GAMER MINARDER SA COMPUTER SHOP

ANTIPOLO CITY – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng isang computer shop sa Antipolo City noong Miyerkoles. Kinilala ang biktimang si Biboy Montallana, alyas “Ace Dela Cruz”. Ayon imbestigasyon ng Antipolo City Police Station, bandang ala-una ng hapon, naglalaro ang biktima ng online scatter game sa isang computer shop sa Sitio Taguisan 1, Barangay Bagong Nayon 1, nang biglang dumating ang isang hindi kilalang lalaki at ito ay pinagbabaril. Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek na naglakad lamang palabas ng shop dala…

Read More

1 PATAY, 1 SUGATAN SA PAMAMARIL NG CAR SELLER

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa pamamaril ng isang car seller sa dalawang indibidwal na nagresulta sa kamatayan ng isa sa mga biktima sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi. Dead on the spot ang biktimang si Edzcel Lumboy, 46, may asawa, ng Brgy. San Lorenzo, Sta. Rosa, Laguna habang isinugod naman sa Asia Medic Hospital ang kasama nitong si alyas “Jackelou”, 44-anyos. Kinilala ang suspek na alyas si “Elmer”, isang ahente umano ng sasakyan, na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa salaysay ni Jackelou, nakipagtransaksiyon…

Read More

5 SUGATAN SA NAG-CRASH NA NAVY CHOPPER

KINUMPIRMA ng Philippine Navy na nag-crash land ang isa nilang Agusta Westland AW-109 nitong Huwebes ng umaga sa Sangley Airport sa Cavite habang nagsasagawa ng training and maintenance flight. Ayon kay Commander John Percie Alcos, tagapagsalita ng Philippine Navy, bandang alas-10:18 ng umaga ng mag-crash ang kanilang Naval Helicopter NH432 sa Sangley Aerodrome. “This is to confirm that one of our AW-109s crashed early this morning (kahapon) around 10:18 a.m. at the Sangley Airport,” ani Navy Public Affair Office chief. Sugatan subalit nasa maayos nang kalagayan ang dalawang piloto nito…

Read More

SPECIAL BODY VS PINOY BIRTH CERT NG CHINESE NAT’LS APRUB NA

PINAGTIBAY na sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magtatag ng special body na magkakansela sa Filipino birth certificate na inisyu sa mga Chinese nationals na sangkot sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at ilegal na droga. Walang tumutol nang isalang sa committee approval ang House Bill 11117 na mas kilala sa “Fraudulent Birth Certificate Cancellation Law” at nakatakdang iakyat na sa plenaryo sa susunod na linggo para sa ikalawa at ikatlong pagbasa. “A birth certificate is the most basic document a Filipino citizen must…

Read More

Pinalagan ng mga konsehal GRAB MAY ILLEGAL OPERATION SA LIPA CITY?

BINATIKOS ng mga konsehal ng Lipa City ang Grab Philippines sa illegal umanong pag-o-operate nito ng Grab Bike sa siyudad. Sa sesyon ng Sangguniang Panlungsod noong ika-4 ng Disyembre, tinalakay ng mga konsehal ang ginagawang ilegal na operasyon ng Grab Bike sa siyudad. Kailangan munang aprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang permit ng Grab Bike bago ito makapag-operate sa isang lungsod. Napag-alaman sa sesyon na maituturing na “kolorum” ang Grab Bike dahil wala itong pahintulot mula sa konseho ng Lipa City. Ipinatawag na ng Lipa City Council ang Grab Philippines para…

Read More

3 DIST. HOSPITALS HUMAKOT NG DOH AWARD

SINA Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo (from left) kasama sina SAH Director Dr. Grace Padilla at JASGH Director Dr. Merle Sacdalan-Faustino. TUMANGGAP ng karangalan ang tatlo sa district hospitals na pinatatakbo ng city government of Manila mula sa Department of Health (DOH) dahil naabot nito ang best practices bilang ‘Green and Safe’ health facilities. “We in the City of Manila are grateful to the DOH for this unique acknowledgement of our efforts to keep our health facilities green and safe and environmentally-friendly,” pahayag ni Manila Mayor Honey…

Read More

KONGRESO TUTULONG SA PAGPAPABABA NG PRESYO NG BILIHIN – ROMUALDEZ

TUTULONG na ang Kongreso para mapababa ang presyo ng mga bilihin lalo na sa mga pagkain. Tinukoy ni House Speaker Martin Romualdez, ang pagbuo at pagsama-sama ng limang komite ng Kongreso na mag-iimbestiga kung bakit mataas pa rin ang presyo ng mga pagkain gayong mababa naman ang presyo nito sa farmgate at presyo sa pandaigdigang kalakalan lalo na ang bigas. “Inatasan ko ang Committee on Ways and Means, Food and Agriculture, Trade and Industry, Food Security, at Social Services na alamin kung ang mataas na presyo ng bilihin ngayon ay…

Read More

Sa impeachment kay VP Inday ‘HUGAS-KAMAY’ NI MARCOS HINDI KINAGAT

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MARAMI ang hindi naniniwala na walang kinalaman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa inihaing impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Nauna nang inihayag ni dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo na itinanggi lamang ni Marcos ang hakbang upang hindi siya mapagbintangan na siyang may pakana ng impeachment. “Regardless of the statement of PBBM to Congress not to file the impeachment complaint against VP Sara-she will still be impeached; because that’s the political agenda,” aniya. “He is only saying that, so he could not…

Read More

Tuloy-tuloy rin ang ayuda at Pamaskong handog na 5-kilo rice sa bawat pamilyang Pasigueño “12 DAYS OF CHRISTMAS” FREE CONCERT SAGOT NI DISCAYA SA MGA PASARING NI MAYOR VICO

“TWELVE Days of Christmas” free concert at tuloy-tuloy na ayuda sa maralitang Pasigueños ang naging tugon ni mayoralty aspirant Sarah Discaya sa mga pasaring ni Mayor Vico Sotto kung sino ang nasa likod ng mga mapanirang balita laban sa alkalde. “Wala kaming kinalaman at lalong wala kaming panahon sa mga isyung negatibo na ipinahihiwatig ng butihing alkalde na gawa namin… kasi abala kami sa pagbigay ng tulong sa kapus-palad nating kababayan… at kung paano natin sila mapasaya nitong Kapaskuhan,” pahayag ng kampo ni Discaya. Reaksiyon ito ni Sarah Discaya, na…

Read More