P15.8-B COUNTERFEIT GUESS PRODUCTS NASAMSAM NG BOC

TINATAYANG aabot sa P15.8 bilyong halaga ng counterfeit Guess products at iba pang brand at fake signature products, ang nasamsam ng mga operatiba ng Bureau of Customs kasama ang mga tauhan ng Guess, sa isang kilalang clothing at accessories company. Sa utos ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na wakasan na ang illegal trade at protektahan ang ang Filipino consumers, sinalakay ng Bureau of Customs (BOC), katuwang ang global brand Guess, ang ilang bodega sa Divisoria at dito nadiskubre ang 1.727 milyong piraso ng counterfeit products na nagkakahalaga ng P15.8…

Read More

COSETENG NANGUNGUNA SA 12 APPCU 2025 LAUREATES

PARARANGALAN si dating senator Anna Dominique “Nikki” Marquez-Lim Coseteng, na inilarawan bilang isang “distinguished public servant, educator and cultural and sports advocate”, sa susunod na linggo bilang nag-iisang Hall of Fame laureate ng 5th Award for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU). Nangunguna si Coseteng sa 11 pang nanalo na pararangalan sa tatlong iba pang kategorya na inihayag sa press conference noong Lunes ni Chairman Raul L. Lambino ng Association of Philippines-China Understanding (APCU). Ang gabi ng parangal ay gaganapin sa Hunyo 3 sa Manila Hotel, ani Lambino, na minarkahan ang ikalimang…

Read More

MGA PNP CHIEF CONTENDER NAHAHARAP SA HAMON

pulis

MARAMI ang nakatutok ngayon sa mga pinagpipilian na susunod na Philippine National Police (PNP) chief na posibleng mahaharap sa hamon kasunod ng utos ng Malakanyan na dakpin ang isang dating senior police officer na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Jee Ick Joo. Matatandaang ipinag-utos ni executive secretary at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) chairman Lucas Bersamin ang paglulunsad ng isang manhunt operation laban kay Rafael Dumlao III na suspek sa pagpatay sa nasabing South Korean businessman noong 2016. Target ni Secretary Bersamin ang mabilis na pag-aresto sa…

Read More

Atty. Rodriguez sinang-ayunan ng CBCP PALPAK NA GOBYERNO ISISI SA PRESIDENTE HINDI SA GABINETE

MISTULANG sinang-ayunan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pahayag ni dating executive secretary Vic Rodriguez na nasa Pangulo ang problema kaya hindi maayos ang takbo ng gobyerno. Nitong weekend, naglabas din ng pahayag si Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP na hindi dapat isisi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang gabinete ang palpak na pamamalakad sa pamahalaan. Kasunod ito ng utos ng Palasyo na maghain ng courtesy resignation ang mga gabinete ng administrasyong Marcos. Ayon kay Secillano, ang punong ehekutibo ang may pangunahing pananagutan…

Read More

OPENING NG PALARO GINAMBALA NG LINDOL

TINIYAK ni Department of Education Secretary Sonny Angara na walang nasaktan o maling pinsala na naitala kasunod ng malakas na paglindol, Sabado ng umaga sa Laoag City, Ilocos Norte, kasalukuyang nagsisilbi bilang host para sa 65th Palarong Pambansa. Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang bayan ng Luna, La Union pasado alas-10 ng umaga ng Sabado. Naitala ang sentro ng lindol sa layong 31 kilometers hilagang kanluran o sa karagatang sakop ng Luna, La Union. Naramdaman ang lindol sa mga karatig-lungsod kabilang na ang Laoag City, kung saan ginawa ang…

Read More

MANUAL RECOUNT HILING NG TALUNAN SA GUBERNATORIAL RACE

HINILING ni outgoing Marinduque lone District Rep. Lord Allan Jay Velasco sa Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng manual recount ng boto sa kanyang probinsya matapos matalo ng 400 boto sa gubernatorial race. Sinabi ni Velasco sa isang pahayag, naghain siya ng pormal na apela sa Comelec upang magsagawa ng manual recount ng mga boto, hindi lamang para sa kapakinabangan ng taga probinsya ng Marinduque kundi kundi para rin sa mas malawak na layunin na mapakikinabangan ng mga Pilipino. Si Velasco, na nakatanggap ng 65,726 boto ayon sa resulta…

Read More

ELECTION LEADER NG NANALONG MAYOR, ITINUMBA

CAVITE – Patay ang isang election leader ng nanalong mayor ng Naic makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong ‘di pa nakikilalang mga suspek habang pababa sa kanyang sasakyan sa nasabing bayan noong Sabado ng hapon. Isinugod sa San Lorenzo Hospital ang biktimang si Shackie Denajiba y Lauriano, 40-anyos, ng Brgy. Sabang Naic, Cavite at sa naging election leaders ng nanalong Naic mayor na si Rommel Magbitang, subalit idineklarang dead on arrival. Tinutugis naman ang mga suspek na nakasuot ng blue jacket, gray shirt, maong pants at puting cap Ayon sa ulat,…

Read More

PULIS PARAÑAQUE, BAYANI SA GITNA NG PANGANIB

BINIGYANG-PUGAY ni PNP Chief Police General Rommel Francisco D. Marbil, si Police Staff Sergeant Carlo Sotelo Navarro, 45-anyos, nakatalaga sa BF Homes Police Substation (SS-5). Bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa tapat at matapang na serbisyo sa sambayanang Pilipino, ipinamalas ni Sgt. Navarro ang kanyang wagas na katapangan habang tumutugon sa isang tawag noong Mayo 23, 2025. Sa ulat, dakong alas-10:45 ng umaga ay rumesponde sina PSSg. Navarro at PSSg. Maret, kasama ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) dahil sa panggugulo…

Read More

2 PAF PERSONNEL NA NAGREKLAMO NG RAPE DAPAT ALAMIN KUNG FIT SA FLYING MISSION

ITO ang isa sa mga concern ng abogado ng dalawang Philippine Air Force personnel na umano’y naging biktima ng rape at attempted rape ng isang PAF Major General. Ayon kay Atty. Nico Robert Martin, abogado ng dalawang junior officers ng Air Force na nakararanas ng severe trauma at depression, lumapit at humingi ng tulong ang mga ito sa mga abogado na nasa ilalim ng Unified Legal Aid Service (ULAS) ng Supreme Court. “My clients were diagnosed with stress disorder and depression. After the incident, they were seen by a psychiatrist.…

Read More