TANGGAP ng Malakanyang na malaki talaga ang mawawala sa ekonomiya ng bansa kasunod ng desisyon na isailalim sa ECQ ng 2 linggo ang National Capital Region (NCR). Ito ang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng ulat na nasa P1.5 bilyon ang halagang mawawala sa NCR pa lamang sa kada linggong pagpapatupad ng lockdown. Inamin ni Sec. Roque na sadyang napakamahal ng halaga ng lockdown subalit kailangang gawin dahil sa tumataas na kaso ng tinatamaan ng COVID-19. “Naiintindihan po namin na talagang napakamahal ng halaga ng lockdown, pero…
Read MoreCategory: COVID-19
11.2M PINOY BAKUNADO NA
PUMALO na sa 11.2 milyong Filipino ang fully vaccinated “as of August 8,” limang buwan matapos simulan ng pamahalaan ang vaccination program noong Marso 2021. “Almost 13 million have taken their first dose while 11.2 million Filipinos are now fully vaccinated, representing 15.88% of the targeted eligible population… and also 10.13% of the total Philippine population,” ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa isang panayam matapos dumating sa bansa ang 326,400 doses ng Moderna vaccines. Ang target na eligible population ay iyong nasa age group na 18 taong gulang…
Read MoreCOVID CASES SA CALABARZON UMAKYAT SA 216,233
LAGUNA – Umabot na sa 216,233 ang cumulative cases ng COVID-19 ng Calabarzon Region, ayon sa ulat ng DOH-Calabarzon nitong Lunes. Base sa talaan ng DOH RESU (Regional Epidemiology and Surveillance Unit), pumalo na sa 14,222 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 habang gumaling na ang 195,514 at 6,496 ang mga namatay. Ayon sa Regional Temporary Treatment ang Monitoring Facility (TTMF), nananatili sa Calabarzon Mega-quarantine facility ang 319 pasyenteng may COVID habang sa Carmona Mega Isolation Facility naman ay 34 pasyente ang naroon. Mayroong kabuuang 6,999 total number of beds ang TTMF…
Read MoreBakunado ng Sinovac VICE MAYOR LACUNA SAPUL SA COVID- 19
SA kabila na bakunado ng Sinovac, nagpositibo sa COVID-19 si Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan. Gayunman, nag-negatibo naman si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sumailalim din sa swab test. Mismong si Vice Mayor Lacuna ang naghayag ng kondisyon niya sa isang opisyal na pahayag. “Sa kabila ng matinding pag-iingat ay hindi ko lubos na inaasahan ang nakalulungkot na resulta. Dahil dito, kinakailangan kong pasumandaling magpahinga at magpagaling. Inaasahan ko po ang inyong pag-unawa at hinihiling ko ang inyong panalangin para sa ating lahat,” ayon kay Lacuna. Kasabay nito,…
Read MoreHIGIT 4K SEAFARERS NABAKUNAHAN
UPANG makababalik sa kanilang trabaho sa barko, halos 4,000 seafarers ang nabakunahan ng Moderna and Janssen COVID-19 vaccines sa ilalim ng partnership ng MARINA o Maritime Industry Authority at ng Office ni Sen. Cynthia Villar. Ayon kay Villar, muli silang kikita ng pera para sa kanilang pamilya bukod sa protektado na sila laban sa covid-19 at mga variant nito. Binigyan diin ni Villar na kabilang ang Filipino seafarers sa hard-hit maritime industry ng coronavirus pandemic na nagresulta sa pagbagsak ng ekonomiya sa buong mundo. “The impact of this global health…
Read More11 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CALOOCAN, MALABON
UMABOT sa 11 ang naitalang namatay sa Caloocan City at Malabon City noong Agosto 7 habang lumobo sa 1,317 ang active cases sa dalawang siyudad. Mula 1,138 noong Agosto 3 ay nadagdagan ng anim at naging 1,144 ang total deaths sa Caloocan City. Umakyat naman sa 627 ang active cases sa dalawang lungsod matapos na 144 bagong kaso ang naitala. Pumalo na sa 40,476 ang total confirmed cases sa Caloocan, at sa nasabing bilang ay 38,705 na ang gumaling. Lima naman ang namatay sa Malabon at pumanhik na sa 481 ang COVID…
Read MoreLaban sa “highly transmissible” COVID-19 strains CRISIS ACTION PLAN BINUHAY NG NTF AT IATF-EID
BINUHAY ng National Task Force (NTF) against COVID-19 at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID) ang crisis action plan para epektibong mapigilan at mabawasan ang “highly transmissible COVID-19 strains,” gaya ng Delta variant, habang ang National Capital Region at iba pang lugar ay nasa ilalim ng lockdown. “Our Crisis Action Plan’s mission shall be the implementation of contingency operations in preparation for and response to an exponential increase in COVID-19 (coronavirus disease 2019) cases due to the emergence of new variants at the national…
Read More3 PANG DELTA VARIANT CASES NADAGDAG SA BULACAN
PITO na ang kabuuang kaso ng COVID-19 Delta variant sa lalawigan ng Bulacan matapos maitala ang panibagong tatlong kaso nitong Biyernes at inaasahang madadagdagan pa dahil sa bilis ng local transmission nito kasunod ng patuloy pang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa nasabing probinsiya. Sa update datos ng Bulacan COVID-19 Provincial Task Force (PTF), ang tatlong bagong positive Delta variant ay mula sa bayan ng Pandi, Guiguinto at Lungsod ng Malolos habang ang naunang mga kaso ay mula naman sa San Ildefonso, Plaridel, Sta. Maria at Lungsod ng San…
Read MoreApela sa mga tatay MGA TSIKITING IKULONG SA BAHAY
NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga padre de pamilya na gumamit na ng baston kung kakailanganin para huwag palabasin ang kanilang mga tsikiting ngayong nagsimula na ang ECQ sa Kalakhang Maynila. Ang ECQ, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay tatagal ng dalawang linggo mula Agosto 6 hanggang 20. Kung kailangan aniyang gumamit ng baston ay gamitin ito sa gitna ng target na mapababa ang pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant. “Kaya nga po ang panawagan ko sa mga hepe ng pamilya, mag-declare na po kayo ng household lockdown at ipatupad…
Read More