HALOS siyam sa bawat sampung Filipino ang nangangamba sa posibilidad na tamaan ng coronavirus disease ang sinumang miyembro ng kanilang mga pamilya. Ito ang nabatid sa isinagawang pag-aaral hinggil sa nangyayaring pandemda sa nasabing nakahahawang sakit. Ayon sa sinagawang pag-aaral ng Social Weather Station, 85 porsyento ng mga Pinoy ang nangangamba na mahawahan ang kanilang pamilya ng COVID-19. Sa inilabas na resulta ng SWS survey nitong Huwebes, nabatid na 1,555 adult Filipino ang sumailalim sa pagtatanong ng SWS at 85 percent nito ang nagsasabing natatakot sila na baka mahawahan ang…
Read MoreCategory: COVID-19
14M TAGA-METRO MANILA ISASALANG SA COVID-19 TESTING
TINIYAK ni Testing czar Vince Dizon na 14 million katao mula sa Metro Manila ang maisasailalim sa Polymerase Chain Reaction (PCR) pooled testing. “Kakayanin po kung gagamitin natin ang pooled testing at tingin ko po ay lalabas na yan sa review ng Department of Health,” ayon kay Dizon. Ang pooled testing, ani Dizon ay ginagamit kapag sa isang grupo halimbawa ng mga OFW ay pwedeng pagsamahin ang mga sample ng sampu o kahit dalawampung OFW. Kapag negative aniya ang isang test mula sa sampu o dalawampu ay negative na aniya…
Read MoreEMPLOYERS NG MGA TATAMAAN NG COVID-19, ‘DI DAPAT KASUHAN
IPINALILIGTAS ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa anomang kaso ang mga private employer na magkakaroon ng empleyado na magpopositibo sa COVID-19 sa kanilang trabaho. Nilinaw naman ni Sotto sa kanyang Senate Bill No. 1515 o ang proposed “Employer’s Liability Protection from Covid-19 Act” na hindi ito “absolute blanket shield” sa anomang pananagutan para sa mga employer dahil hindi saklaw ng panukala ang kasong krimen. Binigyang-diin ni Sotto na kailangan nang muling palakasin ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng krisis na dala ng COVID-19 pandemic. Sinabi ng senador…
Read More10M Pinoy sa 2021 ang target DOH ATRAS SA MASS TESTING
HINDI kakayanin ng Department of Health (DoH) na isailalim sa COVID-19 testing ang lahat ng mga Filipino. Matunog na ‘no’ ang sagot ni Health Secretary Francisco Duque III nang tanungin siya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung makakaya bang isailalim sa COVID testing ang lahat ng mamamayang Filipino. “Do we have the capacity to do the testing for every citizen in this country?” ang tanong ni Pangulo Duterte. “Hindi naman po natin puwedeng i-test ang bawat mamamayan, wala naman pong bansa na nakakagawa nito, kahit na po ang pinakamayaman katulad…
Read More9 drug lords, 20 iba pa namatay sa loob ng isang buwan? ‘MULTO’ SA BILIBID PALULUTANGIN
LALONG umiingay ang nabunyag na pagkamatay ng ilang high profile inmates sa National Bilibid Prison (NBP) dulot ng mga pagdududang bumabalot sa kontrobersya kaya itinutulak ang mabusising paghimay rito sa mabababa at mataas na kapulungan ng Kongreso. Diumano, umaabot sa 29 inmates o People Deprived with Liberty (PDLs) ang namatay sa COVID-19 sa nakalipas na mahigit isa’t kalahating buwan base sa kumalat na listahan, na kinabibilangan ng high profile inmates tulad ni Jaybee Sebastian at ilang Chinese drug lords. Base sa dokumento na nakuha ng mga mamamahayag, naitala umano ang…
Read MoreUNAHIN ANG SOLUSYON SA COVID-19 – SOLON
SA halip na gumawa ng kaukulang hakbang para masolusyunan ang pagkalat ng COVID-19 pandemic ay mas inuna pa ng pamahalaan ang pagtanggal sa libu-libong manggagawa. Ito ang iginiit ni Senador Risa Hontiveros kung saan sa halip umanong isentro ang paglaban sa COVID-19, trabaho ng mahigit 11,000 workers ng ABS-CBN ang nanganganib mawala. Aniya, hindi pa kasama rito ang mga maaapektuhang tricycle drivers, karinderya, manininda, at iba pang naghahanapbuhay sa kahabaan ng Mother Ignacia Avenue. “Hindi totoong na-dismantle ang oligarkiya. Ang na-dismantle ay ang buhay ng mga ordinaryong manggagawa. Solusyon sa…
Read More1 TODAS, 349 IPINOSAS SA NAVOTAS LOCKDOWN
UMABOT sa 349 pasaway ang dinampot dahil sa paglabag sa mga ordinansa, habang isa namatay, at lima ang gumaling sa COVID-19, samantalang 22 ang nadagdag na bagong kaso ng nasabing sakit sa lungsod ng Navotas kahapon, unang araw ng 14-araw na ipinatutupad na citywide lockdown. Nabatid kay Mayor Toby Tiangco, ang mga sinuway na mga ordinansa ay ukol sa pagsusuot ng face mask na natatakpan ang ilong at bibig, pagsunod sa 1-2 metrong physical distancing o hindi pagkukumpulan, 24-oras na curfew ng mga batang wala pang 18-anyos, at iba pang…
Read More14 MILYON TINAMAAN NG COVID-19 WORLDWIDE
UMAABOT na sa halos 14 milyon ang mga tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Sa pinakahuling datos, 13,937,253 na ang global cases ng tinamaan ng virus. Nabatid na nakapagtala ng mahigit 240,000 bagong kaso sa magdamag. Ang Estados Unidos pa rin ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 3,694,948 matapos itong madagdagan ng mahigit 73,000. Pangalawa ang Brazil na may mahigit 43,000 bagong kaso habang mahigit 35,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India. Umakyat naman ang South Africa sa pang-anim na sa mga bansa na may…
Read MoreDahil sa bilyong ayuda laban sa COVID-19 KASONG KRIMINAL VS AYALA AT MVP, INATRAS
HINDI na itinuloy ng pamahalaan ang mga kasong kriminal na isasampa sana laban sa mga pangunahing pinuno ng Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company Inc. Inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque Jr. na pinaatras ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kaso laban kay Manny V. Pangilinan (MVP) at mga Ayala dahil bilyun-bilyon ang inihatag ng mga kumpanya ng mga ito sa administrasyon bilang ayuda laban sa coronavirus disease-2019 (COVID-19). Ibinunyag ito ni Roque upang malinawan ang publiko kung bakit wala nang nababalitang aksyon ang pamahalaan laban kina MVP…
Read More