Itinurn-over na ng Bureau of Customs-Port of Manila (BOC-POM) ang mga nakumpiskang illegal firecrackers sa Philippine National Police-Firearms and Explosives Office (PNP-FEO). Isinagawa ang turnover ceremony kamakailan sa blasting area sa Sta. Juana, Capas, Tarlac. Napag-alamang, nakalagay umano sa tatlong 40-foot containers ang nakumpiskang iba’t ibang firecrackers na tinatayang umabot sa halagang P27 milyon. Naka-consign umano ang naturang kargamento sa Power Buster Marketing, Blue Harbor Comm at King’s Empire Asian Marketing na idineklarang footwear, bedsheet, at tarpaulin. Ang nasabing importasyon ay malinaw umanong lumabag sa Republic Act 7183 o An…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
KASONG KRIMINAL ISINAMPA NG BOC VS SUGAR AT CIGARETTE SMUGGLERS
(Ni Joel O. Amongo) Kinasuhan na ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) ang presidente/incorporator ng isang kompanya gayundin ang Customs broker na nagpasok sa bansa ng mga smuggled sugar at cigarettes kamakailan. Nakilala ang mga kinasuhan na si Evelio Gelleposo, incorporator/president ng Amulet Supply Chain Corporation at Customs broker na si Gary Villa. Lumabag umano ang dalawa sa Section 1400, 1401, 117 at 1430 ng Republic Act (RA) No. 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). Matatandaan, na dumating ang…
Read MorePEKENG SIGARILYO AT PARAPHERNALIA NASABAT NG BOC-ESS
(Ni JO CALIM) AAbot sa halagang P160 milyon pekeng sigarilyo at paraphernalia ang nasabat ng Bureau of Customs-Enforcement and Security Service (BOC-ESS) sa Bulacan kamakailan. Napag-alaman na ang nasabing mga pekeng sigarilyo ay nakaimbak umano sa loob ng isang warehouse sa Bulacan dahilan upang kumpiskahan ito ng BOC-ESS noong nakaraang Hunyo 13 gayundin ang mga makina na ginagamit sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo. Nauna rito, inisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang nasabing mga kargamento bilang paglabag sa Section 1113 ng Republic Act No. 10863 o mas…
Read MoreBOC ALERTO PA RIN VS ASF
(Ni Boy Anacta) Nananatili pa ring alerto ang Bureau of Customs (BOC) laban sa posibleng pagpasok sa bansa ng mga karne at produktong kontaminado ng African Swine Fever (ASF). Sa kabila ng paghihigpit ng BOC, may mga tao o negosyante pa ring matitigas ang mga ulo na nagtatangkang magpasok ng mga karne at iba pang produkto na posibleng kontaminado ng nasabing sakit partikular ang mga bansang kumpirmadong apektado nito tulad ng bansang China. Dahil dito, nananatiling banned ang meat products mula sa mga bansang apektado ng ASF at patuloy ang…
Read MoreBOC-CLARK NANGUNA SA WILDLIFE LAW ENFORCEMENT WORKSHOP
(Ni Jo Calim) Pinangunahan ng Bureau of Customs-Port of Clark ang Participatory Assessment on Wildlife Law Enforcement and Stakeholders’ Workshop sa Green Canyon Leisure Farm, Bamban, Tarlac kamakailan. Pangunahing tinalakay sa tatlong araw na workshop ang Environmental Law na may kinalaman sa Capacity Assessment on Wildlife Law Enforcement. Ito’y inisyatibo ng DENR at USAID Project Wildlife para higit pang palakasin ang isinusulong ng pamahalaan na ma¬sugpo ang wildlife trafficking sa bansa. Pinangunahan ang na¬sabing workshop ni Enforcement Security and Service (ESS) District Commander SP/Capt. Angelito Cruz at ni XIP Field…
Read MoreCOMPUTER SYSTEM MODERNIZATION PROJECT NG BOC, INILUNSAD NA
(Ni Joel O. Amongo) Pormal nang inilunsad kahapon ng Bureau of Customs (BOC) ang maka¬bagong in-formation system na layong higit pang mapaganda at mapabilis ang serbisyo sa BOC. Tinawag itong “The Improved BOC Seamless and Simplified” na kung saan bahagi ito ng ‘Bureau’s 10-Point Priority Program’ na malaki ang maitutulong pagdating sa In-formation Technology System and Cargo Process ng ahensya. Gayundin ang pagpapaganda ng customer feedback and interaction. Kabilang sa mga dumalo sa nasabing paglulunsad ay ang kinatawan mula sa iba’t ibang stakeholder’s organizations, miyembro ng media mula sa iba’t…
Read MorePUBLIKO BINALAAN NG BOC VS FAKE AGENTS
(NI Boy Anacta) Binalaan ng Bureau of Customs (BOC) ang publiko laban sa mga nagpapanggap na tauhan ng BOC para makapanloko sa mga negosyanteng may transaksyon sa Aduana. Ang babala ay matapos na may mahuling nagpanggap na tauhan ng Customs na umano’y sangkot sa “tara” collection. Matatandaan na noong Mayo 20, nahuli si Xavier Daniele Gabriel, 19-anyos, residente ng Sampaloc, Maynila na tinawag na “hao shiao”. Ayon sa report, ang nasabing tao ay nakasuot ng expired dilapidated BOC ID na may bisa hanggang Marso 2019. Si Gabriel ay naaresto ng…
Read MoreP9-M COCAINE NASABAT NG BOC-NAIA
Nasabat ng puwersa ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) at sa tulong ng iba pang operatiba ang 1.66 kilong cocaine na may katumbas na halagang P9 milyon, mula sa bagahe ng isang Indonesian sa Terminal 3 ng nasabing paliparan kamakailan. Nakilala ang naaresto na si Agus Burhan, 62-anyos, Indonesian, na may hawak na passport number B 0939251 at dumating sa bansa noong nakalipas na Hunyo 12 sakay ng Qatar Airways flight QR 932 mula sa Doha, Qatar. Ayon sa report, nagsagawa ng airport interdiction ang mga operatiba ng…
Read MoreMONTHLY TARGET NG 5 BOC PORTS SUMIRIT
(Ni Jomar Operario) Hindi lang naabot kundi nalagpasan pa ang kani-kanilang monthly collection target ng limang Bureau of Cus-toms (BOC) Ports sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ang mga ito ay kinabibilangan ng Port of Cagayan De Oro, Iloilo, Cebu, Subic at San Fernando, La Union. Nangunguna sa mga ito ay ang Port of Subic na nakapagtala ng actual collection na P3,161,373, 353.18 kumpara sa target nitong P1,969,000,000.00 katumbas ito ng 60.56% na pagtaas. Pumangalawa naman ang Port of Iloilo na may actual collection revenue na P959,674,585.22 mula sa target…
Read More