MANILA LGU BINAGO POLISIYA SA HEALTH CERTIFICATES

MAY bisa na ang bawat health certificate ng isang taon mula sa pagkuha nito, ayon sa anunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila. Ito’y matapos na aprubahan ng Manila City Local Health Board ang nasabing patakaran para sa kapakanan ng mga nagtatrabaho o naghahanap ng trabaho. Nabatid na naging isyu ito sa ilang mga fast food company kung saan ang mga nakukuha nilang empleyado sa kalagitnaan ng taon ay nagkaka-problema sa health certificate. Ito’y dahil ang expiration ng health certificate ay tuwing kada Disyembre 31. Nagdesisyon ang lokal na pamahalaan…

Read More

2 ‘JUMPER BOYS’ BINITBIT NG MPD

INIHARAP ni Manila Mayor Isko Moreno ang dalawang ‘jumper boys’ sa viral video sa social media matapos silang maaresto sa follow-up operation ng MPD Station 1 sa pamumuno ni PLt.Col.Ronald De Leon. (ITOH SON) MAKARAANG mag-viral sa social media ang pagnanakaw ng tinaguriang “Jumper boys” sa isang truck sa Road 10, natunton at nadakip ang dalawa sa mga ito habang nagsusugal ng cara y cruz sa Aroma Compound, Barangay 105, Tondo, Manila noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ni Manila Police District Director Police Brigadier General Arnold Evangelista Abad, ang nadakip…

Read More

Sa kabila ng waiver of appearance MISSING SABUNGEROS WHISTLEBLOWER DUMALO SA PAGDINIG

SA kabila ng pagkakaroon ng waiver of appearance, dumalo sa pagdinig sa Manila Regional Trial Court si missing sabungeros whistleblower Julie Patidongan, kasama ang kanyang legal team. Personal na dumalo sa pagdinig ng Manila Regional Trial Court Branch 185 noong Miyerkoles ng hapon si Patidongan kahit may waiver of appearance ito para sa pagdinig sa nakahain na seven counts ng kidnapping at serious illegal detention na isinampa laban sa kanya at sa limang iba pa. Kaugnay ito sa umano’y pagkawala ng ilang sabungero noong Enero 13, 2022, na sinasabing kinasasangkutan…

Read More

DND AT ICRC NAGHARAP PARA SA HIGH LEVEL DIALOGUE

NAGHARAP sina Secretary of National Defense Gilberto C. Teodoro, Jr. at Ms. Mirjana Spoljaric, presidente ng International Committee of the Red Cross (ICRC), para sa isang high level dialogue bago ito nakipagkita kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang. Layunin ng courtesy call ni Ms. Mirjana Spoljaric sa pagbisita nito sa Pilipinas na mas mapalalim pa ang kanilang high-level humanitarian dialogue sa pagitan ng ICRC at ng Philippine government, at pagtibayin ang kanilang shared commitment sa pagtugon sa namumuong humanitarian challenges sa bansa. Inihayag naman ni Secretary Teodoro ang pagkilala ng Tanggulang…

Read More

Walang long weekend HOLIDAY SA NINOY AQUINO DAY MANANATILING AGOSTO 21

SA ngayon ay walang plano ang Malakanyang na bigyan ng ‘long weekend’ ang mga manggagawa at estudyante. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro “the Office of the President has not yet given a word on whether the commemoration of Ninoy Aquino Day would be moved from Aug. 21 (Thursday) to Aug. 22 (Friday).” “We will try to reach out to the President. But as of now, there is no update yet if the holiday will be moved,” aniya pa…

Read More

HEART ATTACK NUMERO UNONG KILLER SA NBP – BUCOR

NANGUNGUNANG sanhi ng pagkamatay sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) ang heart attack, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor). Batay sa datos mula 2022 hanggang 2025, umabot ang kaso ng heart attack sa persons deprived of liberty (PDLs) sa 445, mas mataas pa kaysa sa tuberculosis (TB) na may 59 lamang. Ayon kay BuCor Health and Welfare Services Director Ma. Cecilia Villanueva, nananatiling seryosong banta ang TB dahil sa siksikan at mahinang bentilasyon sa mga kulungan, pero lumalabas na mas laganap ang respiratory diseases gaya ng pulmonya (234 kaso)…

Read More

RANDOM DRUG TEST SA LAHAT NG INCUMBENT AT APPOINTIVE OFFICIALS ISASABATAS

PINANGUNAHAN ni Senator Raffy Tulfo ang random drug test sa kanyang tanggapan kasunod ng kontrobersya na kinasangkutan ng staff ni Senator Robin Padilla na pinagdudahang gumamit ng marijuana sa mismong banyo ng Senado. (DANNY BACOLOD) NAIS ni Senador Raffy Tulfo na maging ganap na batas ang pagsasagawa ng random drug testing sa lahat ng incumbent elective at appointive officials sa layuning mapalakas ang integridad at accountability sa gobyerno. Tiniyak ni Tulfo na sa pagbalangkas nila ng panukala ay ikukonsidera nila ang ruling ng Korte Suprema na nagsasabing unconstitutional ang pagsasagawa…

Read More

Laguesma dismayado sa hindi naayos na labor dispute LOCKOUT SA KAWASAKI MOTORS MAGDUDULOT NG JOB LOSS

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) AMINADO si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na walang magagawa ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa oras na ipatupad ang lockout kung saan mawawalan ng trabaho ang ilang manggagawa ng Kawasaki Motor Philippine Corporation (KMPC). “Malungkot ako dahil pag natuloy ang lockout mawawalan ng trabaho ang mga manggagawa,” may halong pagkadismaya na pahayag ni Laguesma. Ipinaliwanag ng kalihim na ginawa ng DOLE sa pamamagitan ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) ang lahat para maayos ang labor dispute sa pagitan ng KMPC at Kawasaki United…

Read More

85 TAUHAN IKAKALAT NG MMDA SA 14TH WORLDSKILLS ASEAN MANILA 2025

NAGPALABAS ng paalala ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasunod ng pagbibigat ng trapiko sa Pasay City kaugnay ng idaraos na 14th WorldSkills ASEAN Manila 2025 mula Agosto 25 hanggang Agosto 30. Gaganapin ang mga pangunahing aktibidad sa mga itinakdang lugar at petsa. Sa Agosto 25 ang pagbubukas sa Mariott Grand Ballroom; sa Agosto 26 hanggang 28 ang main competition sa World Trade Center; Agosto 30 ang closing ceremony sa SMX Convention Center. Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga kalahok, guro, mag aaral, mga opisyal ng pamahalaan at…

Read More