AMINADO ang Department of Interior and Local Government (DILG) na mahihirapan itong gawan ng swab test ang mga taong dumagsa sa iba’t ibang malls at vaccination sites sa Kalakahang Maynila nitong Huwebes. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya, na mahihirapan silang magsagawa ng contact tracing sa mga nagpunta sa mga lugar ng Maynila, Las Pinas at Antipolo at gawan ang mga ito ng swab test para masiguro na hindi infected sa COVID-19 dahil ang report mula sa Manila LGU ay inihatid ang iba sa mga…
Read MoreCategory: COVID-19
Libreng bakuna gamit sa pamumulitika, stampede sa Maynila muntikan na GIMIK NI ISKO COVID SUPER SPREADER
(SAKSI NEWS TEAM) NAUDLOT ang panunumpa kahapon ni Manila Mayor Isko Moreno sa Aksyon Demokratiko matapos magkagulo sa ilang vaccination sites sa lungsod nang dumagsa ang mga taong nais magpabakuna. Base sa mga video na kumalat sa social media, nagsilbing superspreader event ang pagbubukas ng vaccination sa iba’t ibang mall sa Maynila dahil mistulang hindi mahulugan ng karayom nang dumagsa ang mga residente na muntik pang humantong sa stampede. Puna rin ng ilang netizens, sa mga estilo ni Moreno ay tila nagagamit ang libreng bakuna sa pulitika. Nauna nang inilunsad…
Read MorePatunay na kulang ang supply – solon AGAWAN NA SA BAKUNA
MULING napatunayan na hindi natatakot ang mga tao sa COVID-19 vaccines bagkus ay kulang ang supply ng bakuna at limitado ang vaccination centers. Ito ang reaksyon ni ACT party-list Rep. France Castro nang halos magkaroon ng stampede sa ilang vaccination centers sa Metro Manila sa dami ng mga taong sumugod upang mabakunahan bago mag-lockdown. “Patunay ito na hindi hesitant ang mga Pilipino sa bakuna. Sana damihan ang mga vaccination center at vaccinators para hindi naiipon sa iisang lugar ang mga tao,” ani Castro. Bukod dito, muling napatunayan na kulang na…
Read MoreMANILA COVID-19 FIELD HOSPITAL, 65% OKUPADO
MABILIS ang nakikitang paglobo ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila, batay na rin sa pinakahuling datos na nagsasabing nasa 65% na ang occupancy rate ng Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta, mahigit isang buwan mula nang ito’y magsimula ng operasyon. Kasabay nito, isang pasasalamat naman ang ipinaabot ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa libong volunteers na tumugon sa inilunsad na “Bayanihan sa Maynila” para sa walang puknat na pagbabakuna sa kabisera. Sa ilalim ng itinakdang “walang tulugan” vaccination ng lungsod, nagtalaga ng tatlong…
Read MoreKONGRESO TIGIL TRABAHO SA ECQ
TIGIL ang trabaho sa mababang kapulungan ng Kongreso sa sandaling isailalim na ang Metro Manila sa ECQ. Sakop nito hindi lamang plenary session ng mga mambabatas kundi halos lahat ng tanggapan sa Batasan Pambansa. Ito ang nilalaman ng memorandum na inilabas ni House secretary general Mark Llandro Mendoza base na rin umano sa kautusan ni House Speaker Lord Allan Velasco. Mula bukas, Agosto 5, ay tigil na ang trabaho sa tanggapan ng mga mambabatas at maging sa ibang opisina sa Kapulungan maliban sa ilang empleyado na kailangang mag-report lalo na…
Read MoreKung hindi sasabayan ng ayuda at bakuna ECQ PAHIRAP LANG SA PINOY
(BERNARD TAGUINOD) “SANA yung ECQ at lockdown na idineklara nila ng dalawang linggo ay ternuhan ng sapat na ayuda at bakuna!” Ito ang panalangin at panawagan ni Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat kaugnay ng ipatutupad na dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) o lockdown mula Agosto 6 hanggang 20. Ayon sa mambabatas, ang dalawang linggong lockdown ay mangangahulugan ng pagkagutom ng mga tao dahil mawawalan na naman ang mga ito ng hanapbuhay. Lalo pang lalala ang sitwasyon ng mga ordinaryong mamamayan dahil sinasabayan ng pagtaas ng presyo ng mga…
Read MoreONE HOSPITAL COMMAND INUULAN NG COVID CALLS
HINDI maikakailang mabilis na sumisirit ang bilang ng mga nahahawahan ng COVID-19, lalo pa’t mismong ang One Hospital Command Center ang umaming mistulang umuusok ang linya ng kanilang komunikasyon sa dami ng tawag na kanilang tinatanggap mula sa mga indibidwal na humihingi ng saklolo. Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, na siya ring tumatayong treatment czar, dumoble na ang kanilang natatanggap na tawag. Mula sa 90 naitala noong unang linggo ng Hulyo, pumalo na ito sa 175 sa nakalipas ng dalawang linggo. Ang OHCC ang itinalagang ‘referral center’ para sa…
Read MorePara sa mawawalan ng trabaho sa ECQ DAGDAG-PONDO HIRIT NG DOLE
BILANG paghahanda sa magiging epekto ng panibagong deklarasyon ng Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila, humirit ng dagdag-pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa layon nitong maayudahan ang mga ‘formal at informal workers’ na muling mapuputulan ng pagkakakitaan sa loob ng dalawang linggong lockdown simula sa ika-6 ng Agosto. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, bagamat mayroong naiwang pondo ang Department of Budget and Management (DBM) at ang Office of the President para sa mga mawawalan ng trabaho, mas mainam aniyang madagdagan ito sakali mang mas matindi…
Read MoreTugon ng Palasyo sa kumalat na memo WALANG ‘NO VACCINE, NO ENTRY’ POLICY SA NCR
PARA sa Malakanyang, hindi napapanahon na ipatupad ang “no vaccine, no entry” policy sa National Capital Region (NCR) gaya ng itinutulak ngayon sa Lapu-Lapu City. Ang katuwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, mahihirapang makapamili ang mga hindi pa bakunadong mamamayan kung hahanapan sila ng vaccination card lalo pa’t ilang araw na lamang ay nasa ilalim na ng ECQ ang Metro Manila. Hindi rin aniya mabibigyan ng pagkakataon ang mga hindi pa bakunadong indibidwal na makapasok sa anomang public at private markets kabilang na ang department stores, supermarkets, grocery stores at…
Read More