LALAKI BINISTAY NG BALA

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa isang lalaking natagpuang walang buhay habang nakahandusay sa kalsada at tadtad ng mga tama ng bala sa ulo sa bayan ng Kawit sa lalawigan noong Martes ng umaga. Inilarawan ang biktimang nakasuot ng orange long sleeve na may naka-print na “RN Frried Alamang”, naka-jogger pants, puting tsinelas, at pink cap, at tinatayang nasa 20-30 anyos ang edad. Ayon sa nakakita sa biktima, dumaraan siya bandang alas-5:00 ng umaga sa Advincula Ave., Brgy, Batong-Dalig, Kawit, Cavite nang matagpuan niyang nakahandusay sa kalsada…

Read More

NAWAWALANG CARETAKER NATAGPUANG BANGKAY

CAVITE – Bangkay na nang matagpuan ang isang lalaking caretaker na tatlong araw nang nawawala sa bayan ng Gen. Emilio Aguinaldo sa lalawigan noong Martes ng hapon. Kinilala ang biktimang si alyas “Joel”, caretaker ng isang Allan Togu. Ayon sa chairman ng Barangay Lumipa, GMA, Cavite na si Jovy Gloriani, natagpuan ang bangkay ng biktima bandang alas-3:45 ng hapon sa Brgy. Lumipa, Gen. Trias City, Cavite, at ini-report nila sa pulisya. Nabatid sa imbestigasyon, iniulat na nawawala aang biktima simula pa noong Disyembre 7. Hindi naman binanggit sa ulat kung…

Read More

6.3K MAGSASAKA SA CAGAYAN, NA-RELIEVE SA P392-M UTANG

INIHAYAG ng Department of Agrarian Reform (DAR) na may kabuuang 6,300 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa lalawigan ng Cagayan, ang na-relieve sa utang na nagkakahalaga ng P392,675,939. Nabatid sa isang pahayag noong Martes, na 6,803 Certificate of Condonation with Release of Mortgage (CoCRoM) na sumasaklaw sa 6,303 ektarya ng lupa, ang ipinamahagi sa municipal gymnasium ng Solana noong Disyembre 9. Pinangunahan ni Senador Imee Marcos, kasama si Agrarian Reform Regional Director Primo Lara, ang pamamahagi. “Wala na kayong kailangang bayaran sa lupang ipinagkaloob sa inyo ng pamahalaan. Bukod dito,…

Read More

AKAP NIYAKAP SA BICAM

MISTULANG niyakap na rin ng mga senador ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos pumayag ang mga ito na ituloy ang nasabing programa sa susunod na taon. Sa ambush interview kay House Speaker Martin Romualdez sa Bicameral Conference Committee meeting sa Manila Hotel, kinumpirma nito na mananatili sa 2025 national budget ang P26 billion pondo ng AKAP na unang tinanggal ng Senado sa kanilang bersyon sa pambansang pondo. “Nagpapasalamat tayo sa kapwa nating mga congressmen at sa Senate na sinuportahan nila ‘yung AKAP.…

Read More

MANILA BAY RECLAMATION KINUWESTIYON SA SC

NAGPASAKLOLO kahapon sa Supreme Court ang grupo ng mga mangingisda at environmentalist para hilingin sa high tribunal na pigilan ang mapaminsalang dredging at reclamation sa Manila Bay. Dumulog sa pamamagitan ng inihaing Petitions for Writ of Kalikasan and Continuing Mandamus ang grupo ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) upang kwestiyunin ang umano’y malawakang pagkasira sa kapaligiran at kabuhayan ng mga mangingisda sa Manila Bay. Pinapipigilan nito sa Korte Suprema ang pinsalang dulot ng reclamation at dredging sa Manila Bay. Nais din nilang mapanagot ang Department of Environment…

Read More

TOURISM STAKEHOLDERS APEKTADO NG PAGPUTOK NG BULKANG KANLAON

APEKTADO na rin ang turismo sa ilang mga munisipalidad kasunod ng pagputok ng Mt. Kanlaon noong Disyembre 9, 2024. Ayon sa Department of Tourism (DOT), nakatanggap ang kanilang Regional Offices ng ulat na apektado ang tourism stakeholders dahil sa nararanasang matinding ashfall. Kabilang dito ang mga munisipalidad at bayan ng Negros Occidental, katulad ng La Castellana, La Carlota City, Bago City, at Murcia. Sa Negros Oriental, ang apektadong lugar ay kabilang ang Canlaon City. Bilang precautionary measure, ang tourist activities sa apektadong mga lugar ay sinuspinde gaya ng trekking, swimming,…

Read More

DAGDAG P2K INSENTIBO PARA SA HIGIT 1M DEPED PERSONNEL APRUB KAY BBM

MULA sa kasalukuyang P18,000, inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang karagdagang P2,000 insentibo para sa 1,011,800 pampublikong mga guro at non-teaching personnel. Ito ang ipinahayag ni Secretary Sonny Angara ng Department of Education (DepEd) na nagpaabot ng pasasalamat sa pangulo dahil magiging P20,000 na ang kabuuang Service Recognition Incentive (SRI). “Pinasasalamatan namin si Pangulong Marcos, Jr. sa kanyang walang katulad na dedikasyon upang iangat ang kapakanan ng ating mga guro at iba pang personnel,” sabi ni Angara. Sinabi pa ni Angara, makikipag-ugnayan siya kay Secretary Amenah Pangandaman ng…

Read More

Kalakaran sa Kongreso ATTY. RODRIGUEZ KONTRA SA LIQUIDATION BY CERTIFICATION

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TATRABAHUHIN ni dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez na mawalan ng bisa ang Concurrent Resolution No. 10 na nagbibigay pahintulot sa Senado at House of Representatives na mag-liquidate ng kanilang gastos sa pamamagitan lang ng certifications na nilagdaan ng mga mambabatas sa halip magsumite ng official receipts. Isa ito sa mga plano ni Atty. Rodriguez sakaling palarin na maluklok sa Senado sa 2025 midterm election. Sa isang pagtitipon kamakailan sa Brgy. Hall ng Barangay Balibago, Angeles City, kasama ang mga dumalong kinatawan mula sa Bataan, Aurora,…

Read More

TEVES MULING AAPELA SA TIMOR LESTE

BALAK maghain ng apela ang kampo ni dating Negros Oriental Congressman Arnulfo Teves Jr. sa korte sa Timor Leste. Sa isang press conference sa Malate, Manila, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng dating kongresista na inaasikaso na ng kanyang legal team sa East Timor ang hakbang para sa usapin ng pagpapabalik sa bansa ng dating mambabatas. Umaasa si Atty. Topacio na masisilip ng appellate court ang merito ng kanilang argumento. Sa ngayon aniya, malaya naman nakagagalaw si Teves sa naturang bansa at hindi naman ito nakakulong. Pero, hindi ito…

Read More