PIMENTEL TINULUYAN SA QUARANTINE VIOLATIONS

IPINASA na ng Department of Health (DOH) sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation ang reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel kaugnay sa kanyang paglabag sa quarantine protocols. Sa virtual press briefing, Biyernes ng umaga, inanunsyo ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, ang aksyon ng ahensya matapos matanggap ang reklamong inihain ni Atty. Rico Quicho. Matatandaang hinagupit ng netizens si Pimentel dahil nagawa pa nitong gumala sa kabila na pinaghihinalaan siyang dinapuan ng COVID-19. Isang PUI o person under investigation si Pimental nang ihatid nito sa Makati Medical…

Read More

Tiniyak ng IATF kay PDuterte NEGOSYO KAYANG BUKSAN KAHIT MAY PANDEMYA

TINIYAK ng Inter-Agency Task Force (IATF) kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kayang buksan ang kalakalan sa gitna ng nararanasan pa ring banta dala ng COVID-19 pandemic. Pahayag ito ng IATF kay Pangulong Duterte na kumonsulta sa Task Force para sa ginagawang pag-arangkada ng mga negosyo sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nasa ilalim ng GCQ. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, mismong ang Punong Ehekutibo ang nagtanong kung kakayanin na ba talagang mag-business as usual. Aniya, wala naman problema basta’t ipatupad lang ang localized lockdown at dapat din…

Read More

DSWD RED TAGGING SEMINAR, STYLE PALPARAN

INILARGA ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang seminar laban sa mga militanteng grupo na katulad ng ginawa ni dating Army Gen. Jovito Palparan noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Kasabay nito, binakbakan ng militanteng grupo sa Kamara ang DSWD dahil imbes na ipokus ang kanilang atensyon sa pagtulong sa mga taong apektado sa COVID-19 pandemic ay inuubos umano ng mga ito ang kanilang oras para sirain at i-red tag ang mga kritiko ng gobyerno. Ginawa nina Bayan Muna party-list Reps. Carlos Zarate at Eufemia…

Read More

Rekomendasyon kontra COVID-19, walang bago – Sec. Roque LENI PARANG SIRANG PLAKA

MISTULANG sirang plaka na inuulit lang dahil walang bago sa naging rekomendasyon ni Vice President Leni Robredo sa pamahalaan kaugnay sa kung paano pagbubutihin ang pagtugon sa COVID-19 pandemic. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga rekomendasyon ni Robredo ay matagal nang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force ng pamahalaan. Nauna rito, lumiham si Robredo kay Sec. Roque na naglalaman ng mga suhestiyon hinggil sa procurement ng test kits, paghawak ng locally stranded individuals, pagu-ulat ng kaso ng Department of Health (DoH) at pag-adopt sa service contracting para sa mga…

Read More

PINAS UMAASANG MABAHAGINAN NG COVID-19 VACCINE NG RUSSIA

UMAASA ang Malakanyang na kabilang ang Pilipinas sa mababahaginan ng Russia matapos mapaulat na natapos na nito ang pagsusuri sa posibleng kauna-unahang gamot laban sa COVID-19. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, batid naman ng lahat na hangga’t walang natutuklasang vaccine kontra COVID ay hindi magbabalik sa normal ang pamumuhay sa Pilipinas at maging sa buong mundo. Aniya, batay sa ipinatutupad na foreign policy ni Pang. Duterte, ang Pilipinas ay kaibigan ng lahat at hindi kalaban ng kahit sinumong bansa. Kaya umaasa ang pamahalaan na sakali’t may natuklasan na ngang…

Read More

Kaso ng COVID-19 tuloy sa paglobo ILANG LUGAR IBABALIK SA ECQ

ISASAILALIM sa mas mahigpit na quarantine protocol ang ilang lugar sa bansa pagkatapos ng Hulyo 15. Ito ang inanunsiyo ni National Task Force on COVID 19 Chief implementer Carlito Galvez sa gitna ng aniya’y tumataas na kaso ng severe at critical COVID cases. Bukod dito, sinabi ni Galvez na may mga pagamutan sa National Capital Region ang napupuno na rin. Sa kabilang dako, sinabi naman ni DOH Undersecretary Bong Vega na naka-monitor sila sa mga pagamutan sa Metro Manila gayundin sa Cebu at ito’y sa gitna aniya ng pagdami ng…

Read More

COMPREHENSIVE PLAN VS COVID-19, PINALALATAG SA DOH

HINIKAYAT ni Senador Richard Gordon ang pamahalaan, partikular ang Department of Health (DOH) na kaagad maglatag ng kumprehensibong plano upang labanan ang corona virus 2019 (COVID-19) sa harap ng banta ng mga health expert na mananatili ang virus) tulad ng ibang sakit, kahit may natuklasang vaccine. Sa pahayag, sinabi ni Gordon na dapat may grand plan o pangkalahatang plano kabilang ang mga health strategy upang makontrol ang COVID-19 na alam naman ng lahat ng mananatili sa buong mundo. “Unang-una, kailangan meron tayong grand plan on how we are going to…

Read More

DOH SINISI SA PAGSIRIT NG COVID-19 CASES

WALANG ibang sinisisi si Senador Panfilo “Ping” Lacson kundi ang Department of Health (DOH) kung bakit sumirit sa libu-libo ang nagiging positibo sa corona virus 2019 (COVID-19) dahil may malaking pagkukulang sa pagtugon laban sa sakit. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na kung noong Marso, umaabot lamang sa 200 biktima kada araw ang naitatala dahil kakaunti ang PCR testing facility, di tulad ngayon na hamak na marami na sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa. “The mere fact na tumataas ang kaso ng nagpa-positive, mukhang may pagkukulang nang malaki ang…

Read More

COVID-19 UPDATE 14 DAYS LOCKDOWN

ISASAILALIM sa labing apat na araw na lockdown ang tatlong tanggapan ng Task Force Against Trafficking (NAIATFAT) at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang apat na tauhan ng mga ito na isinailalim sa swab test noong Hulyo 2 sa Philippine General Hospital (PGH). Ang tatlong tanggapan naman nito sa NAIA Terminal 1, 2 at 3 ay agad isasailalim sa disinfection at cleansing procedure sa loob ng 14 days quarantine period. Dahil sa pagpopositibo sa COVID-19 ng ilang enpleyado…

Read More