IGINIIT kahapon ng high tribunal na pwedeng gamiting ebidensya sa criminal case ang mga chat log at videos. Sinabi rin ng Supreme Court na hindi ito maituturing na paglabag sa right to privacy ng isang akusado. Ito ang nakasaad sa desisyon na pinonente mismo ni Associate Justice Mario V. Lopez. Kasunod ito ng desisyon na napatunayang guilty ng second division ng Korte Suprema sa kasong qualified trafficking in persons sa ilalim ng Anti-Trafficking of Persons Act si Eul Vincent O. Rodriguez, gamit ang Facebook at ibang online platform. Sinentensyahan siya…
Read MoreCategory: BALITA
12-TAONG KULONG SA MANGONGONTRATA NG KILLER
MAKUKULONG ng hanggang 12 taon ang sinomang mangongontrata ng assassin o hired killer para patayin ang taong kinamumuhian o kalaban kahit hindi ito naisakatuparan. Ito ang nilalaman ng House Bill (HB) 11166 o “Anti-Solicitation of Murder Act” na inihain kahapon ni House deputy majority leader Jude Acidre kasunod ng pahayag ni Vice President Sara Duterte na kumausap na umano siya ng killer na papatay kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez kapag siya ay napatay. “Ang House Bill No. 11166 ay…
Read MoreRETIREMENT AGE NG PULIS, GAGAWING 57 YO
LUMUSOT na sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang dagdagan ng isang taon ang serbisyo ng officers and non-officers ng Philippine National Police (PNP) bago sila obligadong magretiro. Ito ang nilalaman ng House Bill (HBO 11140 na pinagtibay sa House committee on public order and safety at nakatakdang iakyat na sa plenaryo ng Kamara para pagtibayin sa ikalawa at ikatlong at huling pagbasa. “Ang pagpapalawig ng mandatory retirement age para sa PNP ay makatutulong upang matugunan ang pangangailangan ng ating bansa para sa mga pulisya na may…
Read MoreBabala ng NDRRMC-OCD ‘WAG BALEWALAIN EPEKTO NG SHEAR LINE, MAGING ALERTO
NANAWAGAN ang Office of Civil Defense (OCD) sa publiko na huwag ipagsawalang-bahala ang mga panganib na dulot ng shear line na nagdadala ngayon ng malawakang pagbaha sa maraming lugar sa bansa. Ayon kay Usec. Ariel Nepomuceno, Civil Defense Administrator, “As we engage in worst-case scenario planning, it is crucial for everyone to heed the warnings regarding the current weather systems affecting our regions.” Ang shear line ay bunga ng pagsasalubong ng malamig na hangin mula sa hilagang silangan, kilala bilang northeast monsoon o amihan, at ng easterlies, ang mainit na…
Read MoreROCKET DEBRIS NG CHINA POSIBLENG BUMAGSAK SA PALAWAN
NAGBABALA ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga taga-Palawan hinggil sa posibilidad na pagbagsak ng rocket debris sa kanilang lugar kasunod ng rocket launch ng People’s Republic of China. Sa inilabas na abiso ng NDRRMC, nakatakda ang Long March 12 rocket launch mula Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan China mula alas-8 ng gabi hanggang alas-12 ng madaling araw sa pagitan ng November 30 hanggang December 5, 2024, kung saan inaasahan ang drop zone nito ay sa bahagi ng Rozul Reef at Quezon, Palawan.…
Read MoreISA PANG IMPEACHMENT CASE VS SARA ISINAMPA
ISA pang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte ang ang pormal na inihain kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na inendorso ng tatlong mambabatas mula sa Makabayan bloc. Ito ang pangalawang impeachment case na isinampa laban kay Duterte dahil noong Lunes, December 2, 2024 ay naunang nang naghahain ng reklamo ang Civil Society Group. Gayunpaman, kumpara sa unang impeachment complaint, tanging ang betrayal of public trust ang nilalaman ng pangalawang kaso na inihain ng 75 complainants mula mula sa iba’t ibang progresibong grupo sa pangungunan ng Bayan Muna.…
Read MoreCOC NG SAN PASCUAL, BATANGAS MAYORALTY BET PINAKAKANSELA
PINASASAGOT ng Commission on Elections 2nd Division si San Pascual, Batangas mayoralty candidate Arlene Bantugon-Magboo kaugnay sa inihaing petisyon ni Danilo A. Aldovino laban sa kanya. Pirmado ni Atty. Genesis M. Gatdula, Clerk of the Commission ang summon na inilabas noong Nobyembre 28, 2024, at inaatasan si Magboo na magsumite ng isang Verified Answer cum Memorandum sa loob ng limang (5) araw mula sa araw ng pagtanggap nito. Inihain ang petisyon alinsunod sa Seksyon 78 ng Omnibus Election Code na humihiling na kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ni Magboo…
Read MoreCOA, ADB MAGTUTULUNGAN PARA SA MAS EPEKTIBONG PAG-AUDIT SA FOREIGN-ASSISTED PROJECTS
NAGPULONG ang mga opisyal ng Commission on Audit (COA) at Asian Development Bank (ADB) para talakayin ang mas maigting na pag-audit sa mga foreign-assisted projects, public debt audit at reporma sa Public Financial Management (PFM). Bahagi ng agenda sa idinaos na pulong ang PFM Inter-Agency Initiative for Green Lane Fiduciary Arrangements na parte ng international commitments ng COA. Sa pangunguna ni COA Chairperson Gamaliel A. Cordoba, nagbigay ang COA ng pagsusuri sa mga proyektong pinopondohan ng ADB. Pinuri naman ng ADB ang papel ng COA para matiyak na epektibo at…
Read MorePUBLIKO PINAG-IINGAT SA ONLINE SHOPPING
HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Party-list, ang mamimili na tangkilikin ang mga lokal na produkto at suportahan ang maliliit at katamtamang laki ng negosyo (SMEs) lalo na ngayong kapaskuhan. Ipinaalala rin niya sa mga consumer na maging mapanuri sa kalidad ng mga imported na produkto at mag-ingat sa lumalalang banta ng mga online scam. “Sa Paskong ito, magsikap tayong mamili ng mga lokal na produkto,” sabi ni Poe sa isang pahayag. “Bagaman ang mga imported na produkto ay maaaring tila mas mura at nag-aalok…
Read More