RIDER NIRATRAT SA TALYER

LAGUNA – Patay ang isang lalaking motorcycle rider matapos pagbabarilin sa isang talyer sa Purok 5, Barangay San Isidro, San Pablo City noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Florante Negradas, residente ng Barangay San Isidro. Ayon sa imbestigasyon ng San Pablo City Police, bandang alas-2:50 ng hapon, nagpapakumpuni ng kanyang motorsiklo ang biktima sa Bawang Motorshop, nang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek. Nagkunwari umanong nagtatanong ang suspek tungkol sa ilaw ng kanyang motorsiklo bago nito biglang binaril ang biktima sa noo. Agad na tumakas ang suspek patungo…

Read More

May pagtatangka pasukin at nakawin digital data ng bansa CYBER WARFARE TUTUTUKAN NG AFP CYBER COMMAND

MAS higit pang paiigtingin ngayon ng Armed Forces of the Philippines at ng kanilang AFP Cyber Command ang kanilang cyber defense kasunod ng ulat na tinangkang pasukin ng Chinese hackers ang ilang websites ng pamahalaan kabilang ang ilang executive branches. Ayon sa ulat ng Bloomberg, sinasabing tinarget ng Chinese hackers ang Pangulo ng Pilipinas at nagnakaw ng military data. Hindi ito kinumpirma ng AFP subalit sinabi ng tagapagsalita ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, Col. Francel Margareth Padilla, na isang ring Cyber Security expert, “Cyber-attacks are a daily occurrence. And what…

Read More

P561-M UTANG SA TAGAHAKOT NG BASURA ITINANGGI

ITINANGGI ng pamahalaang Lungsod ng Maynila ang umano’y kalahating bilyong utang ng lungsod mula sa waste management firm na Leonel Waste Management Corporation. Kaugnay nito ay pinatutuos ni Manila Mayor Honey Lacuna sa City Treasurer’s Office kung magkano talaga ang utang ng lungsod subalit naniniwala itong wala pa itong P500 million. Nabatid na inaantabayan ngayon ni Mayor Lacuna ang ibibigay na update ng City Treasurer’s Office sa naturang isyu. Ipinaliwanag ni Mayor Lacuna na wala umanong sinabi ang kumpanya na P500 milyong utang ng lungsod sa Leonel Waste Management sa…

Read More

P.6-M ILEGAL NA PAPUTOK, PYROTECHNICS WINASAK

WINASAK ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni PCOL Melecio Buslig, Jr., ang mahigit P.6 milyong halaga ng ipinagbabawal na paputok at pyrotechnics sa isinagawang sabay-sabay na disposal activity nitong Martes sa QCPD ground, Camp Karingal, Sikatuna Village, Quezon City. Nabatid na ang pagwasak ay pinangunahan nina PCOL Roman Arugay (ADDO), PCOL Joel Villanueva (CDDS), PLTCOL Edgar Batoon (OIC, DMFB), at PLTCOL Vicente Bumalay (OIC, DOD). Pinangasiwaan ito ng mga tauhan mula sa Explosive and Ordnance Division (EOD) at Bureau of Fire Protection (BFP). Kaugnay nito, sa kabuuan,…

Read More

SENIOR CITIZEN TIMBOG SA DROGA

ARESTADO ng mga operatiba ng Pasig City Police Station Drug Enforcement Unit, ang isang senior citizen sa isinagawang buy-bust operation noong Enero 6 sa F. Pasco Avenue, Brgy. Santolan, Pasig City. Kinilala ni PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, ang suspek na si alyas “BigBoy,” 60-anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay. Ayon kay Mangaldan, tinaguriang 9th high value individual (HVI) ang suspek, batay sa rekord ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Sinabi pa sa ulat, matapos ang sapat na panahon ng pagmamanman, kaagad nagsagawa…

Read More

PASLIT SUGATAN SA DELIVERY RIDER

NILALAPATAN ng lunas sa pagamutan ang isang 2-anyos na babaeng paslit makaraang masagi ng isang motorsiklo sa southbound lane ng Anacleto at Mayhaligue Streets, Sta. Cruz, Manila noong Linggo ng hapon Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injury ang 22-anyos na delivery rider na residente ng San Ildefonso, Bulacan. Habang ligtas na sa panganib ang paslit na si alyas “Elize”, residente ng Sta. Cruz, Manila, na mabilis na isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center. Base sa ulat ni Police Corporal Riddick Fajardo kay Police Major Jaime Gonzales,…

Read More

MAHARLIKA FUND DELIKADO SA NGCP

(BERNARD TAGUINOD) HINDI malayong malugi agad ang Maharlika Investment Fund (MIF) kapag pinasok ng mga ito ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na hindi pa nakokolekta ang kanilang atraso na aabot ng P200 billion. Ang NGCP na isinapribado noong 2009 kung saan 40% sa nasabing kumpanya ay pag-aari ng State Grid Corporation of China ay iniimbestigahan ngayon ng Kongreso dahil sa iba’t ibang paglabag sa kanilang prangkisa. Isa ito sa target ng Maharlika na paglagakan ng puhunan subalit agad na binalaan ni House ways and means committee chairman…

Read More

4TH IMPEACHMENT CASE VS SARA HINDI NAIHAIN

WALANG panibagong impeachment case na naihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kahapon laban kay Vice President Sara Duterte. Habang isinusulat ito ay walang impormasyon kung may grupo na nagbigay abiso sa Office of the Secretary General na maghahain ang mga ito ng impeachment case laban sa pangalawang pangulo. Unang sinabi ni House deputy minority leader France Castro sa media noong Linggo na may grupong maghahain umano ng ikaapat na impeachment case laban kay Duterte nitong Lunes, Enero 6. Ayon kay Castro, 10 hanggang 12 congressmen na karamihan ay mula sa…

Read More

MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA ITCZ WARNINGS PAALALA SA PUBLIKO

HINIKAYAT ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na huwag maliitin ang banta ng shear line at intertropical convergence zone (ITCZ), kung saan patuloy na nagdadala ng ulan at masamang panahon sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang shear line, isang boundary kung saan ang ‘warm at cold air masses’ ay nagtatagpo, ay lumilikha ng mga ulap ng ulan. Ang ITCZ, sa kabilang banda kung saan ang tinatawag na ‘trade winds’ mula sa kapwa hemispheres converge, ang dahilan kung bakit tumataas ang hangin at nagreresulta ng malakas na pag-ulan.…

Read More