KINALAMPAG ng kilalang mga hukom at sikat na propesor sa bansa ang Korte Suprema para hilingin na atasan ang dalawang kapulungan ng Kongreso na tukuyin ang kahulugan ng ‘political dynasty’ alinsunod sa Saligang Batas. Base sa petisyon for certiorari at mandamus na isinampa sa High Tribunal, inoobliga nila ang Senado at Kamara de Representante na tukuyin ang tunay na kahulugan at kabuluhan ng political dynasty o mga politiko na nasa iisang pamilya lamang mula sa ama, ina, asawa, anak, kapatid, tiyo’t tiya, lolo’t lola. Isinampa ang petisyon nina dating Associate…
Read MoreCategory: BALITA
PAGKAKAHULI SA SERIAL CHILD ABUSER IKINAGALAK SA KAMARA
IKINAGALAK ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ang pagkakahuli sa umano’y serial child abuser sa Zamboanga City na isang certified public accountant at lawyer. Gayunpaman, kinukuwestyon ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas kung bakit umabot ng mahigit dalawang dekada bago nadakip ang suspek na si Michael Molina. “While the recent arrest of this serial child abuser is welcome, it begs the question: why must it take over 20 years before a perpetrator of this scale could be made to face justice in the Philippines?” tanong ni Brosas. Noong Marso…
Read MoreUAE GOVERNMENT PINASALAMATAN NG AKO-OFW PARTY-LIST KASUNOD NG ROYAL CLEMENCY SA 115 PINOY
PINASALAMATAN ng AKO-OFW Party-list ang United Arab Emirates government kaugnay sa ibinigay na royal clemency sa 115 Pilipino sa UAE kasabay ng pagtatapos ng Ramadan at pagdiriwang ng Eid Al-Fitr. Ayon kay 1st nominee at AKO-OFW chairman Dr. Chie Umandap, lubos siyang nagpapasalamat kay President of the UAE Highness Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan dahil patunay lamang ito na malakas at matatag ang ugnayan ng pagkakaibigan at pagtutulungan ng Pilipinas at UAE. Ani Umandap, taos-pusong ipinagmamalaki nito ang pamumuno at gobyerno ng UAE sa kanilang kagandahang-loob at pagpapahalaga sa…
Read MoreMURDER VS ANTIPOLO ROAD RAGE SUSPECT
IAAKYAT na sa murder ang kasong isasampa laban sa suspek sa nangyaring pamamaril sa Antipolo noong umaga ng Marso 31, 2025, na ikinamatay ng isa at ikinasugat ng tatlo pang biktima kabilang na ang live-in partner nito. Ayon kay Antipolo City chief of police, PLt. Col. Ryan Manongdo, ikinamatay ng biktimang si alyas “Peter” ang mga tama ng bala sa katawan at ulo nito matapos pagbabarilin ng suspek na si alyas “Kenneth.” Sinabi pa ni Manongdo, ang 28-anyos na suspek ay mahaharap sa kasong murder, 2 counts ng frustrated murder…
Read MoreKATIWALIAN, KARAHASAN SA ISABELA IMBESTIGAHAN
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) IPINARATING ng isang concerned citizen sa tanggapan ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa pamamagitan ng liham ang umano’y mga katiwalian at karahasan na nagaganap sa lalawigan ng Isabela. Ipinadala ang liham noong Marso 6, 2025 at naka-address kay Pangulong Marcos, may titulo itong RE: ANOMALIES OF GRAFT AND CORRUPTION OF THE ISABELA PROVINCIAL Officials. Kabilang sa kahilingan ng lumiham ay imbestigahan ang pagbagsak ng Cabagan-Santa Maria Bridge sa nabanggit na lalawigan. Matatandaang bumagsak ang isang bahagi ng nasabing tulay nang dumaan ang ilang truck makalipas…
Read MoreMGA PULIS NA RUMESPONDE SA ANTIPOLO ROAD RAGE, PINARANGALAN
PINANGUNAHAN ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco D Marbil, ang paggawad ng medalya at pagkilala sa mga pulis na rumesponde sa road rage noong Linggo ng hapon sa Antipolo City. Mismong si PNP Chief Marbil, ang nagtungo sa Antipolo Component City Police Station para bigyang pagkilala ng Pambansang Pulisya sa natatanging serbisyo na ipinakita sina; PLt. Orlando S. Jalmaso; PCMS Rannel D. Cruz; PCpl. Kaveen-John R. Vera; PCpl. Joeban A. Abendaño ; PCpl. Niño Chavez; Pat. Eldrich P. De Chavez; Pat. Michael Keith L. Panganiban at Pat. John Mark…
Read MorePHL MAGPAPADALA NG 90-MAN TEAM SA MYANMAR
NAKATAKDANG lumipad ngayong Martes ang 90-man team na binuo ng Department of Nationals Defense-National Disaster Risk Reduction and Management Council, patungong Myanmar para tumulong sa isinasagawang humanitarian effort kasunod ng magnitude 7.7 earthquake na tumama sa nasabing bansa. Inutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang pagpapadala ng humanitarian mission sa earthquake hit Myanmar para tumulong sa search and rescue operation at medical emergencies. Nabatid na nagkukumahog ngayon ang iba’t ibang rescue volunteer’s para hanapin ang daan-daang missing na pinaniniwalaan natabunan ng gumuhong mga gusali kasunod ng lindol na tumama sa…
Read MoreMISIS INUMBAG NI MISTER
NAGKAROON ng blackeye ang isang 41-anyos na ginang makaraang bugbugin umano ng kanyang mister sa Tondo, Manila. Bunsod nito, sinampahan ng ginang ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (physical injury) ang suspek na si alyas “Jay-Ar”, 45-anyos, residente ng ng Tondo, Manila. Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Analiza Armenta ng WCPD, kasama ang mga barangay official, naghain ng reklamo ang biktimang si alyas “Elyn”, 41, dahil sa pagbugbog ng kanyang mister. Ayon sa salaysay ng ginang, bandang…
Read MoreANIBERSARYO NG PGH BILANG COVID-19 REFERRAL CENTER, GINUNITA
GINUNITA nitong Lunes ang ika-5 anibersaryo ng pagdedeklara ng Philippine General Hospital (PGH) bilang COVID-19 Referral Center. Pinangunahan ito ni PGH Director Dr. Gerardo Legaspi, nagsabing umusad man ang mga taon ay hindi dapat kalimutan ang aral na iniwan ng naranasang pandemya. Sa nasabing hamon, inalala naman ni Dr. Jonas Del Rosario ang pagkamatay ng kanyang mga magulang na tinamaan ng naturang sakit. Aniya, ang pagiging COVID survivor ay hindi lamang ang paggaling mula sa sakit kundi maging ang hindi pagsuko at patuloy na pag-usad sa buhay. (JOCELYN DOMENDEN) 282
Read More