SINO itong dalawang mataas na opisyal ng pamahalaan na hindi lang magkasosyo sa “tongpats” kundi tila magka-relasyon pa? Ayon sa mga usap-usapan, hindi lang simpleng “kickback” ang usapan dito—may nakatakda pa umanong quota: hindi bababa sa ₱20 milyon kada linggo ang dapat makolekta. Hindi pa roon nagtatapos. May itinalagang lingguhang “parte” rin ang alalay na opisyal, tinatayang nasa ₱200,000. Ang masaklap, imbes na mapunta sa pondo ng bayan, napupunta raw ang milyong ito sa kanilang personal na bulsa at luho. Bukod sa pera, usap-usapan na may mamahaling gamit at luxury…
Read MoreCategory: BALITA
P96-M GHOST PROJECT ISININGIT SA BICAM — RIDON
INAMIN kahapon ni House committee on public accounts chairman Terry Ridon na ang P96-milyong flood control project sa Plaridel, Bulacan na tinukoy ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon bilang ghost project ay produkto ng congressional insertion sa Bicameral Conference Committee ng 2024 General Appropriations Act (GAA). “The P96-M Wawao Builders project inspected and deemed ghost project by DPWH Sec. Vince Dizon is a congressional insertion in the bicameral conference committee,” pahayag ni Ridon. Sinabi ng mambabatas na batay sa kanilang pagsusuri, wala ang nasabing proyekto…
Read MoreMGA TIWALING KONTRATISTA, OPISYAL PINATETESTIGO
HINIKAYAT ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga opisyal ng gobyerno at mga pribadong kontratista na tumestigo hinggil sa mga iregularidad sa mga proyekto ng flood control ng pamahalaan. Ipinahayag ito ni Remulla sa isang press briefing at sinabi ring maaari silang lumapit sa mga kilala nilang piskal o sa Department of Justice. “It makes the job much easier ‘pag meron kang naging state witness dito,” aniya. Dagdag pa ng kalihim, tatanggalin sila ang mga aamin sa pananagutang kriminal ngunit hindi sa pananagutang sibil. “Isauli naman ‘yung kanilang yaman…
Read MoreWHO DAPAT ISAMA HARM REDUCTION SA TOBACCO CONTROL – EXPERT
NAGTIPON ang mga international health expert upang suriin ang mga estratehiya ng World Health Organization (WHO) sa pagkontrol ng tabako, partikular ang paggamit ng mga alternatibong produkto para mabawasan ang pinsala nito sa kalusugan at ekonomiya ng Southeast Asia. Ayon kay economy expert Dr. Christopher Cabuay ng De La Salle University, umabot sa $9.8 bilyon o katumbas ng 2.48% ng GDP ng bansa ang ginastos ng Pilipinas noong 2019 para sa paggamot ng mga sakit na dulot ng paninigarilyo. Binanggit naman ni Anton Israel ng Nicotine Consumers Union Philippines na…
Read MoreGOV’T OFFICIALS GUMAGAMIT NG ALIAS PARA MAG-CASINO
INAMIN ni dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara na gumagamit siya ng alyas at pekeng ID para makapasok sa casino, sa kabila ng pagbabawal sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na magsugal. Sa pagdinig ng House Infrastructure Committee, sinabi ni Alcantara na iba ang nakalagay na pangalan sa ID na ibinibigay sa kanya. Nang tanungin ni Manila Rep. Joel Chua kung alias ang gamit niya, inamin ito ni Alcantara na dawit din sa mga maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Ayon kay Alcantara, nakakasama niya sa casino ang…
Read MoreZALDY CO TAHIMIK SA BUDGET INSERTIONS
HINDI pa rin nagsasalita si Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co kahit pa nababanggit ang pangalan niya sa umano’y ‘pinaka-corrupt” na pambansang pondo ngayong taon at maging sa insertions o pagsisingit ng pondo sa infrastructure projects ng Department of Public Works and Highway (DPWH). Tahimik si Co sa kabila ng paulit-ulit na paghingi ng mga kagawad ng media ng kanyang panig sa lumabas na alegasyon sa pagdinig ng House-Infra committee na nag-iimbestiga sa katiwalian sa flood control projects partikular sa pahayag ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na nadagdagan…
Read MoreConCon ipinorma na sa Kamara AGE REQUIREMENT SA PRESIDENTIAL, VP AT SENATORIAL POSTS IBABABA
UMUSAD na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala para amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng Constitutional Convention (ConCon) upang ibaba ang age requirement ng mga tatakbo sa pagkapangulo, pangalawang pangulo at pagkasenador. Pormal na inihain kahapon ni House Deputy Speaker Paolo Ortega IV ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 2 na naglalayong gawing 35 anyos ang minimum age requirement para sa presidential at vice-presidential candidates, at 30 anyos naman para sa mga nagnanais maging senador. Sa ilalim ng kasalukuyang Saligang Batas, kinakailangang 40-anyos ang isang kandidato para…
Read MoreESTUDYANTENG RIDER SUGATAN SA NABUNDOL NA BAKA
LUCENA CITY – Sugatan ang isang estudyanteng nagmamaneho ng motorsiklo nang mabangga ang isang baka na biglang tumawid sa highway sa lungsod. Kinilala ang biktima sa pangalang “Cyrus”, isang 19-anyos na second year criminology student, at residente ng Barangay Ilayang Pulo, Pagbilao, Quezon. Ayon sa report ng Lucena City Police Station, nangyari ang insidente bandang alas-11:45 ng gabi noong Martes habang binabaybay ng biktima ang Ecotourism Road sa Barangay Silangan Mayao. Bigla na lamang ng umanong tumawid ang baka sa kalsada dahilan para mabangga ito ng motorsiklo ng biktima. Malubhang…
Read MoreKLASE SA BATANGAS HIGH SCHOOL KANSELADO SA BOMB THREAT
BATANGAS – Kinansela ang klase nitong Miyerkoles sa Batangas City Integrated High School matapos makatanggap ng bomb threat ang pamunuan ng paaralan. Dahil sa banta, agad na pinauwi ang mga estudyante bandang alas-7:00 ng umaga. Agad namang nagresponde ang mga awtoridad, kabilang ang Batangas City Police at canine unit, upang magsagawa ng paghahanap sa buong compound at sa mga silid-aralan. Hindi ito ang unang beses na nakaranas ng ganitong banta ang mga paaralan sa Batangas. Maraming magulang at netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkabahala dahil tila sunod-sunod ang mga insidente…
Read More