Grupo ng magsasaka ubos na pasensya PINOY PINAPATAY NI BBM SA GUTOM AT KAHIRAPAN

(BERNARD TAGUINOD) “PINAPATAY sa kagutuman at kahirapan ni (Pangulong Ferdinand “Bongbong”) Marcos Jr., ang mamamayang Pilipino, lalo na ang mga maralitang konsyumer.” Ganyan inilarawan ng grupong Amihan ang sitwasyon sa ilalim ni Marcos matapos maitala sa survey ng Social Weather Station (SWS) na 63% sa pamilyang Pilipino ang mahirap. Ito ang pinakamataas na poverty rate sa nakaraang dalawang dekada kaya ayon sa secretary general ng Amihan na si Cathy Estavillo ay dapat nang magkaisa ang sambayanang Pilipino na labanan ang anti-poor policies ng Pangulo. “Mula nang maupo siya, hindi naramdaman…

Read More

WAGE HIKE IMBES DAGDAG NA KONTRIBUSYON

IGINIIT ng isang mambabatas sa Kamara na iprayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang national minimum wage increase sa mga manggagawang Pilipino imbes magdagdag ng kontribusyon sa Social Security System (SSS). Kasabay nito, umapela si Rep. Perci Cendaña sa Malacanang na suspendihin ang dagdag na SSS contribution habang nasa gitna ng kahirapan ang mahigit kalahati sa pamilyang Pilipino dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo publiko. “Humingi ‘yung mga tao ng taas-sweldo, pero ang nakuha nila contribution hike? This increase is insensitive to the demands…

Read More

DUTERTE PURGE: PARA SA POLITICAL SURVIVAL NI BBM

(BERNARD TAGUINOD) HINDI para sa seguridad ng Pilipinas kundi para sa kanyang political survival kaya nireogranisa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang National Security Council (NSC). Ito ang paniniwala ni dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares matapos tanggalin ni Marcos ang Vice President at mga dating pangulo ng bansa bilang miyembro ng NSC sa pamamagitan ng Executive Order (EO) 81. Partikular na tinamaan dito sina Vice President Sara Duterte at ama nitong si dating pangulong Rodrigo Duterte na ikinokonsiderang ‘purging’ ng isang political analyst. “The removal of Vice…

Read More

Ngitngit ng taumbayan dadalhin sa Malacañang PAGPIRMA NI MARCOS SA ‘MOST CORRUPT’ BUDGET PAPALAGAN

(BERNARD TAGUINOD) IMBES ipagbunyi, protesta ang isasalubong sa pagpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa 2025 national budget ngayong araw, December 30. Nabatid sa militanteng grupo na kaalyado ng Makabayan bloc sa Kamara na susugod ang mga ito sa Malacañang para iprotesta ang P6.352 Trillion national budget na tinaguriang pinaka-korup sa kasaysayan ng bansa. Unang itinakda ang ceremonial signing sa pambansang pondo noong December 20 subalit inatras ito matapos palagan ng taumbayan ang pagkaltas ng P10 billion sa budget ng Department of Education (DepEd). Hindi matanggap ng lahat na…

Read More

P6.3-T BUDGET PARA SA KAPRITSO NG PANGULO, MGA KAALYADO

LUMALAKI at lumalawak na ang galit ng sambayanang Pilipino dahil isinakripisyo ang kalusugan at edukasyon ng mga ito para sa kapritso ng political allies umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Nanawagan kami sa pamunuan ng Kamara at Senado na tugunan ang lumalaking galit ng publiko sa pamamagitan ng agarang muling pagtitipon ng bicameral conference committee,” ani ACT party-list Rep. France Castro. Ayon sa mambabatas, habang idinedepensa ng mga kaalyado ni Marcos ang pagbokya sa subsidy ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) at pagtapyas sa pondo ng Department of Education…

Read More

Sa dami ng pumapalag BBM NAGPRENO SA PAGPIRMA SA 2025 BUDGET

NAUDLOT ang target date sana para sa paglagda sa 2025 General Appropriations Bill (GAB) upang bigyan ng mas maraming oras at panahon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang “rigorous and exhaustive” na pagrerebisa at paghimay sa batas. Sa isang kalatas, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na wala pang pinal na petsa para sa paglagda ng GAA na may P6.352 trillion national expenditure para sa fiscal year 2025. “The scheduled signing of the General Appropriations Act on December 20 will not push through to allow more time…

Read More

WORLD CLASS AFP TARGET NI PBBM

“LAGI natin alalahanin na ang bawat hamon ay bahagi ng mas dakilang layunin. Sa bawat hakbang, ang inyong serbisyo ay hindi lamang tungkulin—ito ay panata para sa bayan, isang handog para sa bawat Pilipino na umaasa sa inyong husay, tapang, dangal, at malasakit.” Ito ang mahigpit na tagubilin ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr, ang commander in chief ng Armed Forces of the Philippines, sa 610 bagong mga opisyal ng Philippine Army, Navy, at Air Force, sa ginanap na Joint Graduation Ceremony ng Major Services Officer Candidate Course ng AFP…

Read More

VP Sara sa mga kongresista: MARCOS BUSISIIN DIN PAANO GINAGASTA PERA NG BAYAN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINAMON ni Vice President Sara Duterte ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na imbestigahan din ang Office of the President kung paano nito ginugol ang kanyang confidential at intelligence fund noong 2023. Kasunod ito ng ulat ng Commission on Audit (COA) na nangunguna sa paggasta ang tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Duterte, kung pakay talaga ng Kamara sa pagbusisi sa pondo ng kanyang tanggapan ay makabuo ng batas hinggil sa confidential funds dapat ay imbestigahan lahat maging ang tanggapan ni Marcos…

Read More

HIGIT P4-B CONFI, INTEL FUNDS NAUBOS NI MARCOS NOONG 2023

(CHRISTIAN DALE) TOP spender ang Office of the President (OP) pagdating sa confidential and intelligence funds nito noong 2023. Sa katunayan, gumugol ang tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng P4.57 billion na confidential at intelligence expenses noong 2023, ayon sa Commission on Audit (COA) Annual Financial Report. Ang CIE expenses noong nakaraang taon ay bahagyang mas mataas kaysa sa P4.51 billion noong 2022. Sa kabuuan, P2.2 billion ay para sa confidential expenses, P2.3 billion ay para naman sa intelligence expenses at P10,052,747.65 para naman sa extraordinary at miscellaneous expenses.…

Read More