JUNE TARGET COLLECTION NG PORT OF SUBIC NALAGPASAN

Port of Subic-1

Nalagpasan ng Bureau of Customs Port of Subic ang kanilang collection target para sa buwan ng Hunyo. Base sa report,  ang Port of Subic ay nakapagtala ng positibong pagtaas na 17.98% laban sa target para sa buong buwan ng Hunyo. Ang target ng Port of Subic para sa natu­rang buwan  ay P1,828,950,000.00 habang ang kanilang actual collection ay umabot sa  P2,157,827,739.32. Dahil dito, nagresulta ng P328,877,739.32 o katumbas ng 17.78% positibong lagpas. Ang Port of Subic ay anim na buwan nang sunud-sunod na nakakalagpas sa kanilang monthly collection targets. Kaugnay…

Read More

5 TSINO,1 PINOY INARESTO NG BOC, CIIS AT PCG

ARRESTED-17

Limang Chinese  na sangkot sa pagpuslit ng mga pekeng sigarilyo ang nahuli ng pinagsanib na puwersa ng Enforcement & Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Bureau’s Action Team Against Smugglers, Philippine Coast Guard- Special Operation Group at Customs Examiners sa Valenzuela City noong Hun­yo 25, 2019. Nakilala ang mga suspek na sina Kevin Tan, Alex Chan, James Sy, Tin Fu, isang alyas Tonyo at kasamang Pinoy na nakilalang si Michael Jamora. Nauna rito, nakatanggap ang mga awtoridad ng derogatory information na isang warehouse sa Valenzuela City ang…

Read More

NAGTANGKANG MANG-HACK SA WEBSITE NG BOC KINONDENA NI GUERRERO

Commissioner Rey Leonardo Guerrero-2

Kinondena ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagtangkang pag-hack ng hindi pa nakilalang indibidwal ng website ng ahensya. Ayon kay Guerrero, ang nasabing insidente ay tinangka ng mga kriminal para perwisyuhin ang computerization program ng Customs na nakadisenyo para palakasin ang kampanya laban sa korapsyon. May duda ang opsiyal na ang nasa likod ng tangkang pag-hack sa BOC website ay ang mga taong ayaw ng pagbabago sa ahensya. Matatandaang kamakailan ay inilunsad ng BOC ang anim na information system project at ito ang inaasahan na magbibigay…

Read More

P7-M SMUGGLED YOSI NASABAT SA KARAGATAN NG ZAMBO

SMUGGLED YOSI-2

(Ni Joel O. Amongo) Muli na namang nakasabat ng aabot sa pitong milyong pisong halaga ng smuggled yosi ang pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Enforcement Security Service (BOC-ESS), Philippine Navy (PN) at Philippine National Police (PNP) sa karagatan ng Zamboanga City ka­makailan. Ayon sa report, noong Hunyo 25, dakong alas-11:00 ng gabi nakatanggap ng confidential information sa pamamagitan ng text message mula sa isang concerned citizen na nagsasabing may “jungkung” o lantsa na may pangalang MB AZEEZ mula sa Pa­nguturan, Sulu na puno ng smuggled sigarilyo…

Read More

ULTIMATUM VS TIWALING KAWANI NG BOC

Commissioner Rey Leonardo Guerrero-1

(Ni Jo Calim) May babala si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero laban sa mga tiwaling opisyal at empleyado ng Customs partikular ang naniningil ng bayarin na hindi sakop ng Customs Memorandum Order (CMO) No. 30-2019. Ayon kay Guerrero, mahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang sinumang opisyal at empleyado  kapag mapatunayang na­ningil ng bayarin na wala sa CMO. Matatandaang  nilag­daan ni Guerrero ang CMO No. 30-2019 noong Hunyo 18, 2019  na kung saan  nakapaloob  dito ang listahang saklaw ng Customs fees and charges. Dahil sa inilabas na…

Read More

KOLEKSYON NG PORT OF DAVAO SUMIRIT

Port of Davao-1

Nalagpasan ng Port of Davao  ang kanilang target collection para sa  buwan ng Mayo. Lumampas ng P93,947,362.31 ang kolek­syon ng Bureau of Customs Port of Davao para sa buwan ng Mayo ng taong kasalukuyan. Sa inilabas na report ng Port of Davao, nakakolekta  sila ng kabuuang P2,572,737,362.31   para  sa buwan ng Mayo ng mula sa kanilang target na P2,478,790,000.00, ito’y sob­ra ng P93,947,362.31. Nauna na ring nakapagtala ng mataas na monthly collection target ang limang ports sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ang mga ito ay kinabibilangan ng Port of Cagayan…

Read More

GUERRERO NANGUNA SA PORT OF SUBIC 26TH FOUNDING ANNIVERSARY

PORT OF SUBIC 26TH FOUNDING ANNIVERSARY

Pinangunahan ni Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang 26th Founding Anniversary ng Port of Subic, Zambales nitong nagdaang Hunyo 19. Si Guerrero ang nagsilbing  guest of honor sa naturang selebrasyon na kung saan binigyan niya ng pagkilala ang ilang opisyal nito dahil sa kanilang patuloy na pagsisikap para malagpasan ang kanilang monthly, quarterly at yearly target collection. Bukod rito, pinuri rin ni Guerrero ang  bagong mga proyektong inilunsad  ng naturang puwerto tulad ng Goods Declaration Verification System (GDVS), National Value Verification System (NVVS), BOC Document Tracking System (DTS)…

Read More

P25-M SMUGGLED CIGARETTES NASABAT NG BOC-PORT OF ZAMBO

SMUGGLED CIGARETTES

Muli na namang nakais­kor ang Bureau of Customs Port of Zamboanga matapos masabat nito ang aabot sa  P25 milyon  halaga ng smuggled na sigarilyo sa karagatan ng Zamboanga kamakalawa. Ang pagkakasabat ng mga sigarilyo ay sa pamamagitan ng tulong ng Philippine Navy sa BOC Port of Zamboanga. Batay sa ulat, ang mga kargamento ay sakay ng MJ Farnaliza na naharang  ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Navy at BOC Port of Zamboanga sa  bisinidad ng Baliwasan, Zamboanga City. Matatandaan, na noong nakaraang buwan ay nakumpiska rin ng nasabing pwerto sa…

Read More

28 BAGONG CUSTOMS POLICE ITINALAGA SA BOC-NAIA

BAGONG CUSTOMS

Para paigtingin pa ang pagbabantay ng mga hangganan laban sa mga magtatangkang magpupuslit ng kargamento papasok sa bansa, itina­laga na rin ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang 28 pang bagong Customs police sa naturang paliparan. Pinangunahan ni NAIA District Collector Mimel M. Talusan ang isinagawang briefing sa mga bagong Customs police na nasa ilalim ng Enforcement and Security Services (ESS) bago itinalaga ang mga ito. Nakasentro ang briefing sa profiling techniques  para sa kani-kanilang tungkulin sa ilalim ng mandatong nakapaloob sa BOC reforms ng BOC-NAIA  na bahagi…

Read More