SIMULAN ang taon sa pagpapalago ng iyong ipon! Isa sa napatunayan nang mainam at maaasahang investment ngayong 2025 ay ang pagbili ng ginto. Ang Palawan Gold, handog ng matatatag at mapagkakatiwalaan na Palawan Group of Companies, ay isa sa mga pinakamahusay at pinakaligtas na paraan ng pag-invest. Ito ay isang abot-kaya at matalinong hakbang upang mapanatili at mapalago ang iyong ari-arian (asset) o yaman sa kabila ng pabago-bagong kalagayan ng ekonomiya. Pagtaas ng presyo ng ginto kada gramo sa Pilipinas mula 2014 hanggang 2024 Ang ginto ay itinuturing na isang…
Read MoreCategory: BALITA
SEN. BATO NAGTATAGO SA MEDIA IMBES NA HUMARAP SA QUAD COMM
MULING hinamon ng Quad Committee si dating Philippine National Police (PNP) Chief at ngayo’y Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na humarap sa kanilang imbestigasyon imbes na magtago sa saya ng media. Kahapon ay muling ipinagpatuloy ng komite ang kanilang imbestigasyon kung saan tinalakay ang usapin sa ilegal na droga na kabilang sa tatlong isyung iniimbestigahan kabilang na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at Extra-judicial killings (EJK). “Ang ating senador Bato dela Rosa, nung tinanong siya, ayaw naman niyang humarap sa amin. Pinapaharap namin para maging malinaw ang lahat ng…
Read MoreDISCAYA PLANONG GAWING SMART CITY ANG PASIG
NANGAKO si Pasig City mayoralty candidate Sara Discaya na paghuhusayin ang buhay ng bawat Pasigueno; gagawing ‘smart city’ ang Pasig City, at lilikha ng isang pamahalaan na marunong makinig at walang sinomang mapag-iiwanan. Isang negosyante, si Discaya ang pinakamahigpit na makakalaban ni incumbent Mayor Vico Sotto, na tumatakbo sa kanyang ikatlo at huling termino ngunit ang kanyang istilo ng leadership at governance, ay binabatikos dahil sa umano’y pagprayoridad sa mga hindi residente ng Pasig. Ayon kay Discaya, sa ilalim ng kanyang gobyernong may puso, walang sinoman ang mapag-iiwanan at walang…
Read MoreTATAY PINUGUTAN NG ANAK
DAVAO DEL NORTE – Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang ulo ng isang 60-anyos na lalaki matapos pugutin ng kanyang anak na pinaniniwalaang may sakit sa pag-iisip, hinihinalang binalak pang lutuin ang lamang-loob nito sa Brgy. Madaum, Tagum City sa lalawigan noong Linggo. Hinihinalang posibleng nasa impluwensiya rin ng ipinagbabawal na gamot ang suspek kaya nagawa ang karumal-dumal na krimen sa sariling ama. Ayon sa ulat, wala nang ulo, at halos tadtad na ang mga bahagi ng katawan ng biktimang si Loloy Barlis, nang datnan ng mga pulis sa bahay…
Read MoreCONVENIENCE STORE SA TAGAYTAY, HINOLDAP
TAGAYTAY CITY – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang solong motorcycle rider na nangholdap sa isang kilalang convenience store sa lungsod noong Linggo ng madaling araw. Ayon sa ulat, bandang alas-2:45 ng madaling araw noong Linggo nang pumasok ang suspek na nagpanggap na customer, sa convenience store sa Tagaytay-Amadeo Road, Brgy. Kaybagal Central, Tagaytay City. Nang matiyak ng suspek na walang customer, nagdeklara ito ng holdap at tinutukan ng baril ang cashier na si Jimma Martinez at tinangay ang P20,000 cash na kita ng tindahan, at isang Samsung Galaxy A5…
Read MoreSCHOOL REGISTRAR SA LUCENA PUMALAG SA RAPE, SUGATAN
LUCENA CITY – Sugatan ang isang 31-anyos na ginang na isang school registrar, matapos manlaban sa isang lalaking nagtangkang gumahasa sa kanya sa kanyang bahay sa San Isidro Subdivision, Barangay Gulang-Gulang, sa lungsod noong Linggo ng tanghali. Ayon sa imbestigasyon ng Lucena City Police, natutulog ang biktima sa kanilang bahay dakong alas-12:00 ng tanghali nang magising ito at makita ang suspek na nakaupo sa tabi niya habang wala nang pang-ibabang kasuotan. Nang tangkain ng suspek na gahasain ang biktima agad tumayo ang babae dahilan upang magpambuno sila. Bumunot ng kutsilyo…
Read More1 PATAY, 1 SUGATAN SA BANGGAAN NG MOTOR AT AMBULANSYA
QUEZON – Patay ang isang 34-anyos na computer technician habang sugatan ang kanyang backrider matapos na ang sinasakyang motorsiklo ay masalpok ng isang ambulansya sa Bypass Road, sa Barangay Tumbaga 1, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang namatay na si alyas “Dempster”, residente ng Barangay Angustias, Tayabas City, habang kinilala ang backrider na si Maureen Mendez, 26, isang visual assistant freelancer, ng Barangay Sampaloc 2, Sariaya, Quezon. Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-12:25 ng madaling araw, binabaybay ng motorsiklo ang lugar patungong Barangay…
Read MorePara mapaluwag mga kalsada 7AM-4PM WORKING HOURS SA GOV’T OFFICES ITINULAK
MASUSING pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang rekomendasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na i-adjust ang working hours ng national government agencies sa National Capital Region (NCR) upang maibsan ang mabigat na trapiko. “Well, we’re studying it. If it works, we’ll do it. But we have to, it’s not enough to talk to the traffic enforcers and the administrators of traffic that have made the suggestion,” ayon sa Pangulo sa isang ambush interview matapos dumalo sa paglulunsad ng TESLA Center Philippines sa Tesla Center, Uptown Parade, Uptown Bonifacio,…
Read MoreBERSAMIN NAPIPISIL NG 68% NG MGA TAGA-ABRA
TWO third ng mga botante ng Abra Province ang mas pipiliin na gawing gobernador si Eustaquio Bersamin, kapatid ni Executive Sec. Lucas Bersamin laban sa katunggali nitong si Bangued Vice Mayor Joaquin Bernos ngayong 2025 midterm election. Base sa Tangere Survey mula January 13 hanggang January 16, 2025 na may 800 respondents at face to face interview, 68% o pito sa bawat botante ng lalawigan ng Abra ay mas napipisil si Bersamin habang 25% ang puntos ni Bernos at 7% naman ang undecided. Naitala ang malakas na suporta kay Bersamin…
Read More