawing apat na palapag ang gusali.…
Read More2026 BSKE VOTERS REGISTRATION UMARANGKADA NA
UMARANGKADA nitong Lunes, Oktubre 20, ang unang araw ng voters registration para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataang Elections. Alas-8 pa lamang ng umaga ay maagang pumila ang mga magpaparehistrong bagong botante sa Luneta Park na isa sa registration sites ng Commission on Elections (Comelec). Mahaba ang pila na nangangahulugang marami ang nagnanais na makalahok sa darating na halalang pang-barangay sa susunod na taon. Inaasahan naman ng Comelec na aabot sa 1.4 milyon ang mga bagong registrants para sa BSKE elections. Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi lamang…
Read MoreDAGDAG-BAWAS SA PRESYO NG LANGIS NGAYONG MARTES
MAGPAPATUPAD ng dagdag-bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis simula Martes, Oktubre 22. Ayon sa abiso ng Shell, SeaOil, PetroGazz, at Cleanfuel, tataas ng ₱0.10 kada litro ang presyo ng gasolina, habang may bawas na ₱0.70 kada litro sa diesel at ₱0.60 naman sa kerosene. Karamihan sa mga kumpanya ng langis ay magpapatupad ng price adjustment alas-6:00 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na karaniwang sumusunod bandang alas-12:01 ng hatinggabi. Noong nakaraang linggo, nagpatupad ang mga oil companies ng mixed fuel price adjustment kung saan gasolina lamang…
Read More2 SUSPEK SA SMS PHISHING SCAM, TIMBOG SA ACG
KALABOSO ang dalawang suspek na sangkot sa SMS phishing scam matapos ang magkahiwalay na operasyon ng Cyber Financial Crime Unit at Cyber Security Unit ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG). Ayon kay PNP-ACG Chief PBGen Bernard Yang, inaresto ang mga suspek sa magkahiwalay na lugar sa Mandaluyong City at Makati City sa bisa ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD). Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang ACG hinggil sa paggamit ng mga suspek ng International Mobile Subscriber Identity (IMSI) Catcher, isang device na ginagamit para magpadala ng…
Read More‘LANDMARK PROJECTS’ KASADO SA MAYNILA — PBBM
INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mas marami pang proyekto ang ilulunsad ng pamahalaan upang maibalik ang ganda at buhay ng mga ‘landmarks’ ng Maynila, kasabay ng pagpapatuloy ng rehabilitasyon ng Pasig River. Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa paglulunsad ng “Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM)” Pasig River Urban Development Project Phase 4 sa Metropolitan Theater, kung saan kanyang ibinahagi ang mga planong magpapabago sa mukha ng kabisera. Ayon kay Marcos, nagkaroon siya ng produktibong pag-uusap kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso hinggil sa mga key projects…
Read MoreBUCOR BALAK MAGTAYO NG BILANGGUAN SA ANCESTRAL LAND NG NCIP
PINAG-AARALAN ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor) ang posibilidad ng pagtatayo ng mga regional prison facilities sa mga lupaing ninuno na nasa hurisdiksyon ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP). Sa ilalim ng memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan nitong Lunes nina BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. at NCIP Chairperson Dr. Margie Grace Pascua, iminungkahi ng BuCor ang paggamit at pagpapaunlad ng humigit-kumulang 1,000 ektarya ng ancestral land sa bawat rehiyon para sa pagtatayo ng mga bilangguan at penal farms. Ayon kay Catapang, layon ng proyekto na mapalapit…
Read MorePANTALAN BANTAY-SARADO NG PCG NGAYONG UNDAS 2025
INALERTO na ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang lahat ng yunit ng Coast Guard sa buong bansa para sa inaasahang dagsa ng mga biyahero sa mga pantalan ngayong Undas 2025. Simula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 4, naka-heightened alert na ang lahat ng PCG districts, stations, at substation upang paigtingin ang monitoring, assistance at security operations sa mga ports at waterways sa bansa. Ayon kay Gavan, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyaking ligtas, maayos at komportable ang biyahe ng mga…
Read More